CHAPTER #9

2K 110 26
                                    

Sean POV

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Sean POV

Nakatayo ngayon sa harap ko si Chescka, inaantay niya akong tumayo. Napakibit-balikat na lang ako.

Ngayon mas naiintindihan ko na. Bukod sa may topak siya... Siguro naninibago pa siya sa kung nasaan siyang sitwasyon ngayon. Dapat mas intindihin ko siya kasi ako rin naman ang humingi ng pabor para gawin niya ito.

Nang tingnan ko siya'y bakas sa mukha niya ang pag-kagulo ng isip niya. Tipong hindi ko masabi kung ano bang nararamdaman niya. Unang karelasyon niya ako--- kahit fake lang, wala siyang alam sa relasyon kaya dapat mas lalong intindihin ko siya.

Nauna na siyang naglakad at sumunod naman ako. Magkasama kaming pumila para bumili ng pagkain at para naman kumalma ang isip niya, ako na ang nagbayad ng kakainin namin saka na kami pumwesto sa lagi naming kinakainan ng mga kaibigan ko... Speaking of.

"Uy! Woah, may bago kana? Naks! Bilis mag-move on. Pakilala mo kami." Kababanggit ko lang sa kanila, nandito na kaagad.

Si Chimme Justine Absalon, Chimme for short. Isa sa mga kaibigan ko na parang kapatid ko na rin.

"Oo nga naman brad, naglilihim kana sa amin. Daya mo naman," segunda naman ni Cedrick. Cedrick Jairus Vinoya.

Parehas na makulit at maloko pero maasahan naman kapag seryosohan ng usapin. Well, lahat naman siguro. Pero kakaiba na ang pagkakaibigan namin dahil simula bata palang ay dikit na kami sa isa't-isa.

"Hi miss," bati ni Chimme kay Chescka.

Ngumiti lang naman siya, mukhang hindi siya komportable.

"Tinatakot mo naman Chimme, pag-pasensyahan mo na iyan at 'wag mo na lang pansinin." Si Cedrick ang may sabi.

Umiling na lang ako. "Tumigil nga kayong dalawa. Pareho lang kayo, eh," sabi ko.
"Mga kaibigan ko sila." Pagpapakilala ko kala Cedrick kay Chescka.

"Ah, ikaw pala iyong Claudia. Nice one!" Natatawang sabi ni Cedrick.

Nalaman kasi nila iyong nangyari sa amin ni Chescka.

"Nakakatakot ka pa lang magalit, nanununtok. Pero sige lang, suntukin mo lang lagi itong si Sean para hindi na tumingin pa sa ibang babae," segunda naman ni Chimme.

Napapangiti lang naman si Chescka at hindi na nakakakitaan ng pagka-ilang sa dalawa--- o sadyang nalaman lang niyang makapal ang mukha ng dalawa, tipong walang hiya dahil kung mag-kwentuhan sa nangyari ay akala nila wala ako sa harapan nila.

"Hoy! Kayong dalawa, iwan n'yo nga muna kami. Bakit hindi n'yo suyuin iyong mga babaeng gusto n'yo. Kapag kayo naunahan, walang sisihan."

Natigilan naman sila. Pareho kasing may mga lihim na gusto ang dalawa pero nato-torpe. Hindi ko lang kilala kung sino ba dahil hindi naman nila sinasabi, in-open lang nila sa akin na may gusto sila at hindi nila maligawan.

Si Ms. L.S. at si Mr. H.S. [under Revision]Where stories live. Discover now