Chapter 5

3.6K 83 6
                                    

"ANO 'to?" Napayuko si Maebelle nang marinig ang tanong ni Samantha. Nasa sala silang tatlo at nag-uusap. Pinaakyat na muna niya ang anak sa kwarto nito.

"Why didn't you tell me?" Tanong ulit ng dalaga no'ng walang sumagot sa kanila ni Lander.

Narinig niya ang pagbuntong-hininga ng binata. "I forgot." Tipid nitong sagot habang nakapikit at hawak ang sentido. Mukhang stress na ito.

"You forgot? What kind of reason is that? You want me to forget you too?"

"Damn it. Of course not." Mabilis na sagot ni Lander. Hindi niya alam pero para siyang nanlumo sa narinig. Halatang napaka-importante ng dalaga para rito.

"Sorry." Singit niya sa usapan ng dalawa. Mabilis namang napatingin ang mga ito sa kanya. "Pasensya na Miss Samantha kung hindi ko sinabi sa'yo ang totoo. Pero maniwala ka, wala kaming balak ng anak ko na sirain kayo. Kaya 'wag po sanang ito ang maging dahilan para iurong niyo ang kasal." Hingi niya ng paumanhin.

"Kasal?" Sabay na bulalas ng mga ito at tinignan siya ng nakakunot ang noo.

"Oo. Di ba ikakasal na kayo?" Nagtatakang aniya.

"What the!" Tinignan nito ang binata. "Anong kababuyan ang pinagsasabi mo sa kanya?"

"Fuck! I didn't tell anything." Hindi natutuwang sagot nito tinignan siya. "Where did you get that information?" Magkasalubong na ang kilay nito.

"H..ha?" Hindi niya magets kung bakit ganito ang reaction ng dalawa.

Tinignan niya si Samantha. "Di ba ikakasal ka kay Mr. Bautista?"

"Yes I'm marrying Max. He's cousin." Sagot nito at halata pa rin ang pagtataka sa mukha.

"Ah." Hindi niya alam kung ano ang sasabihin. Iniwas niya ang tingin sa dalawa at pasimpleng kinamot ang ulo. Ang tanga naman kasi siya. Assuming ka teh?

"You thought I was going to marry this guy?" Napatingin siyang muli kay Samantha nang magsalita ito. She looked so disgusted.

"Ha! Look at your face." Tinuro ni Lander ang dalaga. "I'm not happy with that. Are you insulting me?"

Samantha rolled her eyes. "Glad you know."

Hindi siya makarelate sa mga ito kaya pinalipat-lipat na lang niya ang tingin sa dalawa habang nagbabangayan.

"Damn. Are you really my best friend?" Hindi natutuwang sabi ng binata habang nakatingin ng masama do'n sa isa.

"Of course. Ganyan naman ang real friend di ba? Dapat honest hindi plastic. Right?" Tinignan siya nito at kinindatan. Ngumiti na lang siya ng tipid.

"Umalis ka na nga dito. Why are you even here by the way?" Halata pa rin ang inis sa itsura ang boses ni Lander.

"Tita invited me for dinner. May announcement ka daw. I didn't know mas nauna pa pala akong dumating kesa sa kanila."

Kumunot ang noo ng binata. "What announcement? At paanong hindi ka mauuna eh dinner ang usapan, mag-aalas singko pa lang." Pambabasag nito.

Umismid lang si Samantha. "I'm excited. Baka kasi ikakasal ka na. At mukhang hindi nga ako nagkamali." Tinignan siya nito at binigyan mapang-asar na ngiti.

Tumaas ang kilay niya. "I know what you're thinking and it's not true." Umiling siya.

"You are not in a relationship?" Nagtatakang tanong nito. Umiling siya. "You don't like him?" Tanong nitong muli.

Tinignan niya muna si Lander bago sumagot at nakitang seryoso itong nakatingin sa kanya. She shook her head again. "No."

"The hell." Rinig niyang mura ng binata habang si Samantha naman tawa ng tawa.

Love Will Lead You Back [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon