CHAPTER #26

1.7K 75 12
                                    

Claudia's POV

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Claudia's POV

Halos mabasa na ang damit na hawak ko kakaiyak ko. Hindi ko lubos maisip na bigla na lang matatapos ang pagpapanggap namin ni Sean. Aminin ko man o hindi, umasa ako na baka pwedeng maging kami. Iyong totoo, iyong walang halong biro at pagpapanggap.

Mahirap ba akong mahalin? Hindi pa ba ako sapat? Sabagay, sa ikli ng pinagsamahn namin kumpara sa relasyon na mayro'n sila ni Chonna ay talo na ako. Ano pa nga bang aasahan ko?

Napahawak ako sa dibdib ko ng pigilan ko ang paghikbi ko. Kailangan ko ng huminto sa pag-iyak dahil paniguradong darating na silang tatlo rito. Tiningnan ko ang mukha ko sa salamin, mugto na ang mata ko at namumula na rin ang ilong ko. Dinaig ko pa ang clown sa itsura ko ngayon.

Mula kanina nang makarating ako sa bahay ay rito na ako dumiretso sa kwarto ko. Tumigil lang ako saglit sa pag-iyak nang ibaling ko ang atensyon ko sa gitarang binili ni Levi para sa akin. Pero nang magsimula akong tumugtog ay siya namang pagdaloy nitong lintek na luha ko!

Ang ending, binaba ko na lang ang gitara at hinayaan ang sarili ko na umiyak. Bahala na. Mapailang beses akong huminga ng malalim. Kailangan ko pang magluto.

C'mon, Claudia! Walang mangyayari kung iiyak ka lang. Hindi maibabalik nang luha mo si Sean.

Mapait akong napangiti. Si Sean, na kung gaano siyang kabilis na dumating sa buhay ko ay gano'n din siyang kabilis na umalis.

Ilang sandali pa bago ako lumabas ng kwarto. Dumiretso ako sa kusina at mabilis na kumilos doon. Ni hindi ko sigurado kung tama ba ang lasa nang ulam na niluto ko. Sa halos ilang beses na pagtikim ko ng sabaw ay puro kapaitan lang ang nalalasahan ko. Sana umuwi na sila Mama. Ayokong mag-isa lalo na sa gabi.

Mabilis kong pinuntahan ang gate nang marinig ko ang pag-door bell doon. Natanawan ko kaagad sina Jessa, Tyra at Chincky.

"Bakit hindi ka pumasok?" -Chincky

"Pinakilala na kanina kung sinu-sino ang bago nating kaklase, kasama ka kaso wala ka naman kanina." Ani Tyra.

"Okay ka lang, Claudia? Bakit ganyan ang itsura mo?" Natigilan ako sa tanong ni Jessa. Doon lang din ako tinitigan nang dalawa.

"Hala! May sakit ka ba?" Nag-aalalang tanong ni Tyra saka ako mabilis na hinipo sa noo.

"Uminom ka na ba ng gamot?" Si Chincky naman ang nagtanong.

"Anong nangyari?" Napatingin ako kay Jessa.

Sa kanilang tatlo, si Jessa iyong may mas malalim na pagtingin sa mga bagay-bagay kaya nga siya rin ang pinaka-nakatatanda sa amin dahil sa personality niyang iyon. Nakahalata naman ang dalawa kaya naman tumahimik ang paligid.

"Wala na kami ni Sean."

Nakita ko ang pagtinginan nina Tyra at Chincky. Si Jessa naman ay umiling lang.

Si Ms. L.S. at si Mr. H.S. [under Revision]Where stories live. Discover now