Chapter 14

1.1K 15 3
                                    

ANGELIE'S POV

"Hello :) Ikaw yung new student diba?" tanong ng isang estudyante na may brace at salamin sakin.

"Uhh,oo" hindi ko tumitingin na sabi.

"Puwedeng maki'upo?" tanong nito.

Tumingin ako kung may tao sa paligid. Yun,wala masyadong tao.

"Hindi pwede. May uupo na dyan" diretso kong sabi.

"Eh wala na kasii akong mauupuan. Paupo---

"Letshe! Di mo ba narinig sinabi ko?! Sabi ko hindi puwede! kaya umalis ka dito! Ang panget mo na nga,bingi ka pa!" mahina kong sigaw. Letshe kasi,di makaintindi.

"Akala ko pa naman mabait ka,hindi pala! Pabida ka rin eh no!" malakas na sigaw nito na ikinagulat ko. Akala ko madaling matakot,di pala. Hmmm. Kala niya masisiraan niya ko ng ganyan? 

Pinaamo ko yung mukha ko. Tumingin'tingin ulit ako sa mga estudyanteng nakatingin na samin.

"S-Sorry,meron naman na kasing uupo dito. H-Hindi ko naman alam na gusto mo dito. U-Uupo na lang ako sa kabila. Pasensiya na" sabi ko ng nakayuko at mahina ang boses

Nakita kong nagulat yung babaeng panget. Hahaha.

Aalis na ko sana ng...

"BRUHILDA KA!! Hindi ka lang hugas-kamay eno?! Sipsip ka rin!" sigaw na sinabunutan ako bigla. 

Hindi ako lumaban kahit masakit yung pagkakasabunot niya. Umiiyak lang ako. Siyempre para sa kanya magalit yung mga estudyante. Pinipigilan na siya nung mga estudyante. Maraming lumapit sakin at tinanong kung okay lang ako. Nang biglang...

"Ano to?" sabi ng isang walang-buhay na boses.

Napatingin kaming lahat. Si KELLY. Tapos may katabi siya....Y-Yung----

O____________O

Yung lalaking tumulong sakin sa bar!

Sakin din nakatingin yung lalaki. Siguro naaalala niya pa. Tssss,wag na sana niyang sabihin sa iba T__T Mamamatay ako.. Lalo na kay Kelly... 

"Ano nangyari sayo?" tanong ni Kelly na nakatingin sakin. Wala pa rin siyang reaksyon.

Hindi ko lam isasagot ko. Nalilito ako.  Nakatingin pa rin yung lalaki. Ang lakas ng tibok ng puso ko..

Nang biglang... 

Nahimatay ako.

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

GINO'S POV

"Anong nangyari sayo?" tanong ni Kelly sa new student. Tsk,wala pa ring buhay -.-

Napatingin ako dun sa new student. Hmm,mukhang familiar siya?

Hindi makasagot yung new student kay Kelly. Parang nalilito siya na natatakoot. Natatakot? Baka natatakot kay Kelly. Maraming takot dyan ehh -_-

Pero hindi...may naaalala talaga ako sa new student na to. Parang nakita ko na siya. Di ko lang maalala.

Alam ko sa bar yun,peroo...teka. Siya ata yung...

BABAENG SOBRANG LASING? O.O

Ay,parang hindi naman. Napakahinhin nito tapos maglalasing? Baka kahawig lang niya. Imposibleng siya yun.

Nang biglang.. nahimatay yung new student. 

Napapunta agad ako dun sa new student. Ako na yung bumuhat. Wala namang kumikilos ehh -___- 

Tingnan ko si Kelly. Parang gulat siya.

"Dadalhin ko lang to sa clinic." sabi ko. "See you love"  hindi ko binigkas yung word na "love" sinabi ko lang gamit yung buka ng bibig ko. then nag'wink ako XD Nakita kong namula siya then sumimangot then umirap. Hahaha,ang cute XD

Dinala ko na yung new student sa clinic. Grabe ang gaan niya. Hindi katulad ni Kelly na mabigat XD  Ang taba kasi hahaha. De joke ang ganda kaya ng girlfriend ko :"D

Dahan-dahan ko ng nilapag yung new student dun sa kama pagdating ko ng clinic. 

Paalis na ko nang biglang...

"T-Teka" sabi ng new student habang hawak braso ko. Ang bilis naman niyang magkamalay? Diba pag hinimatay,medyo matagal bago magising?

"Bakit?" tanong ko.

"W-Wag mo kong iwan" sabi nito na parang takot na takot. Ano bang ikinatatakot niya?

"Ha? Bakit? Darating na dito mamaya yung doktor tsaka yung nurse,wag kang mag-alala"

"T-Takot ako sa mga doktor" sabi nito na nakayuko

Takot? May phobia siya sa mga doktor? Ibang klase yun ah? Never been heard. 

"Meron bang taong takot sa doktor?" tanong ko. 

"Oo,ako yun." nakayuko pa ring sabi nito.

Umupo na ko sa katabing upuan ng kama. Kawawa naman baka nga totoo.

"Bakit naman takot ka sa doktor?" curious kong tanong

Umiwas ng tingin yung new student. "M-Masyadong personal" nasabi na lang nito. 

"Ahhh" naalala kong di ko pa pala alam pangalan niya. Nakalimutan ko eh -__-

"Nu nga pala ulit pangalan mo?" tanong ko

"Angelie Yang" sabi nito na sa wakas ay tumingin din sa akin.

"Ahh. Ako si Gino Kang." nakangiti kong sabi sabay abot ng kamay ko for shakehands.

Inabot naman niya yung kamay ko kaso mukhang di siya sanay and naiilang siya. Tss, napakahinhin naman nito.

Nang biglang dumating si Kelly. 

Nakita kong napatingin siya sa magkahawak na kamay namin ni Angelie. Kaya tinanggal ko agad yung kamay ko sa kamay ni Angelie.

"H-Hello honey!" nakangiti kong sigaw.

"I'honey mo mukha mo" narinig kong bulong ni Kelly. "Ikaw,buti naman at nagising ka na.Kala ko bukas ka pa magigising eh" sabi nito kay Angelie.

"Honey,bakit ka nandito?" makulit kong tanong

"Wala kang pake" sagot ni Kelly.

"Tss,sungit talaga." sabi ko na tumayo na. "Balik na tayo ng room" sabi ko na hinawakan na yung kamay ni Kelly. Nang naalala ko si Angelie.

Tumingin ako kay Angelie. Natatakot na naman siya. "Sama ka na rin Angelie,okay ka na naman diba?" 

Sunud-sunod na tumango si Angelie,then tumayo. 

"Kelly! Sabay tayo" nakangiting sabi nito na ikinagulat ko. Akala ko takot siya kay Kelly? 

Sumimangot si Kelly. Hahaha,ang cute :)

Naunang umalis sila Kelly. Aalis na rin sana ako ng may napansin ako sa kamang hinigaan.

Kinuha ko yung kumikinang na bagay na yun.

Isang hikaw.

Isang hikaw na kapareho ng naiwang hikaw nung babaeng tinulungan ko sa bar.

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

votecommentbeafan ♥

The Hater and the Lover ♥Where stories live. Discover now