Chapter 24

15.1K 499 60
                                    

Crazy in love 

Nakatingin ako kay Rei habang nag aayos sya ng sarili nya. Humiga ako at niyakap ang isang unan. Wala akong ganang umalis ng kwarto dahil masama ang pakiradam ko. Muli kong pinagmasdan si Rei na nag po-powder ng mukha. Naka maong short-shorts sya at kita ang pink bra nya sa manipis na hanging blouse na suot nya. Umupo sya sa kama nya at nag suot ng anklet saka tumingin sa akin.

"Meg, are you sure you don't want to come with us?"

 Pangatlong tanong na nya yan sa akin at panay iling lang din ang sagot ko. Wala ako sa mood na makipag party.

Nako, Si Lid na nama ang salarin.  Shut up mind, please wag mo na syang banggitin.

Tiningnan nya ako na parang inaalam ang iniisip ko saka lumapit para umupo sa kama ko.

"Meg, kaya nga tayo nandito diba para mag enjoy at mag relax. Don't let Lid destroys you and always remember who you are before you met him."

 Pumikit ako at inalala ang pait ng pag uusap namin kanina. Ang sakit lang dahil parang wala man lang syang pakialam. Bigla ko rin naalala ang mga panahon na hindi ko pa sya nakikilala. I am a happy go lucky person hindi yun ganito na para akong loner na nag kukulong lang sa kwarto to think na nasa isang linggong bakasyon kami.

Inalis ko ang unan sa ibabaw ko at umupo sa kama. "You know what, you're right I need to get out and have some fun."

Lumawak ang ngiti nya. "That's our vocalist! Come on! Get up!"

"Okay, five minutes lang, mag aayos lang ako sandali."

Tumayo at pumasok ako sa banyo para mag linis ng katawan at mag palit ng damit. Pag katapos mag ayos ay dumiretso na kami sa isang disco party sa baba ng resort. Agad akong binigyang ni Rei ng isang baso ng alak at agad ko rin yun tinungga.

"Waoh! Mag lalasing na naman si Meg!" Tawa ni Tomo.

Tumawa ako at tinulak sya sa balikat. Kumuha kami ng isang table at doon nag inuman. Hinila pa ako ni Rei para sumayaw. Maraming tao sa dance floor at ng marinig ko ang boses ni Beyonce ay agad akong napasigaw at nabuhay ang dugo ko.

"Crazy in love!" Sigaw ni Rei saka nag umpisa ng itaas ang dalawang kamay sa ere at gumilig na.

"Ohhh, Ohhh, Ohhh, Ohhh," Kanta ko sa intro habang sumasayaw na ng seductive.

Tama nga si Rei, dapat alalahahin ko kung sino ako bago ko nakilala si Lid at eto ako, masaya at palaging positive sa mundo. Napangiti ako ng may lalaking humawak sa bewang ko at idinikit ako sa dibdib nya. Hindi ako pumapalag at nakipag sayaw sa kanya ng game na game.

"That's my girl!" Sambit ng lalaki sa tenga ko. Tumawa lang ako. Walang masama sa ginawa ko dahil single ako.

Para naman akong nahilo ng biglang may humila sa braso ko at tumama ako sa matigas na dibdib.

"No, that is my girl so back off!" Matigas na banta ni Lid at hinatak ako paalis ng dance floor.

Accidental WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon