Chapter 7

1.5K 17 1
                                    

JACOB'S POV

"Dito na lang ako sa sahig matutulog" nakasimangot na sabi ni Kelly.

Tss. Ano ba namang bata to oh. Pero teka,di na ba ako nasanay? -.-

"Malamig sa sahig.Diyan---

"Ayoko nga sabi ehh." sabi ni Kelly na naglatag na sa sahig. Tsk. Pasaway

"Puwes,bahala ka.Kung san ka masaya edi dun ka" nakangiti kong sabi sabay talikod para lumabas na ng kuwarto.

Dahan'dahan ko ng sinara yung pinto. Hayy. Ano ba naman kasi tong pinasok ko? Taga'alaga tuloy ako ng isang batang napaka'kulit (pero napaka'cute na bata) at isang estudyante ko na hindi man lang ata nakaranas tumawa o ngumiti -.-

Kung hindi ko lang talaga best friend yung lalaking yun eh! >.<  Hindi talaga responsable tss

Biglang nag'ring yung cellphone ko.

"Hello?" tanong ko.

"Jacob. Si Lee to. Musta na sila?" tanong ng aking magaling na bestfriend,ang tatay nila Kelly.

"Sa tingin mo okay sila? Pagkatapos ng ginawa mo?" mahina kong sigaw

"Sorry Jacob pero kailangan ko talaga tulong mo. Baon ako sa utang. Kaya ganito ginawa ko. Promise,babalikan ko sila diyan. Sige na. Pay phone lang to. Sabihin mo sa kanilang---- 

CALL ENDED.

Kahit kelan talaga oh. Tsk tsk. Kailan ba siya matitigil sa kakautang,pagsusugal at PAGSISINUNGALING? 

At dinamay niya pa ang mga bata sa kalokohan niya?

Tss.

Kailangan ko ng sabihin ang totoo kayla Kelly. Peroo...

KELAN? 

ANGELIE'S POV

Ang sakit ng ulo ko.

Tapos ang sakit sa balat ng sinag ng araw.

Buti na lang ang lambot nitong kama na hinihigaan ko.

Tapos ang bango'bango pa. Kaso amoy pang'lalaki ata? Hindi naman ganyan magpabango si mama--

Wait.

Masakit ang ulo? nu bang ginawa ko kagabi?

Sinag ng araw? Definitely,walang ganyan sa kuwarto ko kasi wala akong bintana sa kuwarto.

At...

Pabango na pang'lalaki? Hinding hindi mag'gaganyan si mama.

Napadilat ako bigla. At ang nakita ko ay isang kuwarto na maganda at maayos. Pero mukhang panglalaki.

Panglalaki? O.O

B-Bakit ako nasa kuwarto ng isang lalaki?

Tinignan ko yung suot ko. Naka'black na dress ako. Yung dress na sinuot ko kagabi sa disco.

Sa Disco...

Lasing na ko nun. Tapos pagkalabas ko ng banyo pagkatapos kong sumuka,napunta ako sa harap ng table ng isang lalaki.

"Miss ayos ka lang?" sabi nung lalaki.

"H-Hahaha..Ako ayosh? Oo ba! Ayosh na ayosh ako! Hahaha" wala sa sariling sabi ko.

"Miss lasing ka na ata. May kotse ka ba? Gusto mo ihatid na kita dun?" tanong nung lalaki.

Shet. Nahihilo na ko ng sobra.

"Ako lashing?! Hahaha! Edi mashaya! Matutuwa nito shi mama shakin! Hahaha" umiiyak na sabi ko. Whoo,babagsak na ko. I could feel it.

Sasagutin ko pa sana yung lalaki ng bigla akong bumagsak sa sahig.

Oh my god.

Nasa bahay ako ng lalaking yun!!! 

Narinig kong may nag'rarap sa banyo. Wow,may banyo siya sa loob ng kuwarto niya? 

Dali'dali ko nang hinanap yung sandals ko. Aalis na ko sa bahay na to. Alam kong walang ginawang masama sakin yung lalaking tumulong sakin kagabi.

Nahihiya lang ako dahil nakita niya ko sa ganoong sitwasyon.

Pagkasuot ko ng sandals ko,tsaka ako lumabas ng kuwarto. At dali'daling lumabas ng bahay na yun.

Pumara ako ng taxi at ibinigay ang address ng bahay namin. Napansin kong patingin'tingin yung driver sakin kaya tinakpan ko ng kamay ko yung hita ko.

Nang nasa harap na ko ng bahay, dumaan ako sa likod na pinto. I'm sure tulog pa si mama kaya di niya malalaman na wala ako sa bahay ng buong gabi.

Pero teka,yun naman ang gusto ko diba?

Nagpakalasing nga ako para mapalayas niya na ko ehh. Tutal "malas" lang naman daw ako sa buhay niya diba? 

Pinanganak niya lang ako dahil sabi ni Papa. Pero ngayong wala na si papa,wala na siyang pakealam sakin. So anong ginagawa ko dito?

Kasi wala kang matutuluyan na ibang bahay at wala kang pera, ang naibulong ko na lang.

Atsaka isa pa, pag'aaralin ako ng tita ko. At kapag lumayas ako,baka di na niya ako pag'aralin.

Nagpalit na ko ng damit at humiga sa kama. Narinig kong bumukas na yung pinto sa kuwarto ni mama kaya pumikit na ko.

"HOY ANGELIE! BUMANGON KA NA NGA DIYAN! ANO KA PRINSESA?! TUMULONG KA DITO SAKIN AT PARA NAMAN MAY MAGAWA KANG TAMA,IKAW ANG MAGBANTAY DUN SA TINDAHAN!!" sigaw ni mama sa labas ng kuwarto ko.

"OPOO!" sigaw ko. Hintayin mo lang na makapagtapos ako,at ipinapangako kong hindi ko maririnig yang sermon mo.

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

votecommentbeafan ♥

The Hater and the Lover ♥Where stories live. Discover now