Chapter 9

16.6K 390 18
                                    

Nagising ako sa alarm clock na nakalagay sa side table ng kama ko. Bahagya pa akong bumangon kahit nakapikit parin para kunin yun at patayin. Naka advance yun ng five minutes para maka-bwelo pa ako dahil medyo mahirap gumising na umaga. Muli kong ninamnam ang lambot ng kama ko at niyakap ang mahabang unan sa tabi ko.

Kung bakit naman kasi imbes na dalawang linggo ang pahinga namin ay naging isang linggo lang dahil marami daw kaming bagong project na naka-line kaya kailangan na namin mag trabaho agad. Kinuha ko ang cellphone ko at tiningnan ang oras saka pilit na tumayo at pumunta sa banyo para mag hilamos. Saglit pa akong natigilan sa itsura kong bagong gising. Singkit na singkit ang mga mata ko. Ikinilong ko naman ang mukha ko gamit ang mga palad ko saka lumabas ng banyo at pumunta sa kusina para kumuha ng low fat milk sa ref at koko crunch. Kumuha din ako isang mangkok para mag salin ng koko krunch at milk doon.

Nag lakad ako papuntang sala at pinalabas si Zorro sa cage nya at ngayon ay nakasunod na sa paanan ko. Tiningnan ko sya pababa. "Good morning baby boy!" Baby talk ko pa sa kanya na hindi naman ako pinansin at sumunod lang sa akin.

Umupo ako sa sofa at kinuha ang remote sa mini table sa gitna at binuksa ang flat screen. Tumalon naman si Zorro papunta sa tabi ko at dumungaw sa hita ko. Naka mini short na pink lang ako at spaghetti strap na puti. That's my usual clothes bago matulog. Tumingin ako kay Zorro pag katapos kong mag lipat ng channel.

"Patay gutom ka na naman!" Saway ko sa kanya habang inilalayo ang hawak ko dahil inaamoy nya. Normal naman yun sa mga rabbit kaya sanay na rin ako kay Zorro. Napatingin ako sa TV ng makita kong nasa top 2 ang bagong single namin. MTV pinoy kasi ang pinapanuod ko. Saglit ko pang pinanuod ang sarili ko sa screen. Habit ko ng gawin yun dahil gusto kong makita kung anong pag babago sa mukha ko kapag nasa screen ako at sa personal

Napatingin ako sa cellphone ko ng tumunog yun. Sinagot ko ang tawag ni Unice at nag sabi na maliligo na ako para pag malapit na sila ay hindi na mag hintay pa. Ngayon ang araw ng photo shoot namin dahil noong pumunta kami sa office ni Lee ay marami pang napag usapan tungkol sa contract at kung anong sakop nun pati narin ang expiration date nun.

Pag dating ng white Hilux van ay bumukas ang pinto sa gitna at bumungad agad ang mukha ni Tomo na mukhang kakagising lang din pero ngiting-ngiti na.

"Sakay na." Ginaya nya pa si Sharon Cuneta with hand gestures sa superferry commercial dati. Umiling ako at ngumti saka sumakay nalang

"Ang aga-aga puro ka kalokohan eh no." Tumingin pa ako kay Miki na tulog sa likod katabi si Rei na tulog rin habang nakasandal ang ulo sa balikat ni Miki.

"Tinulugan ako nung dalawa, ang daya nga eh." Sagot pa ni Tomo sa akin.

"Edi matulog ka rin."

"Hindi ako inaatok eh." Sagot nya. Tinapik nya si Manong sa unahan at pinabuksan ang radio saka sya sumabay sa kanta doon. Hyperactive talaga ang isang 'to at nagagamit nya yun sa stage kapag mabigat ang tugtugan namin.

Lumingon ako kay Unice ng kalabitin nya ako sa braso. Nag good morning ako sa kanya pati kay Hyacinth at Edcel na nasa likod naman.

"Did you sleep well? Ininom mo ba yung mga vitamins na pinapainom ko sayo?" Tanong pa ni Unice.

"Yup nakatulog ako ng mahimbing at ininom ko lahat ng vitamins ko."

"Good." Masayang masaya sya sa narinig. Bilang manager kasi namin ay sya ang in charge talaga sa amin dahil kapag nag kasakit kami or mawala ang boses ko dahil nasobrahan sa puyat ay mapupurnada ang isang gig namin.

Accidental WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon