Chapter 14

13.8K 387 37
                                    



Mara


Panay ang himas ko sa likod ng sumusukang si Tin habang hawak ko ang isang braso nya para hindi sya masubson sa inudoro. Nilingon ko si Kriza na nasa kabilang side din habang pareho din ng ginagawa ko. Napadami ang inom ni Tin kaya ngayon ay nilalabas ng katawan nya ang alak ng sobra. Ang tigas kasi ng ulo at ayaw mag papigil.


Kinuha ko ang cellphone ko dahil kanina ko pa hinihitay ang text ni Lid dahil nga mag papasundo na ako sa kanya. Isasabay ko na rin si Tin at Kriza para makauwi sila ng safe. Nalukot ang mukha ko ng makitang walang reply kay Lid. Dapat kanina pa sya nandito dahil kanina pa ako nag text sa kanya. Saan kaya sya?


"Kriza, ikaw munang bahala kay Tin, tatawagan ko lang si Lid, maingay kasi dito sa loob."


Tumango si Kriza habang nakaalalay kay Tin na suka pa rin ng suka. Lumabas ako ng cubicle at dumiretso sa labas ng bar. Napabuga ako ng hangin dahil operator ang sumagot sa akin. Out of coverage area ang cellphone ni Lid.


"Saan ka bang lalaki ka? Bakit patay ang phone mo?"  Reklamo ko sa hangin saka tumingala sa madilim na kalangitan.


Muli akong pumasok sa loob ng bar at nilapitan si Lee na kausap ang babaeng maputi at chinita na kasama nya kanina pag dating. Nakakunoot ang noo ni Lee at halatang ng pipigil ng galit. Ang babae naman ay parang lasing na base sa gewang ng boses.


Inangat ko ang isang kamay ko para kunin ang atensyon ni Lee at hindi naman ako nabigo ng lumihis sa gawi ko ang tingin nya. Saglit nyang iniwan ang kausap at lumapit sa akin.


Ngumiti ako ng makalapit sya. "Lee, nakita mo ba si Lid?" Baka kasi nakita nya habang nasa loob ako ng banyo para asikasuhin si Tin.

Kumurap ng tatlong beses si Lee bago sumagot. "Hindi eh...tawagan mo nalang."

"Ayun nga, hindi ko macontact."

Muli syang lumingin sa babaeng kausap nya kanina. "Mara, mamaya nalang ulit. I need to go. Rei!"


Tumingin ako sa kanya ng balikan nya ang babaeng ngayon ay nag lalakad ng pagewang gewang. Inalalayan nya ito at inilagay ang galamay sa balikat nya para bigyan ng suporta. Mukhang bokya ata ang pag asa ni Tin dahil hindi na ata single si Lee. Di bale, try kong ireto naman si Keni sa kanya.


"Mara, yun boyfriend mo ba ang hinahanap mo?"


Lumingon ako kay Ronald. Mapungay na ang mga mata nya at halatang lasing na rin. Hindi naman sa ayaw ko sa kanya pero hindi ko lang talaga sya masyadong feel.


"Nakita mo ba syang dumating?" Tanong ko nalang kahit na alam kong wala naman akong makukuhang magandang sagot mula sa kanya.

"Oo, hila-hila pa nga nya ang isang babaeng maganda saka lumabas ng bar."

Napairap ako dahil hindi ko nagustuhan ang narinig. "Anong sabi mo?"

"Nasa dance floor ako nun, nakita ko syang hiniklat yun babae."

"Anong itsura nung babae?" Hindi ko alam kung bakit nag papaniwala ako sa sinasabi ni Ronald pero hindi ko mapigilan. Pag dating kay Lid ay sobrang possessive ko.

Accidental WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon