CHAPTER #27

1.7K 68 15
                                    

Claudia's POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Claudia's POV

Lahat na kami ay nakaupo sa ibinigay ni ma'am na seating arrangement sa amin.

"Okay, class. Gusto kong sabihin sa inyo na next month ay may gaganapin na event ang school. Isa ang section niyo sa may malaking papel sa event. Ito ay exclusive lamang sa graduating students, yes. Lahat ng senior sa lahat ng section ay may pambato na mag-pe-perform. Ang section A, B, at C ang magha-handle ng event."

Umingay ang room dahil sa mga bulungan at usapan. Lagi naman na kapag may event na magaganap ay may malaking papel ang mga nasa higher section.

"Class, sandali! Makinig muna kayo," tumahimik naman ang paligid. "May ticket na ibebenta ang mga senior student. Ang kikitain ng event na iyon ay ido-donate natin sa kalapit na school na ngayon ay ipinapatayo pa lamang.

Gusto kong sabihin sa inyo na hindi lang 'to basta-basta na performance, gusto kong ipakita n'yo sa ibang year na ang senior high school student ay may kakahayang mag-handle ng event..."

Napabuntong-hininga na lang ako. Ang daming sinasabi ni ma'am, inaantok tuloy ako. Ang oras ay naubos dahil sa paliwanag niya. Lahat kaming section A ay kailangan sa event na iyon.

"Lahat ng mga new comer sa Section A ay nakatalagang mag-perform. It's either singing, dancing, poem or what. Basta ipakita n'yong worth it ang pinambili nila ng ticket."

Nanlaki ang mga mata ko. Hala! Kasama ako sa mag-pe-perform dahil new comer ako. Nagpatuloy siya sa pagpapaliwanag.

"Pwedeng solo, partner, o grupo na may maximum member of five only." Napapakamot na lang tuloy ako sa ulo.

Nang pasimple akong sumulyap sa katabi ko ay tahimik lang ito at mataman na nakikinig.

Pagkatapos na magpaliwanag ang teacher namin ngayon ay umalis na rin ito. Mahaba pa ang oras na bakante kami.

"Claudia!" Napalingon ako ng marinig ko ang tawag sa pangalan ko. Sila Jessa iyon.

Tumayo na ako at lumapit sa kanila. "Bakit? Saan kayo pupunta?"

"Tara muna sa labas. Ang toxic dito sa loob." ani Chincky.

Nasa labas lang kami ng room. Wala masiyadong tao kaya naman tahimik, iyong katabi naming room ay nag-ka- klase kaya naman tahimik lang kaming apat na nakatayo rito sa labas.

"May mga problema ba kayo? Bakit nandito kayo sa labas?" Napalingon kami. Si Levi iyon.

"Ikaw? Bakit ka lumabas?" Tanong ni Jessa.

Nagkibit-balikat naman si Levi at tumabi rin sa amin. Seryoso? Ginagawa rin pala nila ito? Ang tumambay sa labas habang walang teacher?

Ilang sandali pa kaming nandito at walang umiimik. Tahimik lang kami habang nilalasap ang paghampas ng hangin sa aming balat. Napaka-peaceful---

Si Ms. L.S. at si Mr. H.S. [under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon