CHAPTER #15

1.7K 90 20
                                    

Claudia's POV

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Claudia's POV

Maaga akong nagising ngayon para mag-asikaso. Ngayog araw na ako makakauwi sa amin. Nang tingnan ko ang lamesa na kahapon ay puno ng mga pagkain ay malinis na ngayon. Maging ang mga ilang damit ko ay nakasilid na ng maayos sa bag. Si Mama na lang ang hinihintay namin ngayon ni kuya Jessie.

Siya ang kasama ko kagabi at ang loko, puro kalokohan ang kinu-kwento sa akin. Mabuti na lang at tumigil na siya ng mapansin niyang wala ako sa mood makipag-biruan sa kanya. Hinayaan na lamang niya ako hanggang sa makatulog ako.

"Ano, bunso? Ready kana? Ang ganda talaga ng prinsesa namin," sabi niya sabay kurot sa pisnge ko!

"Aray! Kuya!" Inis kong inalis ang kamay niya.

"Ang arte naman nito, pakurot lang eh." Sabay tawa niya.

"May pisnge ka naman ah, ba't di yang pisngi mo ang kurutin mo? Tsk!"

Hinipo-hipo ko yung pisnge ko, grabe ang sakit talaga! Ito ang pinaka hindi ko gustong asaran eh, iyong may pakurot-kurot pa. Ang sarap mangagat ng kuya ngayon.

"Sa lobby na lang tayo ng ospital maghintay. Okay lang ba sa iyo?"

"Sige mabuti pa nga. Inaatake ka na naman ng pagiging isip-bata mo."

Tumawa lang siya at nagpatiuna ng maglakad. Sinuyod ko ng tingin ang kwarto ng ospital na ginamit ko. Malinis na uli ito. Lilinisin na lang ulit kapag may ookupa na. Napangiti na lang ako bago ko isara ang pinto saka humabol kay Kuya Jessie. Ang bilis maglakad!

...

HINDI rin nagtagal ay dumating na si Mama lulan ng sasakyan. Clear na ang record bill ko sa ospital dahil inasikaso na iyon na Mama kahapon bago siya umuwi.

Bumababa si Mama sa kotse at sinalubong kami ni Kuya Jessie.

"Kumusta ang pakiramdam mo?" Tanong sa akin ni mama.

"Okay lang po," sagot ko.

Sa harapan silang dalawa pumwesto at mag-isa lang ako sa backseat. Hindi naman traffic kaya magaan lang ang biyahe. Nagsisimula ng sumikat ang araw. Nang sipatin ko ang orasan sa dash board ay mag-a-alas otso pa lamang ng umaga.

Umayos ako ng upo at saka sinandal ang sarili sa upuan. Saktong pagpikit ko ay siya namang imahe ni Sean ang nakita ko kasabay ng boses ni Mike, tungkol sa mga sinabi niya sa akin habang nasa ospital pa kami.

Napabuntong-hininga na lamang ako saka pumasok sa isipin ko ang isang plano.

Para sa sarili ...

Para sa mamahalin ko ...

At para sa campus na kinabibilangan ko.

.

.

.

MAAGA akong pumsok ngayon dahil na rin sa sobrang pagod ko kahapon. Pag-kauwi kasi namin galing ospital ay pinalampas ko lang ang oras para sa tanghalin bago ako umalis.

Si Ms. L.S. at si Mr. H.S. [under Revision]Where stories live. Discover now