Chapter 29

992 15 3
                                    

(SCHOOL)

As usual,nakatungo na naman ako sa desk ko. Ganito ako kapag may problema o inaantok.

At ngayon,masasabi kong problemado ako slash inaantok kaya nakaganito ako.

"Kellyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyy!" tawag sakin nang babaeng kilalang'kilala ko.

"Psh" sabi ko na pumikit para kunwari tulog ako.

"Kelly! Kelly! Gising ka ba?" tanong ni Angelie.

Hindi ako sumagot. Ayoko munang kausapin yan at alam kong mgugulo na naman ang mundo ko.

Kukulitin pa sana ako ni Angelie nang narinig kong may tumawag sa kanya. Si Gino.

"Angelie,lika na. Sabay na tayo papunta sa principal's office" sabi nito

Naramdaman kong nawala na si Angelie sa tabi ko,kaya tinaas ko na ang ulo ko. Nakita kong masayang hinawakan ni Angelie yung kamay ni Gino.

Tskk,magsama sila. I don't care -______-

Nagklaklase na nang bumalik sila Gino at Angelie. Ako yung nasa pinakalikod. Ang katabi ko ay si Marco. Sila Gino at Angelie naman magkatabi sa harap kaya kitang'kita ko mga ginagawa nila.

Pagkaupo pa lang nila ay nangulit na agad si Angelie. Andyang kalabitin niya to,daldalin at kung anu-ano pa.

"Bwiset" di ko napigilang sabihin

"Huh?" gulat na tanong ni Marco.

"Wala" sabi ko na hindi na nagsalita. Psh, bakit ba kasi ako naiinis? -_________-

Natapos ang klase na naiinis pa rin ako. Kaya nang yayain ako ni Marco na kumain sa canteen,tumanggi ako kahit libre niya. Sinabi ko na lang na masama ang pakiramdam ko.

Nang makaalis na si Marco,tumayo ako at pumunta sa cr. Mag'aayos muna ako nang sarili ko dahil alam kong stress na stress na ko sa mga nakikita ko -.-

Pagkapasok ko nang cr. Pumasok muna ako sa isang cubicle. Naiihi na ko eh :P XD Nang palabas na ko nang cubicle may narinig akong nagsalitang babae.

"Letshe! Bakit ba ganito tong gripo na to? Kadiri" sigaw nang babaeng kilalang-kilala ko.

"Dapat kasi hindi na kami pinabalik dito. Edi sana aking-akin na si Gino at di ko na kailangang makipag'plastikan sa Kelly na yun.  Nabubuwisit pa naman ako pag nakikita ko yun. Kala mo ke galing,wala namang binat--

"Sinong walang binatbat?" nagtitimpi kong sabi at tinitigan nang diretsho si Angelie.

Nakita kong nagulat si Angelie.

"B-Bakit ka nandito?" takot na tanong nito.

"Wag ka nang mag'maang-maangan Angelie. Narinig kong lahat nang sinabi mo. " lumapit ako kay Angelie. "Tss, di ko akalaing sa image mo na masayahin at mahinhin ay ganyan ka pala"

Nawala na yung takot sa mukha ni Angelie. "So? Natatakot ka na ba ngayon Kelly?"

Binalewala ko tanong niya. Answer a question with a question. "Bakit mo ba ginagawa to Angelie?"

Napatigil si Angelie. " Ginagawa ko to dahil...p-para kay Gino at para sa sarili ko. Kung hindi ako gagawa nang paraan,matatauban mo ko. At ayokong mangyari yun. Alam mo ba kung sino nagkulong sayo nung audition day sa cr? Ako yun Kelly. Eh kung bakit naman kasi ang tanga-tanga mo. May paalis-alis ka pang nalalaman,kaya yan napag-iwanan ka na" nang'iinis nitong sabi

Hindi ako makapaniwala sa mga naririnig ko. Siya ang nagkulong sakin? Siya ang dahilan kung bakit hindi ako nakapag'audition. Yung audition na matagal ko nang inaasam-asam.

"Grabe ka Angelie. Ang sama mo. Kaya siguro hindi ako hinanap ni Gino dahil sa kagagawan mo"

"Oo. Eh atleast mas angat na ko sayo. May record label na ko,mas sikat na ko at mas close ko na si Gino" nakangiting sabi nito.

Demonyo, bulong ko.

"Haayy, well wala na kong pakealam kung mas sikat ka,may record label ka at mas close ka kay Gino. Atleast di naman ako yung klase nang taong naghahabol sa lalaki at alam ko namang...

..ako ang mahal ni Gino"  alam kong isang kasinungalingan yung huling sinabi ko. Pero kailangan kong saktan si Angelie. Kailangan niyang matauhan.

Tumalikod na ko para lumabas nang biglang hinila ni Angelie yung buhok ko. Hinila ko na rin yung buhok ni Angelie dahil nasasaktan na ko.

"Angelie..ano ba!" sigaw ko.

"Wala akong pakealam kung mahal ka ni Gino! Akin lang siya!!" sigaw nito na lalong hinigpitan yung hawak sa buhok ko.

Nang marinig kong may mga estudyanteng palapit na sa cr. Nagulat ako nang bitawan ni Angelie buhok ko at tumumba. Kaya nang pumasok yung mga estudyante. Hawak-hawak ko pa rin yung buhok ni Angelie at dinadaganan ko siya.

"Kelly tama na" sabi ni Angelie na animo aping-api. Umiiyak na rin to.

"Ang galing mo rin eno. Best actress" sabi ko

"Angelie! Okay ka lang?" tanong nang mga babaeng lumapit kay Angelie.

"Ikaw,ano bang problema mo kay Angelie?" sigaw ng isang babae sakin

"Ano?" tanong ko. Ako pa ang may kasalanan ngayon?

"Wag ka nang mag'maang-maangan. Kitang-kita ka naming sinasabunutan mo si Angelie." sabi pa ng isang babae.

"Siya ang nanguna" diretsho kong sabi

"Wag ka na sabing--

"Anong nangyari dito?" tanong ni Gino na nasa harap na nang pinto.

"Kelly!" sigaw ni Marco nang makita ako.

"Gino..." napatayong sabi ni Angelie na pumunta agad kay Gino.

"Angelie anong nangyari?" tanong ni Gino

"N-Nag-cr lang kasi ako nang marinig kong nagsalita si Kelly. Galit na galit siya. Naiinis daw siya sakin kasi daw mas angat na daw ako sa kanya. At sabi niya bakit daw ba lapit ako nang lapit sayo eh wla naman daw akong binatbat" humihikbing sabi nito.

Aba,at binaligtad pa ko. Demonyo talaga.

"Ang galing mo talaga Angelie. Ako pa ngayon ang binabaligtad mo?"

"Kelly.. bakit ka ba kasi nagagalit sakin? Wala naman akong ginagawang masama"

"Ibang klase ka talaga Angelie. Di ko alam na sa likod nang masayahin mong image ay ganyan ka kasama. Nagawa--

"Tumigil ka na Kelly" galit na sabi ni Gino.

Napatingin ako kay Gino. 

"Alam ko ang ugali mo Kelly..at alam kong kaya mong gawin to" sabi ni Gino.

Di ko alam mararamdaman ko. So hindi niya pala ako totally kilala? HAHAHA. Grabe.

"Di mo siya kilala Gino" sabat naman ni Marco sa likuran ko.

"At bakit sino ka ba ha?" galit na tanong ni Gino.

"Ako lang naman ang umalalay kay Kelly nang iwan mo siya"

Sumasakit na ulo ko sa mga nangyayari. Hindi ko na kaya.

"Hindi ko iniwan si---

"Tama na!" sabi ko. Naiiyak na ko. Pero kailangan kong di ipakita sa kanilang dahil lang dito ay iiyak na ko. "Umalis na tayo dito Marco. Hayaan na natin sila kung anong gusto nilang isipin." 

At nang palabas na ko..

"Gino" tawag ko. "Oo,di mo pa nga ako kilala. Pero alam kong alam mo yung mga bagay na di ko kayang gawin" sabi ko na tumalikod na,not knowing na may tumulo nang luha sa mga mata ko.

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

votecommentbeafan ♥

The Hater and the Lover ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon