Chapter 5- My heart will go on

1.5K 23 7
                                    

After ng 4-day Palawan getaway ng barkada ni Judith, back to work na sila..

---sa office----

“Hi Ms. Perez. You’re back.. so, how’s the vacation?”, pagbati at pangangamusta ni Ian, ang boss ni Judith.

“ahm, Hi Sir. Ok naman po, it was really fun.. nakapag unwind naman ako kahit papaano..”, sagot ni Judith kay ian.

“oh, that’s great! So, ah, you have to start for another plan, I’ll give you the details later, so you could start with it maybe by tomorrow, ok?”, Ian told Judith.

“oh, ok sir.. ahm….”, hindi na pinatapos ni ian ang sinasabi ni Judith,

“siguro naman, we can have lunch later, perhaps? Dadaanan na lang kita dito sa cubicle mo”, pagyaya ni Ian, na may pilyong ngiti sa labi..

“ah..ahm sige sir, see you then..”, yun na lamang ang naisagot ni Judith, kahit na may pag aalangan…

Umalis si Judith sa harap ng boss niya.. at nilapitan si Helen.

“Len, mag lulunch daw kami ni Sir mamaya, hindi ko na na-turn down, wala na akong maisip na excuse eh.. ano nang gagawin ko? Hindi ako komportable na kaming dalawa lang eh…”, paghingi ng tulong ni Judith sa kaibigan.

“grabe naman si Sir.. hahahah… type na type ka talaga.. naku friend, mag ingat ka ah… Ay, alam ko na, may naisip na ako…..”, naka-isip ng plano si Helen para tulungan si Judith..

---lunch time---

“So, Judith, Shall we?”, inalalayan ni ian si Judith paglabas nila sa office papunta sa parking lot kung saan nandun ang sasakyan ni Ian.

Habang nasa sasakyan sila, walang imik si Judith, ngunit hindi niya pinahahalata na kinakabahan siya…

After 20 minutes, nakarating sila Judith at ian sa isang restaurant.

They started to order, then nagulat si ian nang biglang may lumapit na lalaki kay Judith…

“Hi Judith! You’re here..Wow! what a pleasant surprise…”, pagbati ng lalaki.

“Oh, Hi Anton! What are you doing here? May imi-meet ka ba ditto? Or are you going to have lunch with someone?”, tanong ni Judith kay Anton, ikinagulat ito ni Ian.

“ah, actually, I was supposed to meet a friend here, pero katetext lang niya, he said malalate daw siya ng one hour, mauna na daw ako maglunch, para mamaya pagdating niya dito, makakapunta agad kami sa destination namin”, sagot ni Anton kay Judith.

“ah, si Eric ba? Saan ba kayo pupunta?”, tanong ni Judith kay Anton, habang si Ian ay naka tunganga lang sa dalawa, at halatang uncomfortable.

“oo, may pupuntahan lang kaming batch mate, may sakit daw, kaya dadalawin namin…”, sagot naman ni Anton.

“ah, so, kung ganoon, sumabay ka na sa amin mag lunch, si sir Ian nga pala, boss ko.. Sir, si Anton, bestfriend ko…”, pagyaya ni Judith kay Anton, sabay pakilala kay Ian.

“oh, Hi, Ian. Ahm, would you mind if I join you?”, baling naman ni Anton kay Ian.

“ahm… no, not at all…”, alangang sagot ni ian kay Anton, at medyo tipid ang ngiti.

nakakainis naman! Wrong timing naman itong lalaking ‘to oh… pag inaalat ka nga naman… panira ng pagkakataon…”, nasa isip ni Ian.

Wala nang nagawa si ian, at kasabay na nila si Anton sa pagkain ng lunch. Habang kumakain sila, matipid naman ang pag uusap sa pagitan nila Judith at ian, laging si Judith at Anton ang magkausap at magkakwentuhan… na kinainis naman ni ian…

Nang matapos silang maglunch, nag paalam na sina Judith at ian kay Anton dahil kailangan na nilang bumalik sa office, at may ididiscuss pa si Ian kay Judith.

Pagbalik sa office,…

Pagpasok ni Ian sa office niya, pumunta na si Judith sa cubicle niya, at nilapitan siya nina Helen at Anne…

“Oh, kamusta ang lunch date?.....”, tanong ni Anne.

“ah.. ayun, naging ok naman, buti na lang dumating si Anton.. as if on cue! Hahah… kaya yun, hindi naging awkward para sa akin, kasi lagi kaming magkausap ni Anton, ewan ko lang kay Sir, hindi siya masyadong nakapag salita eh…heheheh…”, kwento ni Judith.

“hahahaha.. oh diba? Ang galling ng plano ko noh? Hahahahah….”, banat ni Helen.

“hahahahahah… perfect! Brilliant! Hahahahah… “, sabi naman ni Anne, na nag agree kay Helen..

“Ha? So, plano nyo yun? Na papuntahin si Anton dun?”, nagtatakang tanong ni Judith sa mga kaibigan.

“oo. Tinawagan siya ni Anne, kaya nga tinanong ko sa’yo kung saan kayo maglulunch ni sir dba?”, sabi ni Helen.

..

Kanina, habang nasa sasakyan sina Judith papunta sa resto kung saan sila maglulunch ni ian, nag text si Helen kay Judith:

From: Helen Hernandez

“Girl, saan kayo maglulunch ni Sir?”

Pagkabasa ng text, tinanong ni Judith si ian kung saan sila maglulunch. At tinext naman ni Judith kay Helen ang name ng restaurant.

To: Helen Hernandez

“friend, sa The Aristocrat kami maglulunch… Why?”

Nagreply naman si Helen..

To: Judith Perez

“ahh.. I see.. Ok dear, enjoy!”              

..

“Ahhhh…. Yun pala yun.. kaya pala… hahahahah…. Wow! Mahusay!”, natatawang sabi ni Judith.

“oh diba? Hahahahah… Knight in shining Armor ang peg ni Anton!”, sabi ni Anne.

“How sweet! Hahahahah…”, sabi naman ni Helen.

“kayo talaga… hahahahah…. I love you, girls…”, sabi ni Judith sa mga kaibigan.

“Ikukwento natin mamaya kina Tin at Louise ito.. hahahaahahhahah…I’m sure, matutuwa din ang mga bruhang yon…”, sabi ni Anne.

After magkwentuhan ng mga girls, pinatawag ni Ian si Judith to discuss some matters para sa ipagagawang plano kay Judith.

Mabilis na lumipas ang mga araw at iginugugol ni Judith ang kanyang oras sa pagtatrabaho, pero sinisiguro naman niyang may time pa rin siya for her family and friends kahit busy siya sa work… Hindi na nga niya namamalayan na lumilipas ang mga araw, lingo, at buwan nang hindi na niya laging naiisip at naaalala si Edward.

Nakaka move on na siya nang hindi niya namamalayan… nagbalik na rin siya sa dati.. masayahin at mapagmahal.. Nabibigyan na niya ulit ng panahon ang mga hilig niyang gawin, tulad ng pagkanta, pagba-ballet, at ang pag arte sa theatre kapag hindi siya busy…

Two years after……

Sa office…

Nagtipon ang mga employees ng real estate company na pinagtatrabahuhan ni Judith, at syempre, si ian ang may pakana nito…

Plano niyang i-surprise si Judith sa 26th birthday nito, kasabay nito ang pagpapakilala ni Ian sa lahat ng staff and employee ang newly hired project engineer ng kanilang company….

Thanks for reading chapter 5, guys!

Kung medyo nababagalan kayo sa flow ng story, pasensya na po…

Pero, promise… malapit na….alam nyo nay un… heheheh…

Kindly leave your comments, suggestions, reactions, and criticisms .

And please follow me on Twitter: @Karina_lovesU

Thank you so much, God bless.

I Honestly Love You (KimXi Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon