Chapter 10

16K 436 25
                                    



Malakas na sigawan ang bumalot pag katapos namin mag perform. Tiningnan ko ang mga ka banda ko na kumakaway at satisfied na nakangiti sa lahat ng fans namin na pumunta para panuorin ang gig namin sa isang malaking bar sa manila.  Isang successful performance na naman ang natapos namin.


Isang linggo na simula ng mangyari ang encounter namin sa isang organizer ng isang commitment namin at naging resulta sa pag liligtas sa amin ni Keni. Kapag naalala ko talaga ang ginawa nya ay na papangiti ako dahil na appreciate ko naman ng talaga.


Pinunasan ko ang pawis ko sa leeg habang nag lalakad kami palabas ng bar mula sa back stage. Nakalagay sa tenga ni Unice ang cellphone nya habang nag hihintay kami na dumating ang Hilux Van na mag susundo sa amin.


Tumingin ako kay Tomo at Miki habang nag kukulitan sila. Pinalo ni Miki si Tomo ng towel dahil panay ang sakay ni Tomo sa likod nya. Tumawa si Rei kaya natawa na rin ako. Grabe, sa dami ng ginawa namin ngayon gabi ay parang hindi man lang naubusan ng energy si Tomo at si Miki. Ibang klase.


Umangat ang tingin ko sa padating na van. Binaba ni Unice ang phone nya at pinapila kaming apat. Pag hinto ng van ay binuksan yun ni Edcel at pinapasok na kami sa loob. Smooth kaming nakaalis sa lugar.


Nakapangalumbaba ako at nakatingin sa madilim na kalsada sa kahabaan ng manila. Buti nalang at walang traffic kaya madali kaming makakauwi panigurado. Sumandal sa upuan ko.


Biglang pumasok sa isip ko si Lid. Kamusta na kaya sya?


Bat mo naman tinatanong yan? Diba may Keni kana?


Tsss, naisip ko lang naman ah, halos dalawang linggo ko na kasi syang hindi nakikita.


Gusto mo syang makita?


Hindi ah!


Natigilan ako sa pag iisip ng tawagin ni Unice ang pangalan ko.


"Meg, I think it's time for you to have a car." Pahayag nya.


Nanlaki ang mga mata ko, si Tomo naman ay napanganga dahil matagal na nyang gustong mag maneho pero ayaw ni Unice dahil reckless driver daw. Walang reaksyon si Miki at patuloy lang na pumikit at sumandal sa upuan nya. Si Rei ay mataman lang na nakikinig. Ganun din sila Edcel at Hyacinth.


"But I don't know how to drive?"

Ngumiti sya. "Ininroll kita sa isang driving school."

"Driving school?" Kunoot noo kong tanong dahil hindi ata nasabi ni Unice sa akin yun.

"Yup, bukas ay pupunta ka sa LTO para kunin yung student license mo para makapag start kana sa driving lesson mo."


Nakita ko ang pag simangot ni Tomo dahil sa sinabi ni Unice kaya tinawanan ko sya at dinilaan sya para asarin.


"Ang daya naman! Matagal ko ng sinasabi yun sayo Unice pero ayaw mo akong payagan pero si Meg mukhang ayaw pa pero pinapakuha mo na ng lisensya."

Accidental WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon