Chapter 32

14.9K 387 30
                                    

Together 

Isang araw kami sa ospital bago kami pinalabas ng doctor dahil madaling naging normal ang pakiramdam namin at kailangan nalang ng pahinga sa bahay. Nasa kotse ako ni Lid ngayon at nakatingin sa labas habang sya naman ay nag mamaneho ng tahimik.


Habang nakatingin ako sa kalsada ay lutang din ang isip ko. Gusto kong malaman kung sino ang gustong sumabutahe sa amin, idagdag pa ang nalaman ko na nag kikita pa si Lid at Mara. Napahawak ako sa ulo ko dahil gusto kong mawala ang mga iniisip ko.


Napatingin ako kay Lid ng mag salita sya.

"Are you okay?"

"Okay lang ako." Hindi ko alam kung bakit naiinis ako sa kanya pero kailangan kong mag panggap na ayos lang ako.

"Malapit na tayo."


Hindi na ako nag salita at tumingin nalang ulit sa labas. Ayoko syang kausapin dahil sa tuwing gagawin ko yun ay na tetempt ako na mag tanong kung nag kikita pa nga sila ni Mara.


Pag dating namin sa building ay agad nya akong hinawakan sa mga braso para alalayan sa pag lalakad. Agad akong nag sabi na kaya ko na dahil kaya ko naman talaga. Pag pasok ng condo ay pumunta ako sa kwarto, ramdam ko naman ang pag sunod nya.


"Do you want to eat something?" Tanong nya pag katapos umupo sa gilid ng kama.

"No, I want to rest." Ayoko talagang makipag usap sa kanya kaya tumalikod nalang ako.

"Meg, are you mad at me?" Tanong nya.


Galit? Mas tamang sabihin na dismayado dahil ayokong isipin kung anong ginagawa nila ng ex nya, oo alam kong past na pero hindi pa ganun katagal kaya sariwa pa.


Hindi ako nag salita at pumikit nalang. Naramdam ko naman ang pag himas ng mainit nyang kamay sa braso ko.


"Babe, isang beses lang yun." Simula nya. "Tumawag sya sa akin kasi depress sya sa break up namin kaya pinuntahan ko sya dahil may pinag samahan din naman kami."


Hindi ako nag salita at pinilit makatulog. Alam kong wala ako sa lugar na mainis pero bakit ganun? Naiinis ako lalo na sasarili ko dahil nagiging childish ako. Hindi naman ako ganito dahil ang totoo ay ayoko nga na masyadong mag except sa mga tao sa paligid ko dahil natatakot ako ma disappoint kapag may ginawa sila na hindi ko gusto.


"Meg, kausapin mo naman ako oh. Kahit ano sabihin mo basta mag salita ka lang." Frustrated na ang boses nya.


Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya kaya ayokong mag salita. Hindi ko rin alam kung anong pwedeng lumabas sa bibig ko kapag nag salita ako kaya wag nalang.


"Babe, please talk to me." Pag susumamo nya saka yumakap mula sa likod ko. Pumikit ako at kinagat ang isang labi ko.

"Gusto ko ng mag pahinga." Malamig kong tugon.

Huminga sya ng malalim. "I'm sorry, alam kong upset ka pero hindi na mauulit yun."


Shit naman oh, bakit ganito, bakit parang naiiyak ako dahil ramdam ko ang sincerity sa boses nya pero ayaw naman mag patalo ng isip ko na tutol na patawarin agad sya. Pumikit ako at nag concentrate sa pag tulog.

Accidental WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon