Epilogue

5K 124 18
                                    

"HAPPY BIRTHDAY TO YOU." Inilapit ni Maebelle ang anak sa cake nito para sabay nilang ihipan ang kandila.

Their second child Lia is celebrating her first birthday today.

"Happy Birthday baby." Isa-isang lumapit sa kanila ang barkada at nagkanya-kanyang bigay ng regalo.

"She's so cute. Bagay sila ni Inigo." Komento ni Rose-Anne.

Natawa siya habang si Lander naman ay tinignan ito ng masama. "My princess is too young. Nirereto mo na sa anak mo." Iritadong sabi nito.

Tumawa lang naman 'yong isa. "Bakit ba? Malay mo sila naman talaga. E di magbalae na tayo kapag gano'n." Binalingan siya nito. "Di ba balae?" Tumawa lang naman siya bilang sagot.

Narinig nila ang pagdating ng sasakyan kaya agad silang napabaling dito.

Napangiti siya nang makita ang mama niya kasama ang papa.

She never imagined the day na magkita muli ang totoo niyang mga magulang at magkaayos. Well, technically hindi naman super ayos ang relasyon ng mga ito. They are civil to each other. She doesn't know that her father is the famous Gov. Jacob Manuel, who happened to help her mother when her bastard ex-husband tried to kill her.

Pagkatapos tulungan ng papa niya noon ang mama ay hindi na nito hiyaang makaalis pa sa poder ang ina. She's staying at his mansion now. Alam niyang malabong mangyari but she always pray that they will end up together and marry each other. They're both single so hindi naman siguro masama 'yong hiling niya. She even asked her mama one time but she said that they're too old to get married. At nang tanungin naman niya ito na kung sakalin mas bata sila, papayag ba itong makasal sa ama? Hindi ito sumagot at ngumiti lang na parang nahihiya. She laughed so hard that time because they are so cute. Masaya rin siya kasi nagkaayos na sila ng mama niya. She buried all the pain and hatred she's feeling because somehow naiintindihan niya rin naman ito. Hindi maganda ang nangyari noon dito at natrauma pa ito. Kaya naiintindihan niya ang galit nito sa kanya. And besides, that's already in the past. Ang mahalaga, masaya sila ngayon. Her sister is still in jail, kasama na nito ngayon ang ama. Well, that's where karma brought them.

"Balae." Masayang sinalubong ng mommy ni Lander ang mama niya at niyakap. Napakasweet talaga nito. She's sure dito nagmana ang asawa niya.

Lumapit ang mga ito sa kanila. "Mama." Salubong niya at hinalikan ito sa pisngi. Gano'n din naman ang ginawa niya sa ama.

"Mukhang nahuli na kami." Natatawang sabi nito. "May pinuntahan pa kasi ang papa mo."

Umiling siya. "Okay lang ma. Kakatapos nga lang namin siyang kantahan." Nakangiting aniya.

"Gano'n ba? Pabuhat nga ng apo ko." Sabi nito at kinuha si Lia sa kanya. Mabilis naman niya itong binigay.

"Napaka-cute na bata. Kamukhang-kamukha mo." Komento nito.

Nginuso niya ang asawa na kasama ang barkada. "Magagalit 'yon kapag narinig ka."

Tumawa lang naman ito. "Si Lucas?" Tanong nito. And as if on cue, nakita na nilang tumatakbo papalapit sa kanila ang panganay.

"Lolo! Lola!" Masiglang sabi nito.

"Careful anak baka madapa ka." Paalala niya.

Nang makalapit ito sa kanila, agad itong binuhat ng papa niya.

"How are you?" Tanong nito.

"I'm fine po. When will I visit you and lola again?" Bibong sabi naman ng anak.

Tinignan siya ng ama. "Pwede ba namin siyang isama pag-uwi?"

Tumango siya. "Yehey!" Tuwang-tuwa namang turan ni Lucas.

Love Will Lead You Back [COMPLETED]Where stories live. Discover now