CHAPTER #18

1.8K 79 14
                                    

Claudia's POV

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Claudia's POV

Maaga akong nagising ngayon kaya naman mabilis na akong kumilos para sa pagpasok. Nariring ko rin ang pag-luluto ni Sean sa kusina, talagang maaga lagi siyang nagigising!

"Breakfast ready!" Sigaw niya.

"Papunta na!" Sigaw ko pabalik.

Nagsusuklay ako ng buhok habang pababa ng hagdan, naka-uniform na ako at naka-medyas. Hindi na rin gano'n kabasa ang buhok ko dahil blinower ko 'to bago ako lumabas ng kwarto. Pagpasok ko sa kusina ay nakahanda na nga ang almusal. Nilagang itlog, pritong isda, saging at gatas. Wow! Daig ko pa ang may katulong sa bahay!

"Kumain kana para maubos mo iyang lahat. Maganda iyan lalo na't mag-e-exam ka." Nakangiting sabi ni Sean.

"Salamat, pasensya na pala kung hindi kita matulungan sa kusina."

"Naiintindihan ko naman. Mas okay ng ako na lang ang kumilos kaysa masunog pa itong bahay n'yo. Lagot ako sa Mama mo kapag nagkataon." Ngiwing sabi niya. Abat! "Kidding," sabay tawa niya.

"Masama magbiro sa umaga, Sean. Nanapak ako, remember?" Ako naman ngayon ang may ngiti sa labi habang siya'y nakakunot ang noo.

"Kumain na nga lang tayo para maaga tayong makarating sa school."

Magana na kaming nag-almusal at pagkatapos ay naghanda na sa pag-alis. Ready na si Sean bago pa man siya magluto, nagsusuot lang siya ng apron para maharangan ang uniform niya. Maaga rin siya laging nagigising kumpara sa akin kaya naman laging ako ang hinihintay niya kada papasok kami sa school.

***

MAGKASABAY kaming naglalakad ni Sean sa hallway at ramdam ko ang mga mapanuring tingin sa amin ng mga kapwa namin estudyante. Naiilang ako sa mga tingin nila habang itong si Sean ay prente lang na naglalakad. Ganito lagi ang eksena namin sa nakalipas na mga araw pero ang mga estudyante ay araw-araw na lang big deal ito para sa kanila. Napatingin tuloy ako sa magkahawak naming kamay. Lihim akong napangiti. Nasasanay na ang kamay ko sa mga hawak niya.

"Relax ka lang mamaya. Lagpasan mo muna ang mga tanong kapag hindi mo alam ang sagot, unahin mong sagutan ang mga alam mo. Saka mo na balikan ang mga nilagpasan mo kapag may natitira ka pang oras." Bulong sa akin ni Sean saka marahang pinisil ang kamay ko.

Nanindig ang mga balahibo ko sa batok dahil sa ginawa niya! Halos ramdam ko kasi iyong pagbuga niya ng hangin sa tainga ko. Kinikilabutan ako!

"Oo," tipid kong sagot sa kanya.

Lahat ng mag-e-exam ngayong araw ay exempted sa buong araw ng klase. Aabutin kasi ng limang oras ang exam. Tig-isang oras sa apat na major subject; English, Math, Science, at Filipino. Isang oras para sa lunch break.

"Kasama siya sa mag-e-exam?"

"Hindi ba siya iyong si Ms. Lower Section?"

"Hala! Saan nakakuha ng lakas nang loob iyan?"

Si Ms. L.S. at si Mr. H.S. [under Revision]Where stories live. Discover now