Chapter 1

5.1K 100 6
                                    

MABILIS na tinakbo ni Maebelle ang anak palabas.

"Mama 'yong ice cream ko po." Rinig niyang reklamo nito.

"Bibili na lang ulit si mama." Sagot niya habang pinapasok ito sa sasakyan.

"Saan po ba tayo pupunta mama? Why are we running po?" Inosenteng tanong nito.

"Uuwi na tayo anak. Tapos pupunta tayo sa malayo."

"Why po?" Makulit din talaga 'ton anak niya.

"Ipapaliwanag na lang sa'yo ni mama after okay. Ngayon, kailangan muna nating makaalis dito." Sagot niya at ginulo ang buhok nito bago pumunta sa unahan at sinimula na ang pagda-drive.

Panay ang tingin niya sa likuran. Baka kasi hinabol sila ng binata. Pero hindi naman niya nakita kaya nakahinga siya ng maluwag.

Medyo binagalan na niya ang pagmamaneho pagkatapos masiguradong wala ngang nakasunod. Pero hindi pa man lumilipas ang isang minuto, nagulat na lamang siya at biglang naapakan ang preno nang may biglang humarang sa kanila na napakaraming sasakyan.

Tinignan niya ang likuran para sana iatras ang sasakyan pero may mga sasakyan din doon.

"Shit." Mahina niyang usal.

"Mama what's going on?" Tanong ng anak. At dumukwang pa para tignan ang nangyayari.

Tinignan naman niya ito kung ayos lang. Kinalas na nito ang seatbelt. "Wala baby. Just go back to your seat and don't do anything." Sagot niya dahil nakikita na niya ang lalakeng lumabas sa sasakyan at naglalakad papalapit sa kanila. At para talagang k-drama ang dating dahil sobrang gwapo nito at pakiramdam niya nag-slowmo bigla. Napailing siya. Gaga. Ano ba 'tong naiisip niya.

"Mama is that my papa?" Excited na tanong nito ng mamukhaan ang lalake. Mariin siyang napapikit. Sinasabi na nga ba't hindi talaga magandang ipakilala sa anak ang ama sa mga pictures. Wala naman kasi talagang pinagkaiba ang itsura nito sa personal at do'n sa mga magazines.

"No. Hindi siya 'yan. Di ba mama already told you that you're papa is in the other country and will not come back anymore." Pagkumbinse niya.

Ngumuso ito. "Maybe he's back." Sagot nito at nagulat siya nang buksan nito ang backseat at tumakbo palabas.

"Lucas no!" Sigaw niya pero huli na dahil nakita niyang sinalubong na nito si Lander.

Napatampal siya sa noo. Naku nalintukan na.

Tumaas ang kilay niya nang makitang mabilis ding lumapit ang binata dito at sinalubong ng yakap saka binuhat. Para talagang alam nitong anak nito ang bata.

Nakita niyang naglakad ito papalapit sa sasakyan kaya 'yong puso niya hindi na naman kumakalma dahil sa kaba.

Nilock niya ang sasakyan para hindi ito makapasok.

"Open the door." Rinig niyang sabi nito habang kinakatok ang bintana pero hindi niya pinansin.

"Bubuksan mo o kukunin ko ang bata. Mamili ka." Matigas nitong saad kaya wala pang isang segundo nabuksan na niya ang pintuan ng sasakyan.

Tiningala niya ito at tinignan ng masama.

"Sino ka ba? At anong kailangan mo sa'min." Hinawakan niya ang bata. "Akin na nga ang anak ko."

"Stop the act." Nag-igting ang panga nito sa galit. "Get out." He said full of authority.

Mas lalong tumalim ang tingin niya rito. "Hoy kuya! Hindi porket gwapo ka----este 'yang sasakyan mo. Gumaganyan ka na. Amin na 'yang anak ko. Hindi ka namin kilala kaya tigilan mo kami."

"But mama he's my papa po." Napangiwi siya. Ang sarap din namang busalan ang bunganga ng anak dahil sa kadaldalan.

"Baby. He's not your papa. Mas gwapo si papa kaysa sa kanya." Sagot niya at pilit itong nginitian. Umiling lang naman ang anak.

Love Will Lead You Back [COMPLETED]Where stories live. Discover now