Chapter 40

914 9 2
                                    

(GINO'S POV)

Di ko alam kung anong gagawin ko. Nang marinig ko sa kanya yon,parang nabagsakan ako ng langit at lupa.

Pero isa lang talaga ang masisisi ko,ang..

SARILI KO.

Kung nakinig ako sa mga magulang ko,kung pinuntahan ko siya,kung kinausap ko agad siya ng makita ko siya sa school na yun at kung tinupad ko yung pangako ko sa kanya.

Di sana..okay ang lahat.

Pero wala,tapos na. May mga nangyari nang hindi na puwedeng ibalik.

Nang kinausap ko nun si Kelly. Ewan ko pero parang may gusto akong sisihin maliban sa sarili ko. Gusto kong sisihin yung mismong may gawa nang masamang tangka na yun.

Mayroon na kong hinala. Kaya pinuntahan ko siya sa araw na mismong yun.

> Flashback

Nagmamadali ako sa paglalakad. Nagagalit ako. Oo. Sobra. Lalo na sa sarili ko.

Pero gusto ko ring pagbayarin yung taong may gawa nun. Yung taong nagtangka kay Kelly. May hawak akong pruweba. Hawak-hawak ko na. Nakita ko to nung bago kami pumunta sa hospital. Isang butones.

"Angelie!" sigaw ko sa nag'aayos ng gamit na si Angelie. Nakita kong parang namumutla siya. Tapos lalo siyang namutla nang makitang galit ako.

"B-Bakit?" tanong nito sa mahinang boses.

"Sayo ba to?" diretsho kong tanong. Kailangan kong magtimpi.

Parang nagulat siya ng pinakita ko yung butones.

"Aanhin ko yan?" sagot nito na medyo naiinis.

"Ikaw ba yung nagtangka kay--

"Ano? Na nagtangka kay Kelly? So si Kelly na lang talaga pinapaniwalaan mo? Ako na matagal mo nang kaibigan,na hinihingan mo ng advise at ako na nandyan palagi sayo,wala lang? Tsk. Grabe lang Gino. Ang sakit" umiiyak nang sabi nito.

Di ko alam irereaksyon ko. Pero parang sa nakikita ko. Parang hindi naman talaga kayang gawin ni Angelie yun. Gusto ko lang talagang maghanap ng masisisi bukod sa sarili ko.

"G-Ginoo..kahit minsan naman maniwala ka sakin" kinuha nito kamay ko. "Tignan mo oh,tignan mo kung may nawawalang butones sa uniporme ko. Tsaka mo ko sisihin kapag may nakita kang kulang na butones."

Napayuko ako. Nahihiya ako sa sarili ko. Mas nahihiya tuloy ako sa sarili ko ngayon. Hindi lang si Kelly ang nasaktan ko ngayon. Pati si Lance,na matagal ko na ring kaibigan at eto namang si Angelie ngayon.

"Pasensiya na Angelie" nakayuko kong sabi. Nahihiya akong makita niya na umiiyak ako.

Nagulat ako nang hawakan ni Angelie balikat ko at niyakap ako.

> End of flashback

Medyo magaan na pakiramdam ko nang kinuwento ko kay Angelie yung nangyari samin ni Kelly. Medyo naging madrama din siya nun. Dahil nakiiyak siya sakin. Pero hinala ko,parang may problema siya. Ayaw niya lang sabihin sakin dahil nga sa may problema na ko.

Pupuntahan ko ngayon si Marco. Ilang araw na rin siyang nasa hospital. Medyo naging close na rin kami dahil kaming dalawa ang magkasama sa iisang kuwarto.

Pero pagpasok ko sa kuwarton ni Marco...

Nakita ko si Kelly na nakayakap kay Marco. Parang umiiyak si Kelly. Alam kong ang tanga ko kapag nasaktan ako. Dahil alam ko namang yun talaga magiging reaksyon ni Kelly kapag nakita si Marco. Pero dahil nga sa tanga talaga ako..Nasaktan ako.

Sinara ko na yung pinto.Wala rin akong mapapala kung patuloy kong papanoorin sila Kelly at Marco.

Dahil alam kong mas masasaktan lang ako.

***

(ANGELIE'S POV)

"Muntik mo nang mapatay si Kelly"

"Mamamatay tao ka"

"Ang rumi-rumi mo na---

"TAMA NA!!" sigaw ko. Ayoko na. BUHAY PA SIYA. Kaya hindi ko siya pinatay.

At si Marco? Hindi..hindi siya mamamatay. Kaya wala akong kasalanan. Tsaka di naman kasalanan yun kung para sa pangarap mo.

Tumayo na ko at naghilamos nang mukha. Kanina pa ko dito sa banyo. Walang pasok ngayon pero ang aga kong nagising dahil sa panaginip ko. O sabihin nating bangungot ko.

Kumakanta daw ako sa stage nun..nang biglang may dumating na mga pulis. Hinuhuli ako dahil sa nagawa ko. Nakita ko ang pang'uuyam at pagkagulat nang mga tao. Hanggang sa..binato na ko nang kung ano-ano at sinabihang 'mamamatay tao'. Si Gino nakatingin lang sakin. Iniwan ako na at hindi man lang tinulungan...

Napailing ako. Hindi ko na dapat iniisip yun. Panaginip lang yun.

Pero nang tignan ko sarili ko sa salamin. Iba ang sinasabi ng itsura ko sa isip ko.  Ang laki na nang eyebag ko dahil sa mga pesteng bangungot, gulo'gulo ang buhok,at... guilty ang reaksyon. Oo,sobrang na'guguilty na ko. Di ko na alam gagawin ko.

"Anak? anong ginagawa mo diyan? Bilisan mo!"

Tinignan ko ulit sarili ko. Hindi. Hindi puwedeng magpatalo ako sa konsensiya ko. Buo na ulit tiwala ni mama sakin. Anak na ulit ang turing niya sakin. Hindi ko hahayaang mawala ulit yun.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

votecommentbeafan ♥

Sorry lame >.<

The Hater and the Lover ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon