Chapter 36

921 12 1
                                    

GINO'S POV

*YAWN*

Hayss.Salamat naman at nakauwi na rin. Nakakapagod bumiyahe.

"Gino! Ipasok na natin to sa loob ng bahay bili" tawag sakin ni Sir Jacob.

Binuhat ko na yung mga ginamit namin sa 'performance' namin. Ang gaan >:D

Nakita kong pumasok na nang bahay si Kelly. Tsk,ba't ba hindi ko mapigilang tignan siya? -____-

Pagkalapag ng gamit sa loob ng bahay. Dumiretso agad ako sa kusina.

"..eh tapos nakita ako nung lalaki nun. Grabe nakakahiya talaga. Di ko alam kung saan ako magtatago. Gusto ko nang lumubog sa kinatatayuan..."

Tawa lang ng tawa si Kelly. Namumula na siya kakatawa. Alam kong dapat matuwa ako dahil masaya siya,na tumatawa. Pero hindi,ewan ko pero parang nasasaktan ako.

Nasasaktan ako dahil kahit kelan di ko siya napatawa nang ganun.

Napatigil sa pagkukuwento si Marco nang makita ako sa pinto. Hindi ko na lang pinansin at pumunta ako sa ref,kung saan nandun si Kelly.

Pagkabukas ko nang ref,kinuha ko yung isang pack ng yakult na binili ko. Actually hindi lang isang pack ang binili ko. Kahon-kahon XD

"Oy akin yan" sabi ni Kelly sabay kuha ng yakult na hawak ko.

"Hindi ahh. Akin yan" sabi ko sabay bawi ng yakult. Akin nga kasi yun no.

"Nasaan ang ebidensya?" kalmang tanong nito.

"Ebidensya?" tinuro ko yung mga kahon sa gilid nang ref.

Nakita kong nagulat si Kelly. Tapos nanlaki yung mata pagkakita na puro Yakult laman nun. Hahaha cute.

"I-Ikaw yung umubos ng yakult sa lahat ng convenience store?!" gulat na tanong nito.

"Ako nga bakit?" sagot ko. Waahhaha

"EEHH! Nakakainis ka! Inubos mo lahat-lahat! Wala na kong maiinom T_T" nakasimangot na sabi nito.

"Edi sayo na yang isang box" sabi ko na palabas na.

Mukhang nagulat si Kelly. Pero nag'twinkle agad yung mata nito pagkakita sa Yakult hahaha.

Palabas na ko nang...

"Gino!" tawag sakin ni Kelly. Tumingin ako. "S-Salamat.." nakayuko at mahinang sabi nito. nakasimangot pa yan ahh. Labag sa kalooban.

Ngumiti lang ako at lumabas na nang kusina. 

Atleast now napangiti ko siya kahit papaano. :)

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

votecommentbeafan

 Note: Sobrang napagod po ako sa chapter na ito. Sobrang haba kasi HAHAHA.

The Hater and the Lover ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon