CHAPTER #1

4.6K 154 83
                                    

Claudia's POV

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Claudia's POV

'Yung feeling na kasarapan ng tulog mo? Sabay may mambubulabog sa 'yo?

"Claudia! Oy! Claudia! Buksan mo 'tong pinto! Si kuya Jessie mo 'to."

Bakit?

"Teka, give me five minutes, Kuya!" Sigaw ko sa kanya.

"Okay sisimulan ko ng magbilang. Isa, dalawa, after five minutes at hindi pa nagbubukas 'tong pinto, gagamit na ako ng susi. Baka mamaya niyan kung anu-ano na namang kalokohan ang ginagawa mo."

Ang oa talaga ng kuya ko kahit kailan.

Lumipas ang limang minuto ...

"Bakit ba 'yon? Ang aga mo namang mambulabog, ang sarap pa kayang matulog," inis na sabi ko sa kanya saktong mabuksan ko 'yung pinto.

"Claudia, ano kaba, isang linggo ka lang na-suspend dahil sa ginawa mong gulo. Wala ka bang balak na lumabas? Linggo ngayon, baka gusto mong bawasan 'yung kasalanan mo? Kapatid ka naming babae at hindi lalaki kaya umayos ka." Mahabang sabi niya.

"Ang oa mo talaga kuya. Kung 'yan lang ang dahilan kung bakit mo ako ginising, pwede ba mamaya nalang 'yang sermon mo? Inaantok pa ako."

Napuyat kaya ako kagabi kakapanood ng k-drama pero siyempre hindi ko pwedeng idahilan iyon sa kanya dahil paniguradong bagong serye na naman iyon ng sermon niya.

"Ay na'ku naman kasi, kakasimula lang ng klase mo at halos wala pang isang linggo ang simula ng klase ay narito ka sa bahay. Alam mo bang nagalit si Daddy nang nalaman niya kung ano ang ginawa mo, sinabi pa niya na kung hindi ka titino ay sa Saudi ka niya pag-aaralin."

Isa pa 'yang Saudi na 'yan. Ni minsan hindi ko pinangarap na sa ibang bansa ako mag-aaral, ayoko nga do'n!

"Alam ko kuya," tipid kong sagot.

" Iyon naman pala eh, kaya tumino ka na kung ayaw mong si Daddy ang magdesisyon sa buhay mo. Kailangan mong ipakita sa kanya na matino ka't kaya mo na ang sarili mo."

Napaangat ako ng tingin dahil sa sinabi niya kasabay ng pag flash back sa utak ko ang mga nangyari sa unang araw ng pasukan.

.
.

"Excuse me, saan po ba 'yung science laboratory?" Magalang na tanong ko sa lalaking nadaanan ko sa may corridor.
Kahit na apat na taon na akong pumapasok dito sa school, hindi ko pabrin kabisado ang mga building.

"Anong year mo na?"

Balik tanong niya sa akin. Kahit na nagtataka ako ay sinagot ko pa rin siya ng maayos.

"Fourth year na po."

"Fourth year kana tapos science lab lang hindi mo alam? "

Natigilan ako sa sinabi niya kasabay ng pagkulo ng dugo ko!

Si Ms. L.S. at si Mr. H.S. [under Revision]Where stories live. Discover now