Chapter 9

3.1K 67 3
                                    

KASALUKUYANG pina-finalize ni Maebelle ang design para sa isang gown na pinapagawa sa kanya nang biglang pumasok si Zia sa opisina niya.

"Ma'am may bisita po kayo." Anito.

Kumunot ang noo niya. "Sino daw?"

"Ayaw pong sabihin."

Mas lalong kumunot ang noo niya. "Sige. Papasukin mo na lang."

Tumango ito bago lumabas para sabihan ang naturang bisita.

Diretso lang ang tingin niya sa pintuan hanggang sa pumasok ito.

Agad siyang napatayo dahil sa gulat.

"A..ate?"

Naglakad ito papalapit sa kanya. "So totoo nga ang balita namin na mayaman ka na." Hindi man lang siya nito binati. Prente ring naupo sa upuang nasa harapan niya.

"Paano ka nagkaroon ng ganito?" Sabi na naman nito habang pinagmamasdan ang paligid ng opisina niya.

Naupo siya sa swivel chair at tinignan ito ng seryoso. "Anong kailangan mo?"

"Inutusan ako nila mama at papa at puntahan ka raw." Sabi nito sabay kuha sa ginagawa niyang design. "Infairness, magaling ka pala talagang magdrawing." Hindi niya pinansin ang sinabi nito dahil mas nangingibabaw sa kanya ang galak sa narinig. Possible kayang gusto na ng mga magulang niya na umuwi na siya sa bahay nila.

"Bakit? Pwede na daw ba akong umuwi?" Halata ang excitement sa boses niya.

Umiling ang kapatid. "Hindi. Kailangan namin ng pera."

Agad na napawi ang ngiti niya at napalitan ng pagkunot ng noo. "Para saan? May nangyari ba sa kanila?"

Binalik ng kapatid niya ang papel sa lamesa at tinignan siya ng seryoso. "Nasa kulungan si Daniel at kailangan niya ng pampiyansa. Nabalitaan nila mama at papa na mayaman ka na raw kaya inutusan nila ako dito. At tunay ngang mayaman ka na."

Ang kanina'y sayang nararamdaman dahil sa pag-aakalang makakauwi na sila ng anak at kaba dahil sa pag-aakalang may masamang nangyari sa mga magulang ang biglang naglaho at napalitan ng galit. PERA lang pala talaga ang kailangan ng mga ito sa kanya. PERA lang amg mahalaga para sa mga ito.

Napailing siya at ngumiti ng mapait. "No. Makakaalis ka na." Matigas niyang sabi.

Galit itong tumayo. "Ano? Wala ka talagang utang na loob. Anong klase kang anak at kapatid ha?"

Tumaas ang kilay niya at natawa ng walang emosyon. "Sa'yo talaga nanggaling 'yan?" Umiling siya. "Oo nga naman. Kahit ano namang gawin ko ako talaga ang walang utang na loob sa mata ng mga magulang natin. You're the favourite child remember?" Sinandal niya ang likuran sa swivel chair. "O baka naman nakalimutan mo na ang mga nangyari ate kaya ipapaalala ko sa'yo." Tinignan niya ito ng seryoso. "You didn't finish high school kasi nabuntis ka ng walanghiya mong ex-boyfriend. Hindi nagalit sa'yo sila mama at papa bagkus tinanggap nila ang nangyari sa'yo. Hindi ka tinakwil at nang makapanganak ka pinagpatuloy ka nila sa pag-aaral. Pero nang graduating ka na sana nalaman na naman namin na buntis ka na naman sa ibang lalake naman ngayon. Wala ka ulit narinig na masasamang salita galing sa kanila. That's great right? Hindi ka na nag-aral kasi sabi mo aalagaan mo na lang ang mga anak mo. Pumayag sila nang bukal sa loob. And then you met this bastard Daniel sa isang bar. Pinatira mo siya----"

"Tama na." Putol nitong sigaw pero hindi siya nagpatinag.

"No." Madiing aniya. "Kailangan mong maliwanagan kung sino sa atin ang walang utang na loob." Tinignan niya ito ng masama. "Nang manatili kayo sa bahay. Lahat ng gastos galing kina mama at papa. Puro sugal lang ang ginagawa niyo. Yon sanang pera pampaaral sa akin, sa inyo nilalaan. Kaya nga naging working student ako di ba? Kasi ni kusing wala ng binibigay sa akin sila mama at papa. Tapos doon lang sa isang pagkakamali ko tinakwil na nila ako at sinabihan ng masasakit na salita. Isa daw akong kahihiyan. Wala daw akong delikadesa kasi nagpabuntis daw ako sa kung sino na lang na lalake." Tumawa siya. "Wow! Nahiya naman ako sa'yo ate. Partida, nakapag-graduate pa ako ng college no'n kahit buntis na ako ha." She sounds so rude and disrespectful but she doesn't care. She had enough of these sufferings from them. Ilang taon din siyang nagtiis. Kailangan na din niyang ipagtanggol ang sarili sa mga ito.

Love Will Lead You Back [COMPLETED]Where stories live. Discover now