Chapter 26

15.5K 429 54
                                    

Talking

Sa kwarto nya kami napadpad. Pagod akong umupo sa kama nya habang iniisip pa rin ang enkwentro namin kanina kay Ella at Keni. Isang araw palang ang relasyon namin nag ka problema na agad kami.


"Meg, anong iniisip mo?" Nag squat sya sa harap ko at hinawakan ang dalawang hita ko.

"Yung totoo?" Tumango lang sya kaya muli akong huminga ng malalim. "Iniisip ko na bakit unang araw palang ng relasyon natin may problema agad tayo? Lagi bang ganito?"


Pinisil nya ang dalawang hita ko at kinuha ang isang kamay ko para dampian ng magaang halik.


"Kung palagi bang ganito aayaw ka ba?" Tanong nya habang tinatantya kung anong isasagot ko.


Huminga ako ng malalim at pumikit. Aayaw nga ba ako? Kaya ko nga kayang iwan sya dahil sa mga problema? Gagayahin ko ba ang pag kakamali ng mama ko na mag stay sa ama ko at tiisin ang lahat ng pang aapi? Oh iiwas nalang ako habang maaga pa?


Naalala ko bigla ang dahilan kung bakit umalis kami ng Japan. My mother said that she could not take that anymore. Naalala ko ang pag luha nya habang nag lalakad kami paalis ng bahay namin sa Japan at naalala ko rin ang nakatayong imahe ni Otosan habang nakatingin lang sa amin, ni hindi man lang kami pinigilan na umalis.


"Hindi ko alam...Lid I hate complications." Pag amin ko sa kanya. Kaya nga positive ako lagi sa mga bagay-bagay eh dahil ayoko ng problema.


Tumayo sya at umupo sa tabi ko. He cupped my face and kissed my lips deeply. I closed my eyes to feel the wonderful sensation his lips doing. Pinag dikit nya ang mga noo namin.


"I hate it too kaya nga umiwas ako sayo at hindi mo alam kung anong pinag daanan ko wag lang mahulog sayo pero nandito ako sa tabi mo, handing ipag laban kung anong meron tayo."


Nag init ang mga mata ko at nag babadyang tumulo ang mga luha ko pero pinigilan ko dahil ayokong makita nya akong naiyak. Ayokong isipin nya na mahina ako. Ang sarap sa pakiramdam na naririnig ko sa kanya na nahirapan din naman pala sa sitwasyon namin. Na nag pigil din pala sya sa nararamdaman nya para sa akin.


"Kelan mo nalaman na nahulog kana?" Gusto ko pang malaman ang lahat.


Ngumiti sya at tumayo para upo sa tabi habang mag kahawak pa rin ang mga kamay namin.


Tumingin sya sa mga mata ko. "The first time I saw you..."

"Sa Japan yun diba? Di nga?" Gulat kong sagot.


Ngumiti lang sya at kinagat ang ibabang labi nya. Ang hot ng asawa ko. Napakagat labi din tuloy ako. Natigilan sya at mabilis inabot ang labi ko saka sinibasib ng halik.


"Lid...nag uusap tayo diba?" Hingal kong saway pag katapos ng halik.

"Don't bit your lips so I would not be distracted." Mababa at buong buo ang boses nya habang tinitrace ang ibabang labi ko gamit ang thumbnail nya.


Bahagya akong lumayo sa kanya para hindi ako madistract at maitanong ko sa kanya ang mga gusto kong malaman.

Accidental WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon