Chapter 42

880 8 4
                                    

(GINO'S POV)

Shet.

Ano na naman bang kamalasan to?

Bakit ba palagi na lang ganito? Sobra na ah.

Kaaalis lang ni papa. At katulad ng parati naming ginagawa, nag-away na naman kami. Hindi naman kami ganyan nung bata pa ko. Nung bata pa ko,sobrang bait niyan. Yung oras niya talagang nakapokus lang samin,saming pamilya niya. Pero ngayon? Tsk. Nasali lang siya sa pulitika nagkaganyan na.

Kesyo ayaw niya daw masira pangalan niya,mamoblema dahil marami na daw siyang problema,mag'isip ng mga walang kakuwenta'kuwentang solusyon sa mga kalokohan ko at kung anu-ano pa.

Letshe.

Kaya ayun,hindi na talaga ako umuuwi kela Papa. Umuuwi ako dun sa tambayan namin ng mga kaibigan ko.Pero dati yun,kasi dun na ko umuuwi kela Sir Jacob :) Pero pag may tampuhan kami ni Kelly umuuwi pa rin ako dun sa tambayan. Si Mama nakikita ko pero madalang lang. Takot yun kay Papa ehh. Kung papipiliin yun,siguradong-sigurado ako na si Papa pipiliin niya kesa sakin.

At kung bakit ako pinapapuntang States ngayon?

Dahil nalaman na lahat ni Papa mga pinag'gagagawa ko. Na may record label na ko at nung kinantahan namin nila Kelly yung bespren ko.

Oo all this time,hindi alam ni Papa yun. Hahaha. Galing ko magtago no? Eh hindi naman kasi ako nauwi sa bahay kaya hindi niya talaga malalaman.

"Gino?"

Napalingon ako. Si Angelie pala.

"Bakit ka nandito?" tumayo na ko mula sa pagkakaupo ko.

"Umm..Wala lang.Napadaan lang ako tapos yan nga nakita kita.May problema ba?" nag-aalala nitong tanong

Haayy. Kelan kaya matatanong sakin ni Kelly yung ganyan? Yung itatanong kung anong problema ko. P*tcha. Naalala ko na naman si Kelly oh. Gino,alalahanin mong di na siya babalik sayo.

"Ahh..W-Wala.Lika na" sabi ko na ngumiti kay Angelie. Medyo alanganin pa rin si Angelie pero nang hawakan ko kamay niya,ngumiti na rin siya.

Paglabas namin dun ay napunta kami sa canteen. Hindi pa kasi nag'bebell eh. Pero ang naabutan namin dun...

"Marccooooo! Here comes the airplane!" sabi ni Kelly na may hawak na kutsarang may lamang pagkain. Tapos nakangiti siya.

Si Marco naman namumula na. Tapos yuko ng yuko. Pero kita kong masaya siya. Lalo na si Kelly. Tawa siya ng tawa.

Then napatingin samin si Kelly. Biglang nawala ngiti niya.Tapos yumuko siya para iwasan tingin ko. Psh. Oo na,alam ko. Di na ko titingin.

Kumakain at nagkukuwentuhan na kami ni Angelie nang biglang may nagsalita sa stage. Oo may stage kami sa canteen ^_^

"Ahemm..Studeeentss! Listenn!" sigaw ng isang teacher. Pangalanan nating Mr.C.

Tumahimik naman yung mga students. Mukhang shocked din sila. Hahaha.

"Okaayy. Good. I'm here to announce something to all of you. Announcement that will change your lives. So here is it. Our school is having a program. Actually this is the first time na gawin namin tong program na ito. And you know why? Dahil pansin naming kayo ang best batch na students na pumasok samin. May nakakuha ng record labels,nakapag'perform sa ibang bansa at mangilan'ngilan na ang sikat. Kaya we created a program that will give you fun and at the same time ay rest din.At eto na nga,this program is called 'Trip Around the World'" sabi nito ng nakangiti.

Trip Around the World? Wow! Astig!

Ang dami nang nagbulungan na mga estudyante kaya nagsalita ulit si Mr.C

The Hater and the Lover ♥Where stories live. Discover now