Chapter 10- Something stupid

1.6K 22 3
                                    

Saturday night.. Robert’s party..

“Hi, Good evening! Happy Birthday, Rob!”, bati ni Judith kay Rob pagpasok sa bahay nito. Kasama ni Judith sina Helen at Anne, pati na rin ang friends nilang sina Tin, Louise, at Eric.

“Hi, Thank you! “, pasasalamat ni Rob.

“si Tin, Louise, and Eric nga pala.. friends namin…”, pakilala ni Helen kay Rob sa mga kaibigan.

“Hi, guys! Nice to meet you… Uy, Eric! Long time no see ah… kamusta pare?”, pagbati ni Rob sa mga kaibigan nina Helen, at nagkataong magkakilala pala sila ni Eric.

“Magkakilala pala kayo? “, usisa ni Judith.

“ah, oo.. nagkakilala kami nitong si Eirc noong college.. schoolmates kami..”, sabi ni Rob.

Maya-maya’y dumating na si Dylan kasama ang kanyang barkada, sina Pete, (boyfriend ni Helen) (A/N: small world diba?), si Jake, si paul, si Simon, at si Benj, kasama ang girlfriend niyang si Maddie, na schoolmate din dati nina Judith.

Nandoon na silang lahat sa loob ng bahay ni Rob, at nag dinner na..

Kaunti lang sila sa party, dahil exclusive lang ito sa mga friends ni Rob.

“Rob, ininvite mo ba si Sir Ian?”, tanong ni Anne habang nagdidinner sila.

“ah, oo.. sinabihan ko si Sir.. eh hindi raw makakapunta eh… malamang, may chicks nanaman yun… alam nyo naman.. hahahah…”, sabi ni Rob.

“Oh, ikaw Dylan, nasaan ang asawa mo? Why didn’t you bring your wife with you? Para mameet na rin naming diba?”, tanong ni Louise.

“Oh.. tapos ano?? Sasabunutan mo??! Hahahahahaah…”, banat ni Tin.

“Ikaw Celestine, bakit mo ba ‘ko laging binabara? Malditang ‘toh!..”, sabi ni Louise.

Nagtawanan silang lahat…

“ahm, hindi kasi mahilig sa ganito yun…”, maikling sabi ni Dylan.

“si Denise? Kalian pa hindi nahilig sa party yun?”, tanong ni Jake.

“oo nga pare? Baka naman ayaw mo lang ipakilala kina Judith… ikaw naman… hahahahahah…”, biro ni Paul.

“Hindi naman…. Hahah… loko talaga kayo… Hindi yun mahilig sa mga house party, ang gusto nun, sa bar gumigimik..kasama mga girl friends niya… “, sagot ni Dylan.

“hindi kasi masyadong bet ng friends ni Dylan ‘tong si Denise eh.. may pagka suplada kasi…tsaka maarte yun..”, bulong ni Maddie kina Judith.

“Ah.. I see…”, maikling sagot ni Judith pabulong kay maddie, para hindi mahalata ng iba…

Nagkatinginan naman sina Benj, Jake, Paul, Simon, at Dylan…

Tinapos nila ang kanilang dinner, at maya-maya’y nag kwentuhan habang nag iinuman…

Ang mga girls ay light lang ang iniinom, at ang mga boys ay nag hard.. Medyo controlled ang pag inom ni Pete, dahil kasama niya si Helen, at ganun din naman si bej, dahil kasama si Maddie. Pati na rin si Jake, dahil siya ang magddrive sa mga boys pauwi..

Habang nag iinom at nag kukuwentuhan ang iba, ang ibang boys naman ay nag lalaro ng Billiard, nagkakatuwaan sila habang nag aasaran…

Hindi naman masyadong umiinom si Judith, kaya’t nagmamasid na lang siya sa mga kaibigang masayang umiinom.. nakikisali naman siya sa mga kwentuhan at tawanan…

Napansin ni Judith na marami nang naiinom si Dylan, nilapitan niya ito..

“Dy, hinay-hinay… napaparami ka na ng inom ah…”, sabi ni Judith.

I Honestly Love You (KimXi Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon