CHAPTER #38

1.5K 47 7
                                    

7 years later

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

7 years later...

Claudia's POV

"Napag-isipan mo na ba 'yung sinabi ko sa iyo?"

Natigilan ako sa ginagawa ko dahil sa tanong ni kuya Jessie.

Sabado ngayon at day off ko sa trabaho kaya naman wala akong ibang kailangan gawin ngayon kundi ang tapusin ang natitira kong trabaho bilang content marketing specialist sa isang kumpanya rito sa Saudi.

Sa dalawang taon ko sa kanila ay mabilis akong na-promote bilang digital marketing manager. At ngayon ko tinatapos ang natitira kong project bilang content marketing specialist.

"Claudia?"

Napaangat ako ng tingin dahilan para magkasalubong ang tingin namin na mabilis ko namang pinutol iyon.

"Kuya, please, I have my work to do. Let's talk about it after ko matapos ito." Pagtataboy ko sa kanya.

Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya.

Halos magda-dalawang linggo na rin simula ng ayain niya akong umuwi ng Pilipinas. Tinanong ko siya kung bakit, pero ang sabi lang niya ay gusto niyang maging kumpleto ang pamilya.

Binalik ko ang tingin ko sa laptop na nasa harapan ko sabay buntong-hininga ko ko ng maalala ko ang huling pag-uusap namin ni Daddy. Iyong gabi bago ako umalis.

"Inaalala mo pa rin ba ang sinabi sa iyo ni Daddy?"

Napakamot ako sa aking ulo. Nawala na ako sa ginagawa ko. Ang kulit kasi!

"Yes kuya, inaalala ko ang sinabi ni Dad," sagot ko sa kanya.

"Alam mo naman na dala lang iyon ng pagkabigla niya, sineryoso mo naman."

Umiling ako. "Gusto ko rin naman iyong sinabi niya, kuya. Kailangan may mapatunayan ako para sa anak ko. Para sa future ni Chescka."

Sabay kaming napalingon sa pinto nang kuwarto ng bumukas iyon.

"Mommy, I want milk." Pupungas-pungas na sabi ni Chescka habang bumababa sa hagdan.

Ngumiti ako saka ako naglakad palapit sa kanya.

Kada magigising kasi siya ay gusto niyang uminom ng gatas. Minsan ko na iyong tinanong sa pedia niya pero ang sabi nito'y normal lang iyon sa bata. Kusa rin itong aayaw sa gatas. Mabuti raw iyon kaysa sa ibang inumin.

"Hi baby! Nandito si tito," rinig kong sabi ni kuya Jessie sa likuran ko.

Ngumiti naman ang anak ko. "Hello, tito. Do you have books?"

Nagkatinginan kami ni kuya Jessie.

Isa sa kinahiligan ni Chescka ay ang magbasa. Sa edad na apat na taon ay kaya na niyang bumasa at intindihin kung ano ba ang binasa niya. Now she's turning seven years old, mas lalo siyang nahilig sa libro. Yes, may kakaibang talento si Chescka.

Si Ms. L.S. at si Mr. H.S. [under Revision]Where stories live. Discover now