CHAPTER #14

1.8K 99 18
                                    

Claudia's POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Claudia's POV

Kanina pa nakaalis si Sean at kanina pa rin ako kinukulit ni Mike. Imbes na pagpahingahin ako ng baklang 'to ay kung anu-ano ang ibinubulong sa akin.

"Trust me, Claudia. Wala namang masama kung mag-aayos ka. Para sa sarili mo rin itong sinasabi ko---"

"Ang kulit mo! Umalis kana nga." Kunot-noo kong sabi sa kanya.

Napatingin ako sa kanya ng hindi niya ako sagutin. Nakatingin lang naman siya sa akin. Yung totoo, kung hindi lang 'to bakla si Mike ay iisipin kong may masamang balak 'to.

"Maganda si Chonna, matalino, active sa school at may mga supporters pa. Sanaol!" sabay tawa niya.

"O, tapos?"

"May kakilala ako... Sabihin mo lang kung gusto mo ng tulong. Hindi ka naman manggagaya, Claudia. Aayusin mo lang ang sarili mo sa paraang magmumukha kang dalaga. Kung naging babae lang talaga ako, na'ku!" Frustrated na sabi nito.

Well, ang gusto kasing mangyari ni Mike ay magpaayos ako at magpaturo kung paano ba ang tamang pananamit dahil luma raw ang fashion ko. Kung gusto kong makuha ang atensyon nang mga tao sa school ay dapat magsimula muna ako sa sarili ko--- sa physical na katauhan ko.

Maganda naman ako ah, sabi ni Mama at ng mga kuya ko. Naniniwala ako ro'n.

"Aanhin mo ang ganda kung hindi mo ito kayang ayusan at damitan?"

Napatingin ako kay Mike. Teka, nababasa ba niya ang kung anong tumatakbo sa isipan ko?

"Grow up, Claudia! Sooner or later matututo ka rin. Kailangan mong mag-ayos dahil isa rin yan sa requirements sa college. Magkakaroon ka ng mga manliligaw."

Napangiwi ako sa sinabi niya. "Hindi ko kailangan ng manliligaw, loka! high school pa lang ako, oh. Ang advance mong mag-isip."

Inirapan lang niya ako. Kung hindi lang masamang mandukot ng mata ay baka nadukot ko na iyong mata ni Mike, kanina pa kasi irap nang irap.

***

Mike POV

"MAHAL mo ba si Sean?" Natigilan si Claudia dahil sa tanong ko at ang luka-luka, hindi makatingin sa akin.

"Ano bang tanong 'yan?"

"Hala, siya. Nagtatanong lang naman. Kung hindi kasi kita mapipilit sa gusto ko ay gusto ko na lang malaman kung may feelings ka ba kay Sean." Napabuntong-hininga siya.

"H-hindi ko alam eh. Hindi pa naman ako na-inlove. Baka oo? Pero kasi fake girlfriend lang niya ako, Mike. Hindi maayos 'yung simula ng relasyon namin." Mahabang paliwanag niya.

So confirm, mukhang inlababo nga ang kaibigan ko. Tapos itong si Sean, mukhang may feelings naman siya kaya lang magulo. Ang gulo nilang dalawa! Sumasakit tuloy ang ulo ko.

Si Ms. L.S. at si Mr. H.S. [under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon