Chapter 5

16.6K 418 22
                                    

 Mara

Napatingin ako sa may pinto ng marinig ko ang pag doorbell nun. Nilapag ko ang hawak na remote control sa sofa. Pag bukas ko ng pinto ay pagod na mukha ni Lid agad ang aking nakita. Bigla akong nakaramdam ng aawa kaya agad ko syang hinila sa kamay saka yumakap sa bewangnya. Matangkad syang tao kaya halos  tingalain ko sya sa tuwing hahalik ko ang labi na.

“Kamusta ang lakad nyo ni Tammy?” Tanong ko pag upo namin sa sofa. Tumawag kasi kanina ang Mommy nya at nag papasama na ipasyal daw si Tammy sa E.K. kaya agad naman syang sumunod.

“Okay naman…” Tipid nyang sagot saka ipinilupot ang kamay sa bewang ko saka hinalikan ang noo ko.

Hinalikan ko ang leeg nya at tumingala sa kanya. “Dapat kasi sinama mo nalang ako. “

Alanganin syang ngumiti. “Mapapagod ka lang kung sinama kita, maraming tao sa E.K. saka galing kang duty diba?”

Tumango pa ako dahil tama naman sya, shifting ang duty ko sa hospital na pinag tatrabahuhan ko bilang isang physical therapist.

“Kumain kana ba?” Pag iiba ko ng topic.

“Oo kumain na kami, ikaw?”

“Tapos na, hinihintay nalang talaga kita.” Ngumiti pa ako. “Alam mo naman na hindi ako nakakatulog ng hindi ka katabi.”

Ngumiti naman sya at kinurot ang ilong ko. “Miss na miss mo agad ako huh.”

“I love you Lid.” Saad ko. Lumabot naman ang ekspresyon ng mukha nya at hinalikan ako sa labi.

“I love you too.”

Ngayon kasama ko na sya ay panatag na ako. Ganito lang naman lagi ang routine ko. Hihintayin ko syang umuwi at sabay kaming matutulog or hindi kami matutulog dahil mag damag naming pag sasaluhan ang isang mainit na pag niniig.

Meg

Pagod akong humiga sa sofa habang panay ang lipat ng channel sa malaking flat screen tv dito sa sala ng condo ko. Kakaligo ko lang at preskong preko ang pakiramdam ko pag katapos ng nakakapagod na araw.

Napatingin ako sa phone ko ng tumunog yun. Kinuha ko yun at binasa ang message galing kay Miki.

How’s your date with that little brat?

Super drain ang battery ko sa batang yun, pero ayos naman, nakaraos din, besides she’s so cute naman kaya tolerable na ang pagiging spoiled na bata.

 

Hahaha! Mommy ang peg?

 

No way! Wala pa yan sa isip ko, please lang!

 

Hahahaha! May asawa ka na naman eh, baby nalang ang kulang!

Accidental WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon