Chapter 32

1K 12 2
                                    

KELLY'S POV

Ang sama ng pakiramdam ko. Sobrang giniginaw ako. May naririnig akong mga nag-uusap pero di ko kilala kung sinu-sino.

Ano bang nangyayari?

Basta ang nasa utak ko ngayon ay yung nangyari samin ni Angelie... Paulit-ulit iyong nag'flaflashback. At paulit-ulit din akong nasasaktan.

Naramdaman kong may humawak sa kamay ko. 

"Kelly..patawarin mo sana ako sa lahat ng ginawa ko sayo" narinig kong sabi ng isang lalaki. Di ko matukoy kung si Marco o Gino.

"Kelly..pagkatapos nito,ipapangako ko sayo na hinding-hindi na kita lalapitan para di na kita masaktan..hayaan mo lang na alagaan kita ngayong may sakit ka." sabi ulit nung lalaki at hinaplos yung buhok ko.

Pagkahaplos ng lalaki sa buhok ko,tsaka ko natukoy kung sino yung lalaki..

Si Gino.

Pero..bakit kailangan niyang hindi ako lapitan pagkagaling ko? Hindi niya ba maisip na mas masasaktan ako pag ganun ang ginawa niya?

Stop Kelly... Baka nag'hahallucination ka lang. Hindi totoo yung narinig mo at mas lalong hindi totoo ang paghaplos niya ng buhok sayo. Pero hindi..

..pamilyar talaga sakin yung paghaplos na yun. Pero isa lang ang gumagawa sakin nun,yung batang lalaki na naging kaibigan ko dati. Pero di ko na maalala itsura at mukha niya. Parang sa panaginip lang siya nag-eexist.

Pinilit kong buksan yung mata ko. Makita man lang kung panaginip lang to o totoo.

At sa pagdilat ko,nakita ko ang mumunti naming kuwarto ni Star. At sa tabi ko ay si Marco na natutulog na.

Nasan yung lalaking nagsasalita? Si Gino? Yung paghaplos ng buhok ko?

"Oh Kelly,gising ka na pala. Nagugutom ka na ba?" tanong ni Marco.

"H-Hindi" sagot ko.

Sabi ko na nga ba.. Panaginip lang ang lahat.

Walang humahaplos sa buhok ko at walang humihingi ng patawad sakin. WALA

"Ay ganun ba.Eh nararamdaman? Baka nahihilo ka?" nag-aalalang tanong ni Marco

Umiling ako. Wala,wala akong nararamdaman.

I felt nothing.

***

(SCHOOL)

Bawal pa kong pumasok pero pumasok ako. Matigas ulo ko ehh -____-

Panaginip nga lang yung lahat kagabi. Dahil nang bumaba ako sa kusina para kumain,nakita ko dun si Gino na nag-aaral. Tinanong niya lang ako kung ayos na ko at pagkatapos nun,wala na.

Saya no?

"Okay class. Settle down" sabi ni Sir Jacob.

Nakatingin lang ako sa labas ng bintana. Pinagmamasdan yung mga snow na pumapatak sa bubong.

"Class,next week na ang quiz niyo. Pero hindi ito manually. Parang activity na rin ito and it's called Karaoke Quiz. Kung ilan yung makukuha niyo sa karaoke,ayun ang score niyo sa quiz niyo."paliwanang ni Sir Jacob.

Umingay sa room. Siyempre yung iba nag'mmayabang na. Yung iba naman kinakabahan at yung iba walang pakelam. At ako yun.

"Tip lang class,para makakuha kayo ng mataas na score. Kailangan niyong pumili ng kanta na punong-puno nang emosyon. Kahit ba bahay kubo yan basta't nandun yung emosyon,mataas ang makukuha niyo"

Puwes,bagsak nako diyan. Wala akong nararamdaman eh.

"Pero class,bago yan. Kailangan niyo munang mag-experiment. Kailangan niyong mag'perform ng may emosyon. At dapat sa harap ng maraming tao. Pero oopss,hindi ito magaganap sa stage,kayo ang bahala kung san kayo mag'peperform. At kapag kayo,ibig sabihin i'grugroup ko kayo :)" sabi ni Sir na may inilabas na papel.

Binanggit na ni Sir yung mga magkakagrupo at nang mabanggit ang pangalan ko..

"Kelly Lee,Marco Song,Gino Yang at Gelou. Kayo ang magkakagrupo" nakangiting sabi ni Sir Jacob.

O______________________O <~ Ako

^______________________^ <~ Marco

(undefined) <~ Gino

*_______________________* <~ Gelou

Sa dinami-dami ng kaklase ko,sila pa naging ka'grupo ko? O.O Grabe.

Pinagsama-sama na ni Sir Jacob yung mag'kagurpo-grupo para daw mapag-usapan na. So ang siste,katabi ko si Marco at Gelou. At si Gino nasa harap ko.

"Oh,so ano nang gagawin natin?" panimula ni Marco.

"Kakanta" sagot ko.

"Hindi,I mean kung saan mag'peperform,anong kakantahin etc etc"

Oo alam ko Marco,namimilosopo lang ako =_________=

*kriing! kriiinngg!*

Kinuha ni Gino yung cellphone niya at lumabas ng kuwarto. Psh.

Pagkatapos ng ilang minuto,nagpapanic na bumalik si Gino. Nakita kong kinausap niya si Sir. At pagbalik niya sa puwesto namin..

"Guys,sorry may problema lang.Babalik din ako" sabi nito at dali-daling umalis.

"Tsk" di ko mapigilang sabihin.

Napatingin lang sakin si Marco at umiling.

***

(CAFETERIA)

Wala pa rin si Gino. Pero kahit ganun,pinagpatuloy pa rin namin yung pag-uusap. At ayun ang pinag-uusapan namin ngayon sa cafeteria.

Napag-usapan na kakanta na lang kami sa harap ng maraming tao at lalagyan na lang ng drama.

"What if kunwari..mayroong dalawang taong nagmamahalan..tapos biglang namatay yung babae. Maiiwang mag-isa yung lalaki na ikalulungkot niya ng sobra kaya siya'y--

"Ang panget" sab ko

"Di pa nga tapos eh" naka-pout na sabi ni Gelou.

"Hay naku,wag ka nang mag'comment Kelly at nang--

"Hello guys" sabi ni Gino na umupo sa tabi ni Gelou. Oo plinano ko talagang kay Marco tumabi =___=

"Anong nangyari? Ba't ka malungkot?" tanong ni Gelou.

"Muntik nang magpakamatay bestfriend ko" sabi nito.

"Ha?!" gulat na sabi ni Gelou. "Bakit?"

"Hindi nakapasa sa board exam"

"Dahil lang dun magpapakamatay na?" gulat na tanong ni Gelou.

"Pang-sampung try na niya yun" seryosong sabi ni Gino.

"Ay" napaisip na sabi ni Gelou sabay yakap sa doll na hawak niya.

Nanatili kaming tahimik nun hanggang sa..

"Alam ko na!" sigaw ni Marco.

"ANO?" sabi naming tatlo nila Gelou.

"Alayan natin ng kanta yung kaibigan mong yun! Bigyan natin siya ng lakas para wag sumuko." sabi ni Marco.

"Oo tama! Iparating natin na hangga't may buhay may pag-asa" sabi naman ni Gelou.

"Na puwede pa siyang mag'try nang pang'labing-isa" sagoot ko naman.

Ngumiti si Gino. "Ok. Let's go!" masayang sabi nito.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

votecommentbeafan ♥

The Hater and the Lover ♥Where stories live. Discover now