Chapter 11

3.5K 75 4
                                    

"YOUR sister was the one behind what happened to you last night." Sabi ni Lander habang nasa loob sila ng sasakyan nito papuntang shop niya.

Hindi na siya nagulat sa narinig. Kagabi pa lang alam na niya na ang kapatid ang may pakana ng lahat ng 'yon. No'ng pinagbantaan siya nito, alam na niyang may masama na talagang mangyayari sa kanya. 'Yon nga lang hindi niya napaghandaan. Ang pamilya lang naman niya kasi talaga ang may kakayahang manakit sa kanya. Napangiti siya ng mapait. Mabuti na lamang at nailigtas siya ni Lander kagabi. Hindi niya maisip kung ano na ang nangyari sa kanya ngayon kapag hindi ito dumating.

"Nasaan siya ngayon?" Tanong niya.

Tinignan siya nito sandali bago tinuon muli ang tingin sa daan. "She's in jail. Wanna see her?"

Umiling siya. "Hindi na. Baka kung ano pa ang magawa ko."

Tumingin siya sa likuran nila. "Nga pala. Ba't may mga nakasunod sa'tin?" Takhang tanong niya.

"They are your bodyguards."

"What?" Tinignan niya ito ng hindi makapaniwala. "Anong bodyguards? Seriously, I don't need any."

Tinignan siya nito ng masama. "You need them. Stop arguing because whatever you say won't change my mind."

Napasimangot siya. "Fine. But I just need one of them."

Nagulat siya nang basta na lang nito tinigil ang sasakyan sa gitna ng kalsada at tinignan siya ng seryoso.

"What are you doing? Paano kapag may police diyan at bigla tayong hulihin? Pwede ba magdrive ka na." Hindi natutuwang aniya.

"I don't fucking care." Matigas ang boses na sagot nito.

Tinignan niya ito ng masama saka hinampas. "Gago ka. Kung wala kang pakialam, ako meron."

"I won't drive this car not until you understand that having only one bodyguard is not enough to protect you from danger. Your sister is a member of a fucking gang. We don't know how many are there in their circle. It's better to be sure than sorry." Seryosong saad nito.

Napanguso siya. "Fine. You win."

Tumaas ang sulok ng labi nito. "I'll always win baby." Mayabang nitong sabi. Umismid lang naman siya bilang sagot. "But there's this one thing I can't win." Muli nitong sabi.

"And that is?" Curious na tanong niya.

"Your heart."

"Ha?" Hindi niya naintindihan ang sinabi nito. Bumulong ba naman kasi.

Umiling lang naman ito. "Nothing." Napanguso na naman siya.

"Stop pouting. That won't work on me." Mas lalo lang niyang pinahaba ang nguso.

"You'll stop that or I'll kiss you? You choose." Nakataas ang kilay na anito.

Umismid siya at tinigil na ang ginagawa. Natawa naman ang binata. "That's my baby. Madali ka lang pa lang kausap. Halik lang katapat mo."

Mabilis niya itong hinampas sa braso at tinignan ng masama. "Magdrive ka na nga lang."

Tumawa lang itong muli bago binuhay ang sasakyan at tinuloy na ang pagdadrive.

Ilang minuto pa ang biyahe nila bago nakarating sa shop.

"Paniguradong pag-uusapan ako ng mga kasamahan ko ngayon dahil sa mga bodyguards." Reklamo niya habang inaayos ang mga gamit.

"Don't mind them. Your safety comes first. Hayaan mo na kung anong sabihin nila. You don't owe them any explanation." Hindi natutuwang sagot naman nito.

Love Will Lead You Back [COMPLETED]Where stories live. Discover now