Chapter 39

936 8 5
                                    

(KELLY'S POV)

"Marco!!" sigaw ko nang biglang bumagsak si Marco.

Agad akong lumuhod para iangat yung ulo niya pero nang hawakan ko batok niya ay may naramdaman akong malagkit. Pagkakita ko ay nakita kong may dugo sa kamay ko.

Bigla akong napaatras. Tapos nanginig kamay ko. Di ko magalaw katawan ko. Hanggang sa mahagip ng paningin ko yung basag na vase sa gilid. Ibig sabihin...

sinalo ni Marco yung vase para sakin.

Pero..BAKIT NIYA GINAWA YUN??! ANO BANG PROBLEMA NIYA AT GINAWA NIYA YUN?!!

Ako dapat ang nakahiga diyan! Ako dapat ang duguan diyan! At ako dapat ang nanganganib ang buhay diyan.

"Kelly!" tawag sakin ni Gino. Nakita kong nagulat siya ng makita niyang nasa sahig si Marco. 

"Ayos ka lang?" tanong ni Gino. Hindi ako sumagot. Parang may nakabara sa lalamunan ko.

Nang hindi ako sumagot ay bumuntong hininga si Gino. Tapos binuhat niya si Marco. Nagpatulong siya sa mga gulat ding estudyante doon. Yung ibang estudyante tumawag na nang ambulansya. Tanging ako lang ang nakatayo doon,tulala,walang silbi.

Dinala na si Marco sa hospital. Sumama kami ni Gino. Tinawagan na rin ni Gino si Sir Jacob.. Nakaupo lang ako sa waiting area ng hospital. Wala nang dugo sa kamay ko. Pero ganun pa rin pakiramdam ko. Na dapat AKO at WALANG IBA KUNDI AKO ang dapat na nasa sitwasyon ni Marco.

Nagulat ako ng may humawak sa kamay kong hawak-hawak ko.

Si Gino.

"Wag mong sisihin sarili mo" sabi ni Gino na tumingin sakin.

Gusto ko sanang sumigaw at sabihing Hindi.Ako! Ako ang dapat na ginagamiot dun. Inooperahan! Dahil ako ang may kasalanan ng lahat. Pero imbes na ganun ang gawin ko,umiyak na lang ako. Niyakap ako ni Gino. Atleast may karamay ako ngayon. Hindi katulad nung....

"Gino." tawag ko.

"Bakit wala ka dati? Nung mga araw at oras na kailangan kita" lalong napaiyak kong sabi.Pero umalis na ko sa pagkakayakap kay Gino.

Napayuko si Gino. "K-Kelly..Sorry.Sorry. Di ko alam. Inuna ko yung galit. Hindi ko muna inalam yung totoong nangyari. Patawarin mo ko Kelly" umiiling na sabi nito. At nang itaas ko yung ulo niya,nakita kong umiiyak siya.

Ngumiti lang ako habang may luhang tumutulo sa mata ko.

"Kung pinuntahan mo lang ako nun sa hospital,di sana nakilala kita kahit na may amnesia ako. Di sana hindi kita nakilala sa school bilang kaaway at kung tinupad mo yung pangako mo di sana di ko nakilala si Marco." tumigil ako. At tsaka ngumiti ng malungkot. "Edi sana walang nangyaring ganito at hindi ako makokonsensiya. At  hindi ko sana pinag'iisipan ngayon na pag'aralang mahalin si Marco bilang utang na loob sa ginawa niya sakin"

Napatitig sakin si Gino. Gulat sa mga sinabi ko.

"K-Kelly...wag--

"Nabuo na pasya ko Gino. Pag-aaralan kong mahalin si Marco. Dahil iyon ang tama" pagkasabi ko nun ay umalis na ko. 

Ang sakit.

***

Dadalawin ko ngayon si Marco. Kaka'opera lang niya. At sabi ng doktor puwede na daw ang dalaw.

"Sir Jacob,sabay ka na sakin" sabi ko pagkababa ng hagdan. Nakita ko si Sir Jacob na parang nammomoblema. Nitong mga nakaraang araw ay tulala lang si Sir Jacob. Sobrang nag'alala siya kay Marco. Kaya hindi ko siya makausap nun. Nahihiya ako dahil kung hindi sakin,wala dapat sa hospital yung anak niya. Ang sabi niya 'wala daw akong kasalanan' pero hanggang ngayon ayaw kong paniwalaan yun.

"Sige. Mauna ka na. Kailangan ko pang makahiram ng pera para sa pambayad ng hospital bills" sabi nito na ngumiti sakin.

Agad kong kinuha yung wallet ko. Kinuha ko dun yung perang winithdraw ko kahapon. Buti na lang may natabi pa kong pera nung may kaya pa kami. -.-

"Eto. Wag ka nang manghiram." sabi ko na inabot yung pera.

Nagulat si Sir Jacob. "Hindi. Hindi ko matatanggap yan" umiiling na sabi nito. "Pera mo yan,itabi mo--

Nilapag ko na lang sa lamesa yung pera at umalis na.

***

Pagdating ko ay tulog pa si Marco. Kaya nilapag ko muna yung dala kong prutas sa maliit na lamesa doon. Then pinagmasdan ko si Marco.

"Oy gising na" sabi ko na mahinang pinopoke yung balikat ni Marco. "Miss ko na kakulitan mo. Wala na kong kasabay sa pagpasok. Tapos wala ng kadaldalan sa school. Si Gelou kasi puro si Jason bukambibig" natatawa ako sa mga sinasabi ko. Kung gising lang talaga si Marco ngayon sigurado akong pagtatawanan ako niyan.

Kinuha ko yung silya at umupo sa tabi ni Marco. Tapos hinawakan ko kamay niya. Nakatulog na ko habang hawak-hawak kamay ni Marco.

***

(MARCO'S POV)

Nagising ako nang may taong nakahawak sa kamay ko. Sana si Kelly. Pero impossible yun. Siguro sa Papa lang to--

Napatigil ako nang makitang si Kelly nga may hawak ng kamay ko. Natutulog na siya. Napakaamo talaga ng mukha niya.

Sumandal na ko. Medyo kumirot yung ulo ko. Pero ayos lang,nandito naman si Kelly :)

Kahit hirap ay sinikap kong buhatin si Kelly para ihiga sa kama. Then umupo ako sa silyang malapit dun. Pinagmamasdan ko lang matulog si Kelly.

Halos isang oras bago nagising si Kelly. Nagulat pa nga siya ng makitang siya na yung nakahiga sa kama. Ang cute haha

"P-Papano...." umiling lang to at di na tinuloy yung sinabi. Pero pagtingin sakin ni Kelly ay napansin ko agad na ang lungkot ng mata niya. Tapos parang ang lungkot ng aura niya.

Nagulat ako ng biglang sumugod si Kelly sakin at niyakap ako.

"Marco,soorry. *sniff* Sorry at nang dahil sakin ay napahamak ka. Ikaw naman kasi! Sinabi ko bang saluhin mo yung vase na yun! Pasaway ka din eh!" sabi nito na umiiyak.

Gusto ko sanang matawa. Kaso kitang'kita ko na parang hirap na hirap na siya.

"Wala kang kasalanan"sabi ko na hinagod sa likod si Kelly. 

"Yung taong gustong sumira sayo ang may kasalanan" sabi ko sa galit na tono.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

votecommentbeafan ♥

The Hater and the Lover ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon