Chapter 3

1.7K 24 4
                                    

Tsk. Ano ba yan? Pati ba naman sa bingit ng kamatayan ko nandito pa rin yang lalaking yan?! 

"Anong ginagawa mo dito?!" sigaw ko kahit na may nakatutok na baril sakin.

"Tinutulungan ka." maikling sagot nito na nakatingin sa baril na nakatutok sakin. Hmp. As if namang concern yan no. Deep inside tuwang'tuwa yan sa mga pangyayari -.-

"Pwede ba umalis ka na dito?! Pang'gulo ka lang eh. Tsaka as if namang concern ka sakin. Ang sabihin mo gusto mo lang maging hero sa paningin ng mga tao dito! At tsaka---

"Pwede bang manahimik ka?! Gusto mo bang mamatay?" sigaw ni Gino

"Kung mamamatay lang  din ako ngayon,pwede bang kahit sa huling sandali hindi ko makita yang pagmumukha mo? Para naman---

"Miss pwede bang tsaka na kayo mag'away ng boyfriend mo?! Bigay mo na lang sakin yang cellphone mo at pera--

Di na natuloy  yung sasabihin ng holdapper dahil isang malakas na suntok ang tumama sa mukha niya. Natumba yung hawak na baril ng holdapper kaya madalian kong kunuha yung baril. Mamaya makuha nun ulit tong baril at tigukin na talaga ako T.T

Nag'sususntukan na si Gino tapos yung holdapper. Nakita kong napadapa si Gino. Nasa ibabaw na niya yung holdapper na sinusuntok siya.

Without thinking,hinampas ko ng baril yung likuran ng holdapper,nang nakapikit. Nakakatakot ehh T.T

Pagdilat ko nakita kong nakahiga na yung holdapper. Napatay ko ba yung holdapper? O.O Wag naman sana,kahit masamang tao yan--

"HIndi pa siya patay. Wag kang mag'alala" sabi ni Gino na naka'upo na. Napansin kong may dugo yung sa gilid ng labi niya.

"H-Hindi naman ako nag'aalala no." sabi ko na hindi makatingin ng diretso kay Gino for the first time in the history.

Nakita kong ngumiti si Gino. Ewan ko diyan, nabugbog na nga nagagawa pang ngumiti >.<

Napansin kong nakatingin sa amin lahat ng tao sa bus. At ang best part, marami rin pala kaming mga ka'schoolmate na sumakay sa bus na to. Tss. I'm sure bukas,sikat na naman ako sa school -.-

"Aalis na ko" sabi ko na kinuha yung bag at cellphone ko na nahulog kanina. 

"Teka" sabi ni Gino na hinwakan yung braso ko. "Sa tingin mo paaalisin kita dito ng wala man lang akong naririnig na 'thank you' ?

"Gusto mo ng thank you?" humarap ako kay Gino. "Well thank you so much sa tulong mo! Utang ko buhay ko sayo!" sarcastic kong sabi

Madalian na kong bumaba ng bus,pero bago ako bumaba meron pang nambato ng papel sakin. Hay buhay nga naman ng mga sikat -_-

Kinuha ko na yung wallet ko sa bulsa ko,malayo pa kasi yung samin dito. Napilitan lang akong bumaba -.- 

Pero nang kapain ko na yung parehong bulsa ko sa uniform. Walang wallet. Pero di muna ako nag'panic,malay mo nasa bag ko? So kinuha ko yung bag ko at hinanap yung wallet ko.

After 5 minutes...

Waahhh! Nawawala wallet ko T.T Inalis ko na lahat ng gamit ko sa bag pero wala pa rin! Di kaya nakuha nung holdapper? O.O Pero hindi eh,yung cellphone ko lang nahawakan niya. Pero what if...

NAHULOG KO YUN SA BUS? O.O 

Waaahh! Wag naman sana! Okay lang kahit kunin yung mga pera ko dun wag lang yung mga...

EEHH! Mamamatay ako pag may nakabasa nun!

Yung WALLET ko!!! Huhu T.T

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

votecommentbeafan :* ♥

The Hater and the Lover ♥Where stories live. Discover now