CHAPTER #3

3.2K 130 47
                                    

Claudia's POV

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Claudia's POV

Gamit namin ang kotse ni Chincky sa biyahe papuntang mall, pero dahil under age pa kaya naman may driver siya at iyon si manong Jose.

Mabilis naman kaming nagsibabaan ng marating namin ang mall. Maraming tao ngayon at isa na rin sigurong dahilan ay linggo, family day. Marami kaming nakakasalubong na pamilya. Nang tingnan namin ang loob ng Jollibee ay punuan iyon kaya nagpasya kaming maglibot muna at tumingin ng mga bagong labas na damit--- idea ni Chincky dahil mahilig siya sa fashion dress.

"Uy! Ang ganda naman nitong dress oh!"

Akala ko naman kung ano na. Grabe kung makapag react si Jessa. Dress lang naman pala.

"Oo nga, pero mukang hindi kasya sa akin, sayang naman," sabi ni Tyra habang itinatapat niya sa katawan niya 'yung damit.

Hindi na naman ako lumapit pa sa kanila dahil alam ko naman kapag ganyang may gusto sila ay pag-aagawan nila tapos kapag hindi kasya ay hindi nila bibilhin. Parang nagandahan lang talaga sila. Gano'n.

"Wait, tingnan ko nga baka kasya sa akin," sabi ni Chincky sabay kuha ng dress kay Tyra.

Kung tatanungin niyo ako kung gusto ko ba 'yung dress, oo ang isasagot ko. Simple lang kasi siya at pwede kong suotin sa ganitong mga lakad namin. Pwede rin naman sa casual na okasyon. Pero kung gusto naman nila hindi na ako makikipag-agawan pa. Madami namang mabibili rito sa mall at hindi na namin kailangang pag-agawan ang iisang dress.

Pinasadahan ko ng tingin ang dress na 'yon habang sinusukat-sukat ni Chincky. Kulay red pala, hindi ako fan ng color red.

"Hindi siya kasya sa akin. Masiyadong maiksi 'yung laylayan," Nakabusangot na sabi ni Chincky.

"Hindi naman kaya ng damit 'yung katawan ko. Baka masira kapag susuotin ko," sabi ni Jessa.

"Hindi ko gusto." Tipid na sagot ni Tyra.

Halata nga eh, katabi ko lang pala siya at katulad ko'y hindi na niya tinangkang lapitan ang damit.

Napansin kong nagkatinginan sila tapos sabay tingin sa akin. Nakangiti pa sila niyan. Bigla tuloy may nabuo sa isip ko. 'Yung mga ngiti kasi nila mamapansin mong hindi gagawa ng mabuti. Tinaasan ko sila ng kilay.

"Girls, 'wag ako. Iba nalang," sabi ko sabay talikod sa kanila at lakad palayo pero bigla nalang akong pinigilan ni Tyra na siyang katabi ko.

"Uy, Claudia ikaw naman ang sumukat!" Sabi pa nito. Dadaanin na naman nila ako sa pakiusapan.

"Oo nga naman," Sang-ayon ni Jessa.

"Ako na ang magbabayad kapag nasira mo kaya 'wag kang mag-alala. Pang welcome gift nalang namin 'to sa 'yo."

Hindi ko alam kung matutuwa ako sa mga sinasabi nila. Makasabing masisira parang ang taba ko naman.

"Ano ba naman 'yan, pang bata kaya. Saka tingnan niyo oh!" Sabay turo ko sa damit. "Kulay pula kaya. Kailan niyo ba ako nakitang nagsuot ng pula? Depende nalang kung kailangan talaga. Saka may belt pa, baka hindi ako makahinga," reklamo ko sa kanila.

" 'Wag ka na ngang magreklamo. Hindi naman ikaw 'yung magbabayad nito, magsusuot ka lang okay? Kaya 'wag ng maingay. Minsan lang 'to," sabi ni Tyra habang inaayos 'yung sa may bandang likuran ko.

Sinuot kasi nila ng basta-basta 'yung dress sa akin ni hindi na nila ako pinapasok sa loob ng fitting room dahil baka takasan ko raw sila.

"Tsk! Kahit na ba. Hindi niyo nga tinanong sa akin kung okay lang ba na suotin ko 'to," patuloy na reklamo ko sa kanila.

"Claudia namn eh!" Sabi ni Jessa.

Napakunot-noo tuloy ako dahil hindi ko alam kung ano bang sasabihin niya.

"Doon na nga tayo sa fitting room ang hirap naman nito," reklamo ni Chincky saka nila ako hinila papasok sa fitting room.

Napapatingin tuloy ako sa paligid. Nakakapagtaka na wala man lang sumasaway sa amin.

"Kapag bagay sa 'yo ay bibilhin ko na 'yan," sabi ni Chincky saka sinarado 'yung pinto ng fitting room.

Hindi ko tuloy alam kung maawa ba ako sa sarili ko o matatawa ako. Ang pangit kasi ng pagkaka-suot nila sa akin nang damit. Napapailing na lamang ako saka ko inayos ang pagkaka-suot ko sa dress.

***
-Tyra's POV-

Ang tagal naman ni Claudia sa loob. Gusto ko na siyang makita dahil alam ko naman kasing sakto lang sa kanya 'yung dress na 'yon at bagay 'yon sa kanya paniguraro.

"Ang tagal ni Claudia," reklamo ni Chincky. Tulad ko ay naiinip na rin.

"Baka naman hindi niya alam kung paano suotin 'yon?" Tanong ni Jessa.

Itong babae na 'to hindi ko alam kung kailan ba siya nagbibiro. Bigla nalang kasing magse-seg-way ng wala sa lugar.

"Bakit ka nakatingin ng ganyan?" Napakurap ako. Hindi ko alam na nakatitig na pala sa akin si Jessa.

"Wala naman," Tipid kong sagot saka ko na iniwas ang tingin ko.

Baka mamaya malaman pa niya kung ano ang tumatakbo sa isipan ko!

"Wow! As in wow! Bagay na bagay sa iyo, Claudia!"

Napatingin ako kay Chincky dahil sa reaksyon niya. Nang balingan ko ng tingin si Claudia, alam ko na kung bakit. Tama nga siya, parang ginawa ang dress na iyon para kay Claudia. Pulido!

" Sabi na eh, bagay sa iyo. Nag-iinarte ka lang." Panunukso ni Jessa.

"Sana ganyan ka nalang araw-araw," dagdag ko pa dahilan para manlisik ang mga mata ni Claudia. Kahit kailan talaga hindi mahaba ang pasensiya. Mabilis mainis!

"Ayoko na nga! Magbibihis na ako. Sayang ang effort ko," sabi ni Claudia saka akmang babalik sanloob ng fitting room.

"T-teka! 'Wag ka ng magpalit, iyan nalang ang isuot mo." Pigil ni Chincky.

Napansin kong pinaningkitan ni Claudia ng tingin si Chinky.

"Okay ka lang ba? Hindi kaya pagtawanan ako ng mga makakakita sa akin? Naka rubber shoes kaya ako." Pabalang na sagot ni Claudia.

Bigla tuloy akong napaiwas ng tingin saka nagpigil ng tawa. Si Jessa ay gano'n din ng ginawa. Well tama nga naman si Claudia, magmumukha siyang katatawanan kapag gano'n ang style niya.

"Kalma lang girl, ibibili namin nila Jessa ng sandals na bagay sa dress mo," sabi ni Chincky. "Diba Jessa?" Paghingi niya ng tulong kay Jessa para mapapayag nila si Claudia.

"Huh? A-ah, oo. Bibili kami. Hanapan ka namin ng sandals na terno ng dress, 'wag na mainit ang ulo."

"Sigurado?" Tanong ni Claudia.

"Oo, kami na ang bahala. Tara na Chincky." Pag-aaya ko.

"T-teka! Ako lang ang mag-isa dito?" Tanong ni Claudia sa amin.

"Oo alangan namang sumama ka pa. Dito ka nalang, sandali lang naman kami eh," sagot ni Chincky sa kanya.

Lumakad na naman kaagad kami para makabalik ng mabilis. Walang kasama si Claudia eh, at baka kung anong gawin no'n pag wala kami. Tiis ganda muna siya do'n.
===
©J. O. Arandia

 Arandia

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Si Ms. L.S. at si Mr. H.S. [under Revision]Where stories live. Discover now