Chapter 8- Foolish Heart

1.6K 26 9
                                    

Weekend…

Pagkagising ni Judith, nadatnan niya ang mommy niyang si Isabela na nagpe-prepare ng almusal..

“Good morning, Mom!”, bati ni Judith sa ina, sabay halik sa pisngi..

“Good morning, princess!”, bait naman ng ina.

“anak, mag oovernight tayo sa Tagaytay ngayon ah… mag ready ka na.. overnight lang naman….”, sabi ni mommy Isabela

“ah, ok… kasama natin sina Daddy at Stephen?”, tanong ni Judith.

“oo.. para naman makapag pahinga kahit ngayong weekend lang…”, sagot ni mommy Isabela.

Pagkatapos mag breakfast, nag handa na ng dadalhing gamit si Judith,

Handan a rin ang gamit ng parents niya at ni Stephen, twin brother niya.

At 11 AM, umalis na sila papuntang tagaytay.

Bandang 12 NN ay nag stop over muna sila para mag lunch. Matagal-tagal na rin nilang hindi nagagawa ang kumain sa labas na buo silang pamilya, dahil ang daddy niya ay laging busy sa work nito sa clothing company, si Stephen naman ay laging may gimik kasama ang barkada, pero he is now venturing in his own business, magkaibang magkaiba ng interest sina Judith at ang kakambal nito.

Nagstay sila sa kanilang rest house sa Country Homes Subdivision, malapit ito sa Picnic grove, at 5-minutes drive lang ang casino mula ditto.

Pagkatapos magdinner, nagkausap sina Judith at ang kanyang daddy Frank…

“Anak, how’s work? Malapit na bang matapos yung mga bahay na ginagawa nyo sa isang subdivision sa Pampanga?”, tanong ni daddy Frank.

“ah, opo dad, hmm… mga 2 to 3 months na ang pinakamatagal… kaunti na lang naman halos… we just want to be sure na wala nang magiging problema, then finishing touches na lang…”, sagot ni Judith.

“That’s good! I’m glad to know you’re doing great.. but I can notice, something’s bothering you..”, daddy Frank said.

“ah.. w..wala po ‘to dad.. medyo may iniisip lang… but I’ll be fine…”,Judith said to her dad with a smile.

“of course, I know you will… but, you can tell me…”, daddy Frank said.

“ahm… Dad, ganito kasi yun… I have an officemate, he’s our project engineer. He transferred to our company almost seven months ago.. We’ve been working a lot together, kasi madalas kaming ginagawang magka-partner sa mga projects na ginagawa namin, particularly yung sa Pampanga. Bukod kasi doon, may iba pa kaming projects na sinisimulan..”, Judith told her Dad.

“O, eh anong problema dun? Isn’t he being nice to you? Is he underestimating you, or something?”, tanong ng daddy niya.

“Hindi naman Dad, and yes, he’s really nice to me… mabait siya, responsible, matured, gentleman… kaya nga mabilis kaming naging magkaibigan eh… And actually we’re really good friends now.. there’s something in him that I couldn’t explain, something na hindi ko pa nakikita sa iba.. I.. I don’t know… I….”, paliwanag ni Judith sa ama.

“hmm… I see… You… you, princess..you’re starting to fall in love with this guy, right?”, ang galling ni daddy Frank, kabisadong-kabisado talaga niya ang anak.

“dad?! Eeh… dad naman eeh… how.. how did you know? I mean… oo, pero….”, sabi ni Judith, na nahihiya dahil nahulaan agad ng daddy niya ang nararamdaman niya..

“Pero?... what could go wrong? It’s been a long time since you had a boyfriend.. I’m pretty sure naman anak na naka move on ka na diba?”, says daddy Frank.

I Honestly Love You (KimXi Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon