Chapter 6

3.4K 78 10
                                    

"ANONG gagawin natin dito?" Nagtatakang tanong ni Maebelle kay Samantha habang nasa labas sila ng isang bar. Gabing-gabi na at inaya siya nitong lumabas. Mabuti na lang at nasa bahay ng mga magulang ngayon ni Lander si Lucas.

"Max is having bachelor's party. Sisilipin lang natin kung ano na ang nangyayari. Paniguradong nandiyan din si Lander." Sagot nito. Baka nga nandito ang binata. Hindi pa kasi ito umuuwi.

"Anong mapapala natin diyan?" Hindi niya rin talaga maintindihan ang trip ng babaeng 'to.

"Baka may mga babae silang kasama. Hindi ka ba nagseselos?" Kunot-noong tanong nito.

Tumaas ang kilay niya. "Ba't naman ako magseselos?"

Umismid ito. "Yeah right. Hindi mo pala gusto si Lander."

"Bakit ikaw? Magseselos ka ba kung sakali?"

"Oo naman. Mahal ko 'yong tao eh." Mabilis nitong sagot.

Napangiti siya. "Sana all." Biro niya. Na mukhang hindi nito nagustuhan dahil biglang sumimangot.

"Hindi mo sasabihin 'yan kung malalaman mo ang totoong dahilan ng magaganap na kasal." Malungkot nitong sagot.

Na-curious siya tuloy. "Bakit? Ano ba ang dahilan?"

Bumuntong-hininga ito. "He just want to marry me for the sake of their company. Nalulugi na kasi ang kumpanya nila kaya kailangan niya akong pakasalan para masalba ito. At ako naman si gaga, dahil sobrang mahal na mahal ko siya, hindi na ako nagdalawang-isip at pumayag na lang." Napailing ito. "Ewan ko ba sa sarili ko kung bakit mahal ko pa rin siya kahit ilang beses na niyang pinamukha sa'kin na hindi niya ako gusto." Natawa ito. "Alam mo, high school pa lang kami siya na talaga ang gusto ko. Ilang beses na nga rin akong umamin sa kanya at ilang beses na ring nareject pero sige pa rin ako. Kahit ilang beses ko siyang nakitang may kahalikan na iba't ibang babae hindi pa rin ako nati-turn off. Tapos no'ng nagpropose siya sa'kin kahit alam kung napilitan lang siya para sa kumpanya nila. Grabe pa rin 'yong saya ko no'n." Nilingon siya nito at tinignan ng seryoso. "Sa tingin mo, sobrang gaga ko na ba at martyr?" Tanong nito.

Oo NAPAKA!

Yan ang gusto niyang isagot pero pinigilan niya ang sarili. Nakakaawa naman kasi ito.

Nagkibit-balikat siya. "Siguro normal lang naman 'yan kapag nagmamahal ka."

Ngumiti ito. "You know, this is my last card. I'm planning to make him fall for me at kapag hindi 'yon nangyari, susuko na talaga ako." She can feel the sadness in her voice pero wala naman siyang magawa para icomfort ito.

"Okay enough with the drama. Let's just go inside." Aya nito at lumabas na ng sasakyan.Sumunod na lang din siya.

Akala niya hindi sila papapasukin kasi nakareserve daw ang buong bar para sa bachelor's party. Pero nang sabihin ni Samantha ang pangalan ay agad naman silang pinayagan.

Pagpasok sa loob, tumambad sa kanila ang napakaraming mga kalalakihan na na nagsasaya habang may mga babae namang nagsasayaw sa gitna na kulang na lang maghubad dahil sa mga suot.

"Damn him." Rinig niyang mura ni Samantha habang may tinitignan. Sinunod niya ang tingin nito at nakita ang isang lalakeng may kahalikan at itsura pa lang ng mga ito ay mukhang gagawa na ng milagro kahit napakaraming tao. Napailing siya. Maybe this is Max.

Ibinaling niya ang tingin sa ibang direksyon dahil nalalaswaan siya sa itsura no'ng dalawa pero mabilis din pinagsisihan dahil nakita niya si Lander na may kasama ring babae at nakakandong pa sa binata habang naglalandian.

Pinataas niya ang kilay at nilingon si Samantha na ngayon ay wala na sa tabi niya.

"Nasaan na 'yon?" Nagtatakang tanong niya. At nagpalinga-linga sa paligid.

Love Will Lead You Back [COMPLETED]Where stories live. Discover now