CHAPTER #7

2.1K 114 33
                                    

Claudia's POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Claudia's POV

Nagising ako dahil sa pakiramdam na may nakatitig sa akin, naiilang tuloy ako kahit na inaantok pa ako. Pagdilat ko, laking gulat ko ng makita ko kung sino 'yung tumitingin sa akin.

"15 minutes na tayong late kaya kung ako sa 'yo ay babangon na ako." Rinig kong sabi niya.

"Ha? Late?" Nagtataka kong tanong sa kanya.

"Oo, monday ngayon at may pasok na. Baka gusto mong pumasok?"

Oo nga pala! Napagod kasi ako kahapon. Nawala sa isip ko na may pasok ngayon.

"Isang oras na po akong naghihitay sa 'yo. Ang tagal mong bumangon," Nakakunot-noo niyang sabi.

"Aba, hoy! Sino ba nag-utos sa 'yo na maghintay ka riyan kung pwede ka namang pumasok mag-isa? Ano walang paa? Naiwan mo sa akin?" Pabalang kong sabi. Ang lakas kasing manisi hmp!

"At sino rin bang nagsabing magpakilala ka bilang girlfriend ko? Tapos aasta kang single ngayon. Tandaan mo Chescka, lagi na tayong magsasama ngayon dahil girlfriend na kita. At bilang boyfriend mo, may obligasyon ako sa sarili ko para sunduin at ihatid ka pauwi."

Wala akong nasabi sa haba ng speech niya. Pero medyo alanganin ako sa sinabi niyang laging magkasama--- pati ba sa cr?

Tsk! Claudia ano ba 'yang iniisip mo! Mabilis akong napailing.

"Mag-asikaso kana para makahabol pa tayo sa klase." Napatingin nalang ako sa kanya hanggang sa makalabas na siya ng kwarto ko.

***
Sean POV

Akala ko sa lalaki lang uso iyong matagal at mantika kung matulog, pati rin pala ang babae ay gano'n at si Chescka ang halimbawa. Napailing nalang ako habang pababa sa hagdan.

May mali sa mga sinabi ko kanina sa kanya pero salamat nalang at hindi na siya sumagot. Ito pa naman ang unang araw bilang magka-relasyon kami. Babawi nalang siguro ako mamaya.

Natanawan ko kaagad ang mama at mga kuya ni Chescka sa sala, mukhang hot seat ako base na rin sa tingin ng mga kapatid niya. Kalmado lang ang mama niya at parang matured version ni Chescka ang mama niya.

Maayos naman ang pakikitungo nila sa akin at pinapasok nila ako kaagad no'ng nakilala ako ni Kuya Jessie, ang panganay sa magkakapatid.

Si kuya Dwayne naman, ang pangalawa. Siya iyong nagpigil kay kuya Jessie no'ng nakita nila kami ni Chescka sa Jollibee at pangatlo si Kuya Kylle, na base na rin sa sinabi ng mama ni Chescka, college student. Paalis na siya kanina no'ng dumating ako kaya naman si kuya Jessie at Dwayne lang ang nandito kasama ng mama niya.

"Halika Sean, maupo ka." Aya ng mama ni Chescka.

Sa single chair ako naka-upo habang ang mga kuya niya at mamaya niya'y nasa magkabilang sofa.

Mga ilang minuto ang lumipas bago may naglakas-loob na magsalita.

"Usapang lalaki, mahal mo ba talaga ang kapatid ko?" Tanong ni kuya Jessie.

Si Ms. L.S. at si Mr. H.S. [under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon