Chapter 35

926 13 1
                                    

"IPAGDIWANG NATIN ANG PAGBANGON MULI NANG AKING KAIBIGAN!!" sigaw ni Gino.

'IPAGDIWANG!!" sagot naman ng mga uto-utong katabi ko -___-

Psh. Ang babaduy. Yuck

Tahimik lang akong kumakain habang sila ay masayang nagkukuwentuhan. Wala naman akong pake sa mga kuwento nila no -__-

"Kelly-ya,why so tahimik?" cute,este,nakakainis na tanong ni Gelou ><

"Wala" sagot ko.

"Tsk,puro na lang wala wala wala! pero meron meron meron" sabi nito sabay talikod sakin.

Aba,malditang bata.

Pero ayos na yon kesa naman yung kunwaring bait-baitan pero nasa loob yung kulo. Like...nevermind.

Gabi na nang makasakay kami sa bus. Halos isang oras kasi silang nagpaalamanan. Parang di magkikita -______-

Nasa pinakalikod kami ng bus. Ako yung nasa dulo, katabi ko si Marco. Si Gino naman ay nasa kabilang dulo. So ang puwesto namin.

                                                      | AKO | MARCO | GELOU | GINO |

Nakatingin lang ako sa labas ng bintana. Tulog na kasi yung dalawang katabi ko. Pero ayos na yun,tahimik ang mundo ko. -____-

SI Gino ewan ko lang. Di ko naman tinitignan. Naalala ko yung nangyari kanina.

Flashback

"Nako! Maraming-maraming salamat sa inyo! Di ko to makakalimutan!" paiyak na namang sabi ng bespren ni Gino. Tss,so drama naman.

Tinapik lang ni Gino sa balikat yung kaibigan niya. At pabirong sinabi, "Hoy kala mo walang kapalit yan? Libre mo ko sa birthday ko no! Dun sa mamahaling restaurant!"

"Osige ba! Gusto mo kayong lahat pa eh!" sabi nito na napatigil. " Kaso pano kita ililibre eh di mo nga alam birthday mo?"

Napatigil si Gino. Nawala yung ngiti.

"Hindi mo alam birthday mo?" gulat na tanong ni Gelou.

Sasagot sana yung kaibgan ni Gino kaso naunahan na siya ni Gino. "Oo eh." sabi nito na tumingin saglit sakin sabay tawag sa waiter. "Waiter! Isa pa nga dito! Gutom pa ko eh!" sabi nito na nakangiti na

End of Flashback

Wihout thinking,napatingin ako kay Gino. Na unfortunately ay nakatingin din pala sakin. Umiwas ako ng tingin. pero tumingin ulit ako nang mapansing may sinusulat siya sa bintana.

"Galit ka pa sakin?"  nakasulat sa bintana.

Galit? Aba ewan ko.

Nagsulat na rin ako sa bintana.

"Hindi mo talaga alam kung kelan birthday mo?" 

Ayokong sagutin tanong niya kaya nagtanong na lang din ako :P

Matagal bago nakapagsulat sa bintana si Gino.

"Oo eh. Pero may alam akong fake na birthday ko. Christmas Eve" 

Napatigil ako. Christmas Eve? Nang biglang may naalala ako. Isang batang babae at isang batang lalaki....kinakantahan ng batang babae yung batang lalaki ng "Happy Birthday". Nag'snosnow nun tapos may cake sa gitna...Naalala ko yung sinabi ng batang lalaki..

"Simula ngayon,eto na ang araw ng birthday ko palagi" masayang sabi nito.

"Sige! At palagi kitang kakantahan tuwing birthday mo" nakangiti namang sabi ng batang babae.

Yung batang lalaki.... at yung batang babae.

Napatingin ulit ako kay Gino. Pero tulog na siya.

Impossible.

Yung batang lalaki na yun ay si Gino...

at ang batang babae ay walang iba kundi...

AKO.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

votecommentbeafan

The Hater and the Lover ♥Where stories live. Discover now