Chapter 13

3.5K 80 6
                                    

NASA labas lang si Maebelle ng shop at hinihintay si Lander. Ang sabi kasi, on the way na ito.

"Ms. Marquez?" Napalingom siya sa bagong dating at nakita si Mr. Cruz na naglalakad papalapit sa kinaroroonan niya.

"O kayo pala Mr. Cruz. Kailangan niyo na po ba 'yong damit? Kakasara ko lang kasi ng shop pero kukunin ko kung 'yon po ang sadya niyo." Sabi niya rito at akmang bubuksan na ang shop pero mabilis siyang pinigilan ng binata.

"No need. Dumaa lang ako para tignan kung nakabukas pa kayo. Pero mukhang pauwi ka na kaya bukas na lang." Nakangiting sabi nito.

Ngumiti rin siya rito. "Ah gano'n ba. Sige po agahan niyo na lang bukas." Medyo nailang siya kasi hindi pa rin nito binibitawan ang kamay niya. Hindi niya alam kung hahablutin ba ang kamay o tatanggalin ang kamay nito kasi alin man sa dalawa, nakakahiyang gawin. Pana'y pa naman ang ngiti nito sa kanya. Ngumiti na lang din siya.

Napapitlag silang dalawa at agad na napabitaw sa isa't isa nang makarinig ng malakas na busina.

"Nandiyan na pala 'yong sundo. Sige mauna na ako." Paalam niya.

Tumango naman ito. "Ingat ka."

She smiled and waved her hand at him.

Mabilis siyang tumakbo papuntang sasakyan at binuksan ang passenger. Nagtaka siya at hindi nito pinuwesto ang sasakyan sa malapit sa kanya.

"Ba't ka nalate?" Tanong niya pagkapasok.

Hindi ito sumagot. Ni hindi nga siya nilingon. Basta na lang pinausad ang sasakyan.

Kumunot ang noo niya at muli itong kinausap. "Okay ka lang?"

Wala na naman siyang narinig na sagot mula rito. Naramdaman din niya na mas lalong bumilis ang takbo ng sasakyan.

Hinampas niya ang kamay nito. "Ano bang ginagawa mo? May balak ka bang patayin ako?" Naiinis na aniya.

Mukha naman itong natauhan at agad na binagalan ang pagpapatakbo. Pero halata parin na masama ang aura ng mukha nito. Nag-iigting din ang panga. Hindi niya alam kung ano ang problema nito at bakit nagagalit. Siguro may nangyari sa opisina nito. Kaya din siguro nalate.

Hindi ito umiimik kaya hindi na lang din siya nagsalita hanggang sa makarating sila sa bahay.

Dire-diretso itong lumabas. Sumunod naman siya. Nang pareho na silang nasa loob, mabilis itong umakyat ng kwarto nang hindi nagsasalita.

Tumaas ang kilay niya. Ano bang problema ng lalakeng 'yon?

Umiling siya bago nagtungo sa kusina para kumuha ng malamig na tubig.

Sakto namang kakatapos niya lang hugasan ang basong ginamit nang pumasok ito sa kusina at nakabihis na ng pambahay.

Agad itong tumalikod ng makita siya.

Hindi na siya nakatiis sa inaasta nito kaya tinawag na niya. "Hoy Kapre!"

Napatigil ito at kunot-noong tumingin sa kanya. "What the hell did you just call me?" Matigas ang boses na sabi nito.

Tumaas ang kilay niya. "I called you Kapre. Why? Magagalit ka na naman?"

"Tsk." Umismid ito saka tumalikod at maglalakad na naman sana paalis pero mabilis niyang hinarangan.

"Teka nga muna. Ano ba talagang problema mo ha? Kanina ka pa." Tinignan niya ito ng seryoso.

Kumunot naman ang noo nito. "What are you talking about? I don't have a problem?"

Tumaas ang kilay niya. "Really? Make it convincing. Because I'm not convinced at all." Hamon niya.

Tinignan siya nito ng seryoso. "I don't have a problem okay. Umalis ka nga diyan." Napasinghap siya nang hawiin siya nito at lampasan.

Love Will Lead You Back [COMPLETED]Where stories live. Discover now