Chapter 15- I didn't mean to love you

1.6K 33 9
                                    

Umuwi si Dylan sa bahay nila na malalim pa rin ang iniisip…

Pagpasok niya sa bahay, sinalubong siya ng asawang si Denise..

“Hi, Hon… How’s work?”, paglalambing ni Denise, na hahalik sana sa asawa..

“…ah.. Hi.. I….It’s fine…”, sagot ni Dylan sa asawa at binilisan ang paglalakad papunta sa kwarto..

Nagtataka si Denise sa inasal ng asawa… kaya’t inisip na lang niya nab aka pagod lang ang asawa…

Naghain na ng dinner si Denise, at tinawag na niya si Dylan para kumain..

Pagkaraan ng ilang minute ay bumaba rin si Dylan, at sinaluhan ang kanyang asawa sa pagkain..

Habang kumakain silang dalawa, naninibago si Denise sa ikinikilos ng asawa niya…Hindi ito kumikibo kung hindi pa siya kakausapin ni Denise, mabagal ang pagsubo ni Dylan ng pagkain, may mga pagkakataon pang natitigilan ito sa pagkain… Dati kasi,  Kapag kumakain sila ng dinner, laging excited na nagkukuwento si Dylan about his work, his friends… his….partner in crime? Heheh… partner in work….at kulang na lang maging partner in life…. Si Judith.. Minsan nga, sad alas magkwento ni Dylan tungkol kay Judith, ay hindi maiwasang magselos ni Denise, lalo na nang Makita niya ito, at mapag-alamang ang babaeng pilit niyang kinokompitensiya noon, ang babaeng ginawa niyang miserable ang buhay, ay siya pala ang katrabaho ng asawa…sa totoo lang, mula nang pagkikita nilang iyon sa restaurant, nabahala na si Denise… nag aalala siya nab aka gumanti si Judith sa knya at agawin ang asawa niya. Pero hindi ganoong klaseng babae si Judith. Kung alam lang ni Denise, na kahit gaano kamahal ni Judith si Dylan, ay hinding-hindi niya magagawang agawin ito sa asawa, kahit si Denise pa ito. Para kay Judith, hinding-hindi niya gagawin ang ginawa sa knya ni Denise noon, even if Judith has all the reasons to take revenge on Denise, she won’t do it… she will never do the same mistake that Denise did to her several years ago.. Si Judith ay mapagpatawad, mapagmahal, maunawain… likas na sa knya ang magmalasakit at magpasaya sa ibang tao, kahit pa siya ay may problema, sinisikap pa rin niyang maging Masaya para sa iba.. Hindi siya madamot, malawak ang kanyang pag-iisip, and she has a good heart, she loves purely and honestly….. mga katangiang hindi tinataglay ni Denise.. mga katangiang kay Judith lang natagpuan ni Dylan…

This woman makes Dylan think that he shouldn’t have got married too soon.. Bakit nga ba siya nagmadali.. narealize niyang minamahal nap ala niya si Judith… noong una ay dinedeny pa niya ito sa sarili ang nararamdaman, dahil alam niyang mali…mali ang mainlove sa iba dahil may asawa na siya.. although close na close sila ni Judith, it was clear to him that since day 1, wala silang ginawa at ginagawang masama ni Judith.. Tinatanong din ni Dylan sa sarili kung mahal din kaya siya ni Judith.. Tanong na hindi niya malalaman ang sagot kung patuloy niyang ikukubli ang damdamin..

Ilang araw pa ang lumipas….the week has ended, ngunit sa huling dalawang araw ng linggong iyon ay hindi na masyadong inuutusan ni Dylan si Judith, hindi na niya masyadong kinacareer ang consequence ni Judith sa pustahan nila… Dahil sa pagkakataong ito, hindi na magawa pang i-deny ni Dylan ang nararamdaman niya para kay Judith… at hindi niya namalayang nawawala na ang dating pagmamahal at pananabik sa asawa.. batid niyang hindi na tulad ng dati ang relasyon nila ni Denise, noon pa man ay madalas nang magka-issue sa pagitan nilang dalawa, lagi na silang maraming pinagtatalunan at pinagdidiskusyonan, at lalo pang dumalas ito noong mga nakararaang buwan, ang akala noon ni Dylan ay maaayos din ang lahat ng gusot, tulad ng mga dati nilang pinag-aawayan na naaayos din naman, but this time, it’s different… it has never been this worse… ano nga bang mali? What could go wrong with the two of them? Alam ni Dylan na sinusubukan ni Denise na maging normal ang kilos niya, ngunit may nase-sense siyang iba sa asawa niya… na parang may itinatago ito… bukod sa nakaraan nito…na involve si Judith……at si Andrew…

I Honestly Love You (KimXi Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon