Chapter 8

3.4K 78 5
                                    

MISS na miss na ni Maebelle ang anak kaso humirit pa ng dalawang linggo ang mga magulang ni Lander na makasama ang bata. Hindi naman siya makatanggi dahil nahihiya siya. Atsaka alam naman niya kung gaano namiss ng mga ito ang apo. Ilang taon ba naman niya kasing tinago ang anak sa mga ito.

"What's with the face?" Napatingala siya nang biglang dumating si Lander sa garden kung saan siya nakatambay.

"Wala. Namiss ko lang si Lucas." Sagot niya.

"You miss him but you don't want to visit him. Are you even normal?" Kunot-noong tanong nito bago naupo sa kaharap niyang upuan.

Tinignan niya ito ng masama. "Ayoko siyang bisitahin kasi baka mai-uwi ko siya nang wala sa oras. Okay na sa'kin 'yong makausap ko siya sa cellphone gabi-gabi."

Nagkibit-balikat ito. "Sabagay sapat naman na 'tong kagwapuhan ko para maibsan 'yang pangungulila mo." Pagmamayabang nito.

Tinaasan niya ito ng kilay. "Grabe ha. Ang lakas ng hangin. Buti sana kung totoo no?"

Tumaas ang sulok ng labi nito. "Miss kahit anong sabihin mo, alam kung sobrang gwapo ko. At isa pa, hindi mo na kailangang magpanggap na walang pagtingin sa'kin. Hindi na bumebenta 'yang mga ganyan."

Mas lalong tumaas ang kilay niya. "Wow. Ang kapal ha. Sorry, pero kahit anong gawin mo, hindi mo mahihigitan o kahit mapantayan man lang sana ang kagwapuhan ni Ranz."

Nawala ang ngisi nito at tinignan siya ng masama. "The hell. You really find that fucking Doctor handsome? Why? Do you like him?"

"Yes. So what?" Prangkang sagot niya.

Mas lalong sumama ang tingin nito. "Damn it. You are not allowed to see him again."

Tumaas ang kilay niya. "At sino ko para sundin ko?"

He clenched his jaw. "Don't tell me you're trying to steal him from his wife."

"What? Of course not. Anong akala mo sa'kin?" Hindi natutuwang aniya.

"But you said, you like him!" Sigaw nito.

Bahagya pa siyang nagulat dahil sa ginawa nito.

"Ba't ka ba sumisigaw?" Inis na aniya at tinignan ito ng masama. "Yes I like him. In fact, I like all your friends to be my friends too. Ano bang masama do'n."

"You what?" Parang hindi ito makapaniwala sa narinig.

Umismid siya. "Ayoko ng ulitin. Bahala ka sa buhay mo kung anong narinig mo." Tumayo na siya at aalis na sana pero mabilis siya nitong hinarangan.

"Ano?" Galit na aniya.

Ngumisi ito. Parang baliw. Kanina lang galit, ngayon nakangisi na naman. "Meron ka pa ngayon? Bakit ang high blood mo?"

Tumaas ang kilay niya. "Ako pa ang high blood? Sino ba ang sumigaw kanina?"

"Well, I just got shocked." Pagpapalusot nito.

Inikutan niya ito ng mata saka pilit na tinatanggal ang kamay sa hawak nito pero hindi naman magawa kaya nainis na naman siya.

"Ano ba? Bitiwan mo na nga ako."

Umiling ito. "Nah. Let's have a drink first. Sayang naman 'tong nilabas kong beer."

Tinignan niya ang limang beer in can na nasa lamesa na nilapag nito kanina bago binaling muli ang tingin sa binata.

"Ayokong uminom." Sagot niya.

"Just one. Ako na ang uubos no'ng apat." Pangungumbinse nito.

Pinakibot niya ang labi. "Iinom tayo ng walang pulutan?"

Love Will Lead You Back [COMPLETED]Where stories live. Discover now