Chapter 7- Taken

1.6K 25 10
                                    

Pagkarating nila Judith at Dylan sa office, hindi pa rin mawala sa isip ni Judith kung sino kaya ang kausap ni Dylan sa phone nya kanina…

Ilang buwan na rin naman silang magkaibigan, ngunit ang ipinagtataka ni Judith, wala namang naikukuwento si Dylan sa kanya about his girlfriend, or kung mayroon ba o wala…

After two weeks….

“Judith, tara na.. tapos ka na ba dyan? Remember, may hang-out tayo, it’s Friday night, dear….”, pag-remind ni Anne kay Judith.

“ay, oo matatapos na.. sandal na lang ito… si Helen, ready na ba? “, sabi ni Judith kay Anne.

“Oo, ready na.. ano, let’s go?”, singit ni Helen sa usapan ng dalawa nang marinig niya ang kanyang pangalan.

“teka, sina Tin at Louise ba natawagan nyo na? tsaka pala si Eric?”, tanong ni Judith kay Helen.

“oo, pahuhuli pa ba yung mga ‘yon..pagdating sa gimikan, front row lagi ang mga yun, lalo na si louise noh! Hahah..”, tugon naman ni Helen.

Habang nag-uusap ang tatlo, lumapit si Dylan kay Judith….

“Judith, tapos mo na ba? Pag tapos ka na, paki-send na lang sa e-mail ko bukas…. Thank you…”, sabi ni Dylan.

“Ah, oo patapos na.. finishing touches na lang ito.. sige, send ko na lang sa’yo bukas…”, sagot ni Judith.

“Ui Dylan… ikaw masyado ka nang workaholic ah.. sama ka sa’min, may hang-out kami.. para ma-meet mo na rin yung iba naming friends, I’m sure mage enjoy ka… hahahaha..”, pagyaya ni Helen kay Dylan. Naging friends na rin nina Anne at Helen si Dylan dahil close ito kay Judith, at mukhang type ng dalawa si Dylan para kay Judith kaya niyaya nila itong sumama sa kanila…

“ah… ok, ililigpit ko lang ang gamit ko sa table.. then, I’ll get back to you, guys..”, sabi ni Dylan, sabay smile kay Judith.

Pagkaalis ni Dylan, nagtinginan at nagngitian sina Helen at Anne, tsaka binigyan ng makahulugang ngiti si Judith…

Pagkatapos ayusin ni Dylan ang desk nya, may tinawagan siya sa phone..

Nakita naman ni Helen na may kausap sa phone si Dylan habang papalapit sa kanilang tatlo, hindi man gaanong maintindihan ni Helen ang sinasabo ni Dylan sa kausap nito sa phone, ang dating sa kanya, ay para bang nagpapaalam ito sa kausap nito sa phone about their hang-out…

Ang tanging naintindihan lang ni Helen sa kanyang narinig ay, “ksama ko ang mga officemates ko, si Judith..yung lagi kong kinukwento sa’yo, tsaka kasama daw namin yung mga friends nila para makilala ko rin daw”….”Okay.. you take care… bye..”.

May sinabi pa si Dylan, ngunit hindi na naintindihan ni Helen ang huling sinabi ni Dylan sa kausap niya sa phone, dahil halos pa-bulong na ito…

Habang si Anne ay tinutulungan si Judith na magligpit ng gamit at mag ayos ng desk nito, lumapit sa kanila si Helen…

“Nako, ang lolo nyo.. (referring to Dylan), mukhang nagpaalam pa na gigimik ngayong gabi..”, sabi ni Helen sa dalawa.

“eh kanino naman siya nagpaalam? Sa girlfriend nya?”, tanong ni Anne.

Just the thought of Dylan having a girlfriend makes Judith feel somewhat uneasy, she doesn’t know why…

“ewan ko.. wala naman siyang nababanggit na may girlfriend na siya.. ewan ko ba dun sa mokong na yun… ilang buwan na kaming magkaibigan, medyo may pagka secretive pa rin.. alam na nga niya tungkol sa family ko.. sa past relationships ko… pero siya, family and friends ang lagi niyang kinukwento sa’kin, but he never mentioned about having a girlfriend.. “, paliwanag ni Judith sa mga kaibigan.

I Honestly Love You (KimXi Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon