Chapter 23

13.7K 413 55
                                    

Goodbye

Pag dating ng gabi ay sabay-sabay kaming bumaba para kumain. Nag hahanap kami ng table ng makita ko ang pag kaway ni Keni kaya lumapit kami sa table nila. Tumayo sya at lumapit sa akin. Napasulyap ako kay Lid na nakatingin pala sa akin.

"Are you guys done eating?" Tanong ko kay Keni ng makalapit sa akin.

"Mag start palang nga kami gusto nyo sumabay na kayo." Yakag nya.

Tumingin ako sa mga kamasama ko. "Ano?"

"Okay lang sa amin." Sagot ni Miki.

Umupo na kaming apat kasama si Hya at Edcel kaya anim kami lahat-lahat. Saglit akong natigilan ng makita kong si Lid pala ang katabi ko. Hindi sya nakatingin sa akin at parang hindi nya ako nakita kaya tahimik nalang akong umupo at nag kunwaring hindi ko rin sya napapansin.

Pag upo ko ay naramdaman ko agad ang pag dampi ng binti nya sa akin kaya bahagya akong tumingin sa kanya. Nakaramdam ako ng kuryente sa simpleng pag didikit lang ng mga binti namin.

Shit Meg lalandi ka nanaman huh!

Lid started it I'm just returning the favor.

Hindi ako makapag concentrate ng madako ang tingin ko kay Ella. Nakatingin sya sa akin na parang binabasa nya ang iniisip ko bago dumako ang mata nya kay Lid.

"Mukhang may mga bago tayong kasama huh." Wika ng bagong dating.

Isang lalaking kasing taas ni Lid at mabigote din. Itim na itim ang buhok at maganda ang pangangatawan kahit na halatang may edad na ang nakatayo gitna ng table sa gitna ng upuan ni Keni at Lee. Naka white t-shirt sya at hawaiin short na kulay pula. He looks like Lid, the older Lid. Ang katabi naman nyang babae ay ang mama nila Lid. Nakilala ko na sya dati noong unang makilala ko si Tammy kaya ng makita nya ako ay nakilala nya agad ako.

"You are Meg right?" She asked confusingly.

Ngumiti ako. "Opo. We met at the gas station."

Nakita ko ang tingin ni Lid sa akin na nag tatanong. Kumunot noo lang ako sa kanya. Tumawa ang ginang at muling nag salita.

"Call me Tita Star. Oo I remember my grandchild was dying to meet you that day."

Ngumiti nalang din ako. Nakita ko ang mapanuring tingin ng kabiyak nya sa akin. Tumayo naman si Ella at kinuha ang pangalawang anak sa baby stroller sa gilid ng isang katulong.  

"Nagugutom na naman ang batang yan." Baby talk nya sa anak.

Tumayo din si Atom at nakipag baby talk sa anak.

"Oo nga po...Tita Star." Asiwa kong sagot. Hindi ako sanay dahil hindi naman kami palaging nag kikita.

Genuine syang ngumiti sa akin at kumapit sa braso ng asawa na nakatingin sa parin sa akin. Mas lalo akong naasiwa dahil hindi ko alam kung galit ba sya pero hindi sya nakangiti sa akin.

Accidental WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon