Chapter 3

4.1K 76 8
                                    

HINDI alam ni Maebelle kung anong klaseng magic ang meron sa halik ni Lander at napapayag siya nito sa gusto.

"This will be your room." He said to Lucas. He's touring them at the house. Ang awkward nga kasi gabing-gabi nagtotour sila.

"Wow this is so beautiful papa." Sagot naman ng anak habang tumatalon sa kama.

"Do you like it?"

"Yes po. I like very much."

Lumapit ito sa anak saka ginulo ang buhok nito. "Glad to hear that."

Nilapag na niya ang mga gamit at aayusin na sana nang biglang hinawakan ng binata ang kamay niya at hinila siya palabas. Pero napatigil din nang hindi siya gumalaw sa kinatatayuan.

"Saan mo ako dadalhin?" Naguguluhang aniya.

"To our room." Tipid nitong sagot.

"Ano? E di ba dito na ang kwarto namin?"

"This is just for my son." Hindi natutuwang sabi nito.

Umiling siya. "No. Hindi nakakatulog ang anak ko kapag hindi ako katabi."

"No papa. I always said to mama that she should get me another room because I'm a big boy now but she doesn't want." Mabilis na sagot ng anak at ngumuso pa.

Anak ng tinola! Ba't ang daldal ng batang 'to.

Nilingon niya ang anak. "Lucas? Di ba you said before na you wanted to always sleep beside me?" She said through gritted teeth at pinandilan pa ang anak para bigyan ng warning at makahalata.

Pero syempre dakila itong pasaway kaya hindi nakinig. "No po."

Napapikit siya ng mariin. Habang naririnig niya naman ang mahinang pagtawa ng binata.

"You're mama is really bad at lying. And all thanks to you son." Halata ang aliw sa boses nito.

"Dito ka lang muna at pupunta lang kami sa kwarto namin ng mama mo. Okay?" Muli nitong pagkausap sa anak na mabilis namang tumango.

Nagpumiglas siya muli ng hilahin na naman siya nito kaya nilingon na siya at tinignan ng masama.

Nanlaki ang mga mata niya ng bigla siya nitong pangkuin.

"Ano ba? Ibaba mo nga ako." Hindi natutuwang saad niya pero hindi siya pinakinggan at naglakad na palabas saka siya dinala sa kwarto nitong mas malaki pa sa buong bahay nila.

"Wow." Hindi niya mapigilang mamangha.

"This will be your room from now on." Hindi nito pinansin ang itsura niyang manghang-mangha habang pinagmamasdan ang kabuuan ng kwarto.

"Go check on Lucas. Then bumaba ka pagkatapos. May mga bisita tayo." Sabi nito.

Kumunot ang noo niya. "Sino?"

"You'll know later." Tipid nitong sagot bago lumabas.

Sumunod naman siya rito habang pinapatay ito ng masamang tingin sa likuran.

Bumaba na ito ng hagdan habang siya naman ay pinuntahan ang anak sa kwarto.

Tinulungan niya lang itong maglinis ng katawan at mag-ayos para sa pagtulog. Tapos na rin naman kasi silang kumain kanina sa labas.

Nang makitang ayos na ito ay lumabas na siya at bumaba saka hinanap si Lander.

Nakita niya ito sa may garden at may mga kasamang mga lalake at babae.

Biglang umurong ang mga paa niya ng mamukhaan ang isa nitong kasama.

It's her best friend Kim.

Tumalikod na siya at aalis na sana pero bigla siya nitong tinawag kaya mabilis siyang napatigil.

Love Will Lead You Back [COMPLETED]Where stories live. Discover now