Chapter 30

1K 14 8
                                    

GINO'S POV

I saw her crying. Again.

Pero ngayon,AKO ang dahilan.

"Oo di mo pa nga ako kilala. Pero alam kong alam mo yung mga bagay na di ko kayang gawin" 

Anong ginawa mo Gino?

Psh.

"Gino..ayos ka lang?" tanong ni Angelie na katabi ko.

Hindi ako nagsalita. Pero tinignan ko si Angelie.

"B-Bakit?" naiilang na tanong nito.

"Angelie,nagsasabi ka ba talaga ng totoo?" diretsho kong tanong.

May kutob ako na totoo ang sinasabi ni Kelly. Baka nga si Angelie talaga ang nanguna.

Nagulat si Angelie sa tanong ko. "Gino..pinaghihinalaan mo na ba ako? Mas kilala mo ko kesa kay Kelly at alam mong di ko kayang saktan si Kelly dahil unang-una hinahangaan ko siya" 

Napabuntong-hininga na lang ako. Kahit isipin ko na si Angelie ang nanguna parang sobrang taliwas naman yun sa ugali niya. Napakabait ni Angelie.

At si Kelly hindi?  

Si Kelly? Mabait siya pero..nagbago na siya. Iba na siya sa Kelly na kilala ko dati.

"Sorry Angelie kung napaghinalaan din kita. Di ko lang kasi talaga alam kung sino paniniwalaan ko"

"Ayos lang Gino,naiintindihan kita. Ako din naman. Hindi ako makapaniwala na ganun nga...si Kelly" nakayukong sabi nito.

Tinignan ko lang si Angelie at ngumiti.

Di ko nakita na sa pagtingin ko sa ibang direksyon ay nakangiti si Angelie.

***

Ang sakit-sakit. Sa pangalawang pagkakataon,pinaiyak na naman ako ni Gino.

Letsheng buhay to oh.

"Kelly,tama na" pagpapatahan sakin ni Marco.

Hindi ako umimik. Masama lang talaga loob ko.

Naramdaman ko na lang na niyakap ako ni Marco. Hindi ako pumalag. Ayun lang ang tanging gusto ko ngayon. Yung may taong masasandalan ko.

"Ang sama-sama niya..ako pa nagawa niyang paghinalaan eh mas una niya kong nakilala? Anong klaseng tao siya?" umiiyak kong sabi.

"Sshh" sabi ni Marco na hinahaplos'haplos buhok ko.

"Ang sakit lang kasi Marco." tangi kong nasabi.

"Alam ko Kelly. Kaya nga nandito lang ako palagi" sabi ni Marco sa malungkot na boses.

Hindi na ko nagsalita.At tahimik na umiyak.

***

MARCO'S POV

Hayop ka talaga Gino.

Napakawalang'hiya mo.

Ilang beses mo nang sinasaktan si Kelly. Yung babaeng kahit minsan ay di ko kayang makitang umiiyak.

Doble yung sakit na nararamdaman ko pag nakikita siyang umiiyak.

"Ang sakit lang kasi Marco." umiiyak na sabi ni Kelly habang yakap-yakap ko.

"Alam ko Kelly. Kaya nga nandito lang ako palagi" sabi ko sa malungkot na boses.

Bakit ba kasi hindi na lang ako ang mahalin ni Kelly? :( Pramis,hinding-hindi ko siya paiiyakin. Gagawin ko ang lahat para lang maging masaya siya.

Tahimik lang na umiiyak si Kelly. Nang tumigil na siya sa pag'iyak,tumingin ako sa kanya at nakitang natutulog na ito.

Pinunasan ko yung luhang nasa pisngi niya.

Napakatanga lang ni Gino na iwan ka. Ang laki nang nawala sa kanya.

Nakita kong gumalaw si Kelly.

"M-Marcoo..." bulong nito.

"Kelly? Bakit?" tanong ko sa pag-aakalang gising na si Kelly.

Nakita kong nakapikit pa rin si Kelly at natutulog.

Nakapatong yung ulo ni Kelly sa balikat ko kaya para di siya mahirapan,inangat ko ulo niya. Pero pagkahawak ko sa ulo niya naramdaman kong ang init niya. Sobrang init.

"Kelly..ang init mo!"

Nag-panic ako kaya agad-agad kong binuhat si Kelly. Umuungol lang si Kelly,siguro dahil masama ang nararamdaman.

Nang papunta na ko sa clinic,nakita kong pababa nang hagdan sila Gino at Angelie,which is katapat ko lang.

Nagulat si Gino nang makitang buhat-buhat ko si Kelly. Napatakbo ito sa direksyon ko.

"Anong nangyari kay Kelly?" nag-aalalang tanong nito.

"Wala kang pakelam" sabi ko at agad na nilagpasan siya.

"Teka lang! Sasama ako" sabi nito na sumunod sakin papuntang clinic.

Psh.

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------

votecommentbeafan ♥

The Hater and the Lover ♥Where stories live. Discover now