Chapter 18

14K 383 27
                                    

Get rid of him

I took a deep breath and try to be looked normal. Muli akong tumingin sa replesyon ko sa malaking salamin dito sa banyo. Hindi dapat ako nakakramdam ng ganito. Hindi dapat ako naiinis pero bakit hindi ko mapigilan. Bakit hindi ko kayang hindi maapektuhan kapag si Lid na ang pinag uusapan?


Hindi rin mawala sa isip ko ang sinabi ni Fortune na gusto daw ako ni Lid. Paano nya nasabi yun? Anong basehan nya para sabihin yun? Nakakalito. Nakakagulo ng isip. Hindi ko na tuloy alam kung anong dapat kong paniwalaan. Ang sinasabi ng ibang tao oh ang sinasabi ni Lid?


Meg, kung maniniwala ka kay Lid. Wag ka ng umasa na magiging kayo pa, pero kung si Fort naman ang pipiliin mong paniwalaan, masasaktan ka lang din dahil sa huli hindi naman ikaw ang pipiliin ni Lid, kundi si Mara.


I shake my head to disremember everything. Tama na ang pag iisip ng kung ano-ano. Kailangan ko ng bumalik sa totoong mundo.


Maingat akong nag lagay ng face power at lip-gloss pag katapos ay blush on, nag suklay din ako at tinali ang buhok ko gamit ang isang ponytail dahil kanina pa ako naiitan dahil summer ngayon, muli akong tumingin sa salamin at ng masatify ay lumabas na ako ng banyo hawak ang make-kit ko.


Nasa gitna ng pinto at hindi pa ako nakakalabas ay natigilan ako saglit ng makita ko si Lid na tahimik na nakatayo sa tapat ng banyo. Hindi ko alam kung anong gagawin ko dahil nagulat talaga ako na nandito sya sa tapat ko. Sino bang hinihintay nya? Hindi ko kasi nakita sa loob si Mara kaya bakit sya nandito?


Nahigit ko ang pag hinga ng mag angat sya ng tingin at nag tama ang mga mata namin. Nag salubong ang mga kilay nya at nalukot ang mukha nya. Why? Why is he still freaking hot despite that face?  I don't really get why I have this strong liking on his rugged look. I just cannot contain it.


He slowly walked towards me. "Do you have a minute?"

"Why?" Yun lang ang lumabas sa bibig ko dahil hindi ko talaga maintindihan kung bakit pinuntahan nya ako dito. Kasama nya ang girlfriend nya, ewan.

"Okay, dito nalang." Wika nya saka inilagay ang kanang kamay nya sa bulsa ng pantalon. "What's your relationship with that guy?" He asked demandingly.


I gape. Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kanya. Nakatingin lang sya sa akin habang hinihintay kung anong lalabas sa bibig ko. Saglit akong nag isip kung para saan ang pag tatanong nya. I'm puzzled.


"Why are you asking?" Shit! I looked like an idiot.


Lalong nalukot ang mukha nya at kitang-kita ko ang frustration sa mukha nya. Really Lid? What's happening to you? Why did you suddenly care?


"Hindi kayo bagay." He said.

Tumaas ang kilay ko sa narinig. "Excuse me?"

"He is not good for you."


Hindi ko alam pero parang kumulo ang dugo ko sa sinabi nya. Anong karapatan nyang pag sabihan ako sa kung sino ang dapat kong pakisamahan. Ang kapal ng mukha nya na puntahan ako dito para lang sabihin yun sa akin.


Umiling ako at malalaki ang habang na nag lakad para lagpasan sya. Naramdaman ko naman ang pag sunod nya at ilang saglit lang ay binalot ng mainit na kamay ang braso ko at napaharap ako sa kanya.

Accidental WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon