Chapter 27

16.1K 416 37
                                    

Afraid

Pag balik namin ng resort ay saglit pa kaming tumambay sa may swimming pool para maligo sandali at ng mapagod ay nag kanya kanya ng balik sa mga kwarto. Panay naman ang tingin ko sa cellphone ko dahil panay din ang tunog nun. Ngimingiti nalang ako kay Rei habang nag kukwento sya sa isang performance namin na naging disaster dahil hindi nya nakuha ang isang beat kaya muntik na kaming mapahiya.


Tumingin sya sa hawak ko pag katapos nyang huminga sa sarili nyang kama at pinunuod lang akong nakangiti habang nag tetext.


"Kanina pa kayo mag katext ah." Puna nya.

"Unli naman eh hayaan mo na." Ngiti ko pa sa kanya habang palipat-lipat ang tingin sa cellphone at sa kanya.

"Matutulog na ako. Good night."

"Good night Rei."


Tumayo ako para patayin ang ilaw sa kwarto. Pag balik ko ng kama ay tumunog ulit yun at binasa ko ang text ni Lid sa akin.


Babe, matagal pa ba? Naiinip na ako kakahintay, I wanna be with you.


Napakagat labi ako at napayakap sa unan dahil sa kilig na nararamadaman dahil sa text nya. Tumingin ako kay Rei na tulog na dahil nakataas na ang dalawang kamay sa ulunan. Muli akong nag tipa ng mensahe.


Wait lang, mga 5min, kakahiga lang ni Rei baka magising mas lalo akong hindi makakaalis dahil mag tatanong yun.


Grrr! Okay, I will wait!


Are you mad?

 

No! I'm just frustrated because I wanna be with you so bad that I kinda hate your friends for stealing you away from me!


Tumaas ang kilay ako at natawa ng mahina. Para syang bata.

 

Sila kaya ang kasama ko dito kaya dapat lang na sa kanila ako mag spend ng time diba?

 

I know, but you are always with them ako naman ngayon.

 

Hindi ko alam kung bakit napangiti ako sa sinabi nya. Hindi lang siguro ako makapaniwala na dadarating kami sa ganitong tagpo. We used to be strangers and now we're acting as if we knew each other for a long time. I'm so smitten with him.


Okay, lalabas na ako hinatyin mo ako sa tapat ng pinto namin.

 

Got it Babe! :)


Tumingin ako kay Rei para seguraduhin na tulog na sya at ng makita ko na mahimbing na ang tulog nya ay tumayo na ako at dahan-dahan bumaba ng kama. Napadapa pa ako sa sahig ng gumalaw sya para tumagilid patalikod sa akin. Nakahinga lang ako ng maluwag ng hindi na sya ulit gumalaw.


"Kasalanan 'to ni Lid eh." Bulong ko dahil para akong teenager na tumatakas dahil makikipag tagpo sa boyfriend.

Accidental WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon