Chapter 4

18.1K 447 28
                                    

 Tumingin ako sa paligid pag alis ni Lid at nakahinga ng maluwag dahil hindi na sa table namin sila nakatingin. Buti nalang at balik na sa pag kain nila ang atensyon nila at hindi na sa amin. Lintek naman kasing Lid yan, gusto lagi center of attraction, idadamay pa ako. Hay nako Meg, wag mo na nga isipin ang lalaking yun, kanina pa kasi sya laman ng isip mo.

Natigil ako sa pag iisip ng makita ko sa window glass ang mukha ko at hindi ko yun na gustuhan dahil  magulo ang buhok ko at ang oily ng mukha ko. Haggard na haggard ang itsura ko sa paningin ko. Agad akong kumuha ng salamin sa bag at face powder para mag retouch, mahirap na at baka may paparazzi dito at makuhaan pa ako ng picture sa most haggard face ko. Ayan Meg kakaisip mo sa lalaking yun, nakakalimutan mo ng isip ang sarili mo at ang image mo, hindi na talaga healthy yan, girl.

Habang panay ang tingin ko sa mukha ko ay napansin ko naman ang titig na titig na mata ni Tammy sa akin na parang pinag aaralan nya kung anong ginagawa ko. kaya saglit akong tumigil para kausapin sya.

“Tammy, bakit?”

“Nag memake-up ka Meg?.” Sagot nya, “Saka ano yang nilalagay mo sa lips mo?” Turo nya pa sa lip tint na hawak ko.

Lintek, bata palang alam na nya agad ang salitang make-up? Gusto pa ata nya na lagyan ko sya ng lip tint, ibang klaseng bata.

Ngumiti ako ng tabingi. “Lip tint ang tawag dito,” Tinaas ko pa ang hawak kong lip tint, “Pero hindi ka pa pwede nito kasi pang dalaga lang ‘to.”Paliwanag ko pa saka sya tumango-tango na parang naiintidihan ang sinasabi ko pero patuloy pa ring nakatingin sa hawak ko. Halatang curious sya base na rin sa mga tanong nya

“So when I grow up, I can also use that?” Turo nya ulit sa lip tint. Siguro kung wala lang ako ay kanina nya pa sinunggaban ang hawak ko at inilagay sa labi nya.

“Yes, pero sa ngayon hindi ka pa pwede gumamit nito.” Sagot ko saka inilagay na sa bag ang maliit na bag na puro make up ang laman. Mahirap na at baka umatake na naman ang pagiging spoiled brat nya at mag pumilit na lagyan ko sya. Tamango-tango pa sya bago muling  nanahimik. Mukhang nag iisip.  Hindi ko tuloy mapigilan na mapangiti dahil halatang gusto nyang mag lagay ng kulurete sa mukha pero dahil bata pa sya ay hindi pwede.

Hay nako Tammy, enjoyin mo muna ang pag kabata mo, dahil pag laki mo ay siguradong hihilingin mo na sana bata ka nalang ulit, less din ang problema. Dahil kapag bata ka, para ka lang nag lalaro sa mundo na puno ng laro.

“Here’s your food!”

Napatingin kami sa bagong dating na si Lid. Dala nya ang isang trey ng pag kain. Saglit kong tiningnan ang kabuuan nya. Naka white suit sya tapos fresh na fresh ang dating habang palapit sa amin. Bakit ganun? Parang hindi man lang sya pinag pawisan sa mga ginawa namin dito sa EK kasi hindi sya haggard tingna. Ang daya naman.

Nilapag nya ang trey at ibinigay ang mga pag kain sa amin saka sya umupo sa tabi ni Tammy, hindi ko alam kung anong nangyari sa akin pero nakaramdaman ako ng  disappointment, I mean, para saan? Kasi hindi sya tumabi sa akin? Ewan.

Pag katapos mag dasal ay tahimik na kaming kumain. Napapatingin din ako sa kanya habang pinapakain nya si Tammy, sya ang may hawak ng spoon and pork, panay din ang iling ni Tammy kapag nilalapit nya dito ang kutsara pero wala naman magawa ang bata dahil mukhang takot din ito sa kanya. Halata kasing close sila dahil nasasabayan nya ang topak ng pamangkin nya. Kung titingnan sila ay aakalain mo na mag tatay sila.

Pinupunasan nya din ang bibig ni Tammy kapag nag kakaroon ng dumi dahil sa pag kain ng ice cream. Hindi ko alam na may ganito pala syang side. Noong una ko kasi syang makilala ay hindi kami na bigyan ng chance na makapag usap man lang, masyado din kaming na bigla sa mga pangyayari tapos kinailangan  nya din umuwi dito sa pilipinas at ako naman ay naiwan sa Japan para sa asian tour namin, kaya  kung ano-anong masamang akala nalang ang pumasok sa isip ko tungkol sa kanya pero habang tinitingnan ko sila ni Tammy ay naiisip ko na ma-swerte ang mapapangasawa nya. But I’m her wife right?

Ipinilig ko ang ulo.

Meg, ano kaba, tigilan mo nga yang mga pinag iisip mo! Oo mag asawa kayo pero sa papel lang yun, dahil hindi nyo naman yun ginusto pareho, saka wag mong kakalimutan ang mukha nya noong araw ng kasal nyo. Wag na wag. Lintek!

“Megumi, bakit hindi ka kumakain?” Tanong ni Lid kaya natigil ako sa pag iisip. Ito ang unang beses na tinawag nya ako sa pangalan ko at buong-buo pa yun. Bakit ganun? Bakit ang sarap sa tenga ng pag banggit nya sa name ko? Weird.

“Huh? Ano…” Hindi ko alam kung anong idadahilan ko, “I need to go to the bathroom!” Saka tumayo at nag medaling pumunta sa banyo.

Meg! Ano bang angyayari sayo? Bakit para kang tanga na hindi alam kung anong gagawin? Tinanong ka lang naman nya kung bakit hindi ka kumakain diba? Bakt hindi mo yun masagot?

Angalan naman sabihin ko sa kanya na sya ang iniisip ko kaya hindi ako makakain? Para ko na rin pinatay ang sarili ko sa sobrang kahihiyan diba.

Humarap ako sa salamin para tingnan ang sarili ko, nakahinga ako ng maluwag na maayos ang itsura ko. Bakit bigla nalang naging mahalaga na maayos ang itsura ko? dahil ba nandyan ang lintek na lalaking yun? Ang gulo! Ang gulo gulo ko!

Umuling nalang ako at pumunta sa cubicle para umuhi at ng masiguro ko na maayos na ako ay lumabas na ako para bumalik sa table namin ng mabangga ako ng kung sino. Muntik na tuloy akong madapa sa lakas ng bangga buti nalang at  may humatak sa kamay ko para hindi ako tuluyan masubsub sa sahig.

“Careful miss!” Wika ng lalaki saka ako hinarap sa kanya. Natigilan ako ng makita ko kung sinong nasa harap ko.

“Fortune!”  Tili ko saka sya niyakap,” It’s been a while since we last saw each other!”

“I know right? How are you baby?” Tanong nya saka hinawi ang buhok na natumatabing sa mukha ko. Gawain na nya yan noon pa. Muli ko syan niyakap dahil sobrang miss ko na talaga sya.

“Baby!”

Sabay kaming natigilan ni Fortune sa isang sigaw at kasabay narin ang pag hila sa braso ko. Hindi manlang ako nakalaban dahil sobrang lakas ng pwersa na nakahawak sa braso ko pero mukang alam ko na kung sino ang lintek na humila sa akin at tumawag ng baby.

Sino pa ba? Edi si Lid na paasa.

------------

Ayan UD ulit. May nag tanong pala sa akin, sabi nya kung paano nya daw ako makakasama, ang sabi ko naman ay simple lang, samahan nya lang ako sa pag takbo dahil mahilig akong mag jogging hahaha! Salamat pala sa lahat ng comment last chaps! please maging active kayo, yun lang ang hiling ko, Love you guys XDD

Please be an active reader, your comments motivates me to update faster as I could.

Accidental WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon