CHAPTER #29

1.7K 63 10
                                    

Claudia's POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Claudia's POV

Saglit lang kaming kumain ng almusal dahil na rin sa kaunti na lang ang oras at mag-ba-biyahe pa kami. Kotse ni Sean ang gamit namin ngayon. May kasama siyang driver.

"Mag-iingat kayo," bilin pa ni Mama bago isara iyong pinto ng kotse sa gilid ko.

Tumango lang naman si Sean kay Mama.

Ilang sandali pa ay nasa biyahe na kami. Tahimik lang kaming dalawa rito sa likuran ng kotse habang iyong driver ni Sean ay nag-suot ng earphone.

Okay lang kaya iyon? Hindi ba bawal iyon? Baka hindi niya marinig kapag may bumusina sa likuran ng kotse.

Walang may balak na magsalita sa amin. Gusto ko siyang tanungin kung bakit pumunta pa siya sa bahay gayong wala naman na kaming relasyon--- kung relasyon ba talagang matatawag iyong namagitan sa amin.

Mas lalo lang niya akong pinapahirapan dahil sa mga kinikilos niya. Paano ko sasabihin kila Mama na wala na kaming relasyon pagkatapos ng nangyari ngayon? Sinamaan ko nga siya ng tingin.

Ilang sandali pa at tanaw ko na ang school.

"Manong dito na lang ho ako sa kanto. Pakihinto po ng kotse," sabi ko.

Ayokong may makakita sa amin dahil baka maging issue na naman ito.

"Bakit? Baka mahuli ka pa sa klase," nagtataka akong tiningnan ni Sean.

Hindi ko siya sinagot at mabilis na akong bumaba ng kotse pagkahinto nito. Kumaway na lang ako sa driver ni Sean at nagsimula ng maglakad.

Almost 15 minutes na akong late. Kakarating ko lang ngayon sa room at base sa ingay sa loob ay nagsisimula na ang discussion. Madali lang akong nakapasok sa entrance ng school kanina dahil nakiusap ako sa guard. Nakakapagtaka nga dahil hindi siya mahigpit ngayon.

Iniisip ko kung paano akong makakapasok gayong attentive ang mga kaklase ko sa discussion. Bahala na nga.

Binuksan ko ang pinto ng room at saktong makapasok ako ay siya namang pagtigil ni ma'am sa pagsasalita. Naglinyahan ang labi nito at base sa tingin niya ay sermon ang aabutin ko. Napayuko tuloy ako.

"Sorry, ma'am. We're late."

Nanlaki ang mga mata ko at mabilis na nilingon si Sean.

Late siya? E' diba nga nauna na siya sakay ng kotse? Bakit pa siya na-late?

Nang tingnan ko ang teacher namin ay lumambot na ang expression sa mukha nito.

"Okay, take your seat. Hindi ko na uulitin sa simula ang topic, kayo na ang bahala na humabol sa discussion," sabi nito.

Nauna ng naglakad si Sean kaya naman sumunod na ako sa kanya at baka palabasin pa ako ni ma'am. Mahirap na. Ramdam ko ang mga tinginan sa akin ng kaklase ko. Paniguradong sa akin na naman nila isisisi kung bakit na-late ang lodi nila. Tsk!

Si Ms. L.S. at si Mr. H.S. [under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon