Chapter 14

3.7K 73 3
                                    

KALALABAS lang ni Maebelle galing ospital nang mapagdesisyonan niyang pumunta sa restaurant para kumain. Kanina pa kasi siya nagugutom.

Minaneho niya ang sasakyan patungo sa pinakamalapit na branch ng restaurant ni Adrian.

Nang makarating pagkalipas ng ilang minuto ay mabilis siyang pumasok at nagtungo sa pinakagilid na lamesa.

Napapangiti siya habang hinihintay ang order. Paniguradong matutuwa si Lander sa ibabalita niya mamaya.

Hindi mapuknat ang ngiti niya habang palinga-linga sa paligid. Nabura lang 'yon nang may makita siyang pumasok na lalake at babae. Ang lawak ng ngiti at halatang sobrang saya ng mga ito.

She gritted her teeth and clenched her knuckles while throwing the both of them dagger look. Pinagmasdan niya ang mga itong naupo sa medyo may kalayuan sa kanya. Nakita pa niyang pinag-urong ng binata 'yong haliparot na babae ng upuan. Naningkit ang mata niya. Tangina! Ang sweet ah. Napakagentleman. Ang sarap bigwasan.

Mabuti na lamang at wala ang mga bodyguards niya ngayon, kundi paniguradong malalaman nitong nandito rin siya. At hindi niya mahuhuli ang kawalanghiyaan ginagawa nito sa likuran niya habang nakatalikod siya.

Tatayo na sana siya para puntahan ang mga ito pero nang maalalang mas ipapahiya lang niya ang sarili. Hindi na niya tinuloy.

Humanda ka sa'king lalake ka mamaya pag-uwi mo. Business meeting pala ha?

"Ma'am here's your order." Anang waiter.

"Pakibalot. I'll take them out." Sagot niya ng hindi ito tinitignan. Busy ang mga mata niya sa dawalang mahaharot na kulang na lang maghalikan sa lapit ng mukha sa isa't isa.

Naramdaman niyang hindi kumilos ang waiter kaya nilingon niya ito. At nakitang titig na titig ito sa kanya habang bakas ang pagtataka sa mukha.

"Ano?" Taas kilay niyang sita rito.

Kumurap ito bago nagmadaling kinuha ang mga pagkain at nilagay sa tray. "Sorry po." Hingi nito ng paumanhin at yumuko pa saka nagmamadaling umalis.

Umiling siya bago tinuon muli ang tingin sa dalawa. At gano'n pa rin ang itsura ng mga ito. Hindi niya alam kung ano ang meron sa tablet no'ng babae at nag-eenjoy ang mga ito sa pagtingin doon.

Halos mamutla ang mga kamao niya ng may sumagi sa isip. 'Wag na 'wag magkakamali ang lalakeng 'to na gumawa ng sex scandal dahil sinisiguro niyang puputulin niya ang pinagmamalaki nito pag-uwi.

Ilang minuto pa ang lumipas at muling bumalik ang waiter saka binigay sa kanya ang mga pagkain. Kinuha niya ito at nagbayad saka taas noong naglakas paalis ng restaurant.

Hindi mawala-mawala ang inis niya at mas lalo lang nadadagdagan sa paglipas ang oras habang hinihintay itong umuwi.

Gabi na at nakatulog na din ang anak nila pero wala pa rin ito kaya kulang na lang umusok ang tainga at ilong niya sa sobrang galit. Walanghiya ka talagang lalake ka.

Pinapatay na niya ito sa isipan. Hindi siya natutulog kasi hinihintay niya ito para sumbatan.

Maya-maya pa, narinig niya ang pagbukas ng pintuan. Madilim ang buong kwarto nila pero kahit hindi niya nakikita ang pumasok, alam niyang ang binata ito. Pabango pa lang nangangalaiti na siyang manuntok.

Narinig niya ang mga yabag nito papalapit sa switch.

Nang lumiwanag ang buong paligid, nagulat ito nang makita siyang nakaupo sa kama habang titig na titig dito.

"What the hell. Baby naman, aatakihin ako sa puso dahil sa'yo. May balak ka bang patayin ako? And what the hell are you doing? Why aren't you asleep yet?"

Love Will Lead You Back [COMPLETED]Where stories live. Discover now