Chapter 12

3.2K 80 8
                                    

TUMAAS ang kilay ni Maebelle nang madaanan niya ang mga empleyado at napatigil ang mga ito sa pagsasalita saka mabilis na tumakbo at nagtungo sa kanya-kanyang mesa.

Kahit hindi naman sabihin ng mga ito kung ano ang pinag-uusapan, halata naman na sa kilos ng mga ito.

Umismid siya bago naglakad papunta sa loob ng opisina. Pinagkalat na naman ni Zia ang nakita kahapon. Nakakainis kasi ang lalakeng 'yon. Napakalandi kaya ayan tuloy kung ano-ano ang nakikita ng mga kasamahan niya. Sa sobrang inis niya sa binata, hindi niya ito pinansin buong magdamag pati kaninang umaga.

Tinignan niya ang mga papeles na nagkalat sa ibabaw ng lamesa at inayos ang mga ito. Napakagulo na ng opisina niya. Tutal wala pa naman siya gagawing sketch. Mag-aayos na muna siya.

Inaayos niya ang cabinet sa likuran nang may biglang pumasok. Akala niya si Zia lang kaya hindi na siya nag-abalang lumingon.

"Yes? What is it?" Tanong niya habang isa-isang tinitignan ang mga papel na laman ng cabinet.

Hindi ito umimik pagkalipas ng ilang segundo kaya tinignan na niya. At mabilis na nabitawan ang mga papel na hawak nang mapagtantong hindi ito si Zia.

"Mama? Anong ginagawa mo dito?" Gulat na gulat na aniya.

Hindi pa man ito nakakasagot ay bigla na lang pumasok si Zia.

"Ma'am pasensya na po. May tumawag kasi kaya hindi ko napansin na pumasok na pala si ma'am. Ang sabi ko maghintay siya at ako ang kakatok." Hingi nito ng paumanhin.

"It's okay. You may go now." Sagot niya habang hindi nawawala ang titig sa ina.

Mabilis naman itong tumango at lumabas.

No'ng silang dalawa na lang ng mama niya ang nasa loob, matagal pang katahimikan ang bumalot sa kanila bago niya ito basagin.

Tumikhim siya. "Maupo po kayo." Alok niya. She wanted to be professional in front of her. Although deep inside she's hurting.

Sumunod naman ito at naglakad patungo sa upuang nasa harapan niya at naupo.

"So ano pong maipaglilingkod ko sa inyo?" Tanong niya.

Seryoso ang mukha nito at titig na titig sa kanya. "Iurong mo ang kaso laban sa ate mo." Walang paligoy-ligoy nitong sagot.

Natawa siya ng walang buhay. "Sabi ko na nga ba." Tinitigan niya ito. "Alam ko naman na 'yon talaga ang pakay mo. Pero ma, wala man lang I miss you?" She said sarcastically. "Oh well, I miss you too." Pang-iinis niya.

"Hindi ako pumunta dito para makipagbiruan." Matigas ang boses na sabi nito.

"Neither do I mama. Hindi rin ako nakikipagbiruan ng ipakulong ko siya dahil hindi rin naman biro ang ginawa niya." She blinked numeros times to stop her tears. Nasasaktan siya ng sobra. Akala niya nakalimutan na niya ang mga ginawa at sinabi ng mga ito noon sa kanya pero hindi pa pala.

"Nagawa lang niya 'yon dahil hindi mo siya pinagbigyan sa gusto niya no'ng humingi siya ng tulong sa'yo." Halata ang galit sa boses nito.

Ngumiti siya ng mapait. "Kinakampihan mo na naman siya. Pero siyempre hindi na nakapagtataka. Kahit ano namang gawin niya, kahit puro kasamaan. Siya pa rin naman ang paborito niyo. Kaya mo ngang makita muli ang kinamumuhian mong anak para lang mapalaya siya di ba?" Natawa siya. "What did I even do? Ano bang nagawa kong kasalanan para tratuhin niyo ako ng ganito? Naging mabuti naman akong anak. Lahat naman ng gusto niyo sinusunod ko. Ano pa bang kulang ma? Bakit ni minsan hindi ko naramdaman ang pagmamahal niyo?" Hindi na niya napigilan ang sarili at sunod-sunod na ang pagbagsak ng mga luha niya.

"Hindi kita kayang mahalin dahil isa kang anak ng demonyo." Galit na galit na sigaw nito.

"A..ano?" Hindi niya maintindihan ang ibig nitong sabihin.

Love Will Lead You Back [COMPLETED]Where stories live. Discover now