6

2K 147 6
                                    

"I JUST simply wanna die."

Napangiti si Jillian nang masuyo habang nakatingin sa kawalan. She was Clarice at the moment. Nakasalang sila ni Enteng sa isang eksena. Nasa beach sila at kasalukuyang palubog ang araw. Iyon ang ikaapat na araw ng shooting day nila.

Andrew and Clarice's story progressed. Nagka-kilala na ang mga ito at naging malapit na magkaibigan.

"Hindi ako naniniwalang iyon talaga ang gusto mo," aniya bilang Clarice.

"Bakit hindi kapani-paniwala? Wala akong dahilan para mabuhay pa," tugon nito bilang si Andrew.

"Kung talagang ayaw mo nang mabuhay, matagal ka na sanang nagpakalunod sa dagat. Pero buhay ka pa rin hanggang ngayon. Deep in your heart, you still want to live. Alam mo kasing masarap mabuhay kahit maraming pangit na pangyayari ang dumadaan sa atin. Marami namang puwedeng maging dahilan upang mabuhay tayo. Maghanap ka lang ng makakapitan. Life is amazing and fun. We should enjoy every minute of it."

Natigilan ito. Napatitig ito sa kanya. Mabuti na lang at bulag ang papel na ginagampanan niya. Hindi niya kailangang tumingin sa mga mata nito. Ang malamang na mangyari kasi kapag nakipagtitigan siya rito ay mablangko ang isip niya. Hindi sila uusad.

"You are one of life's beauties, Clarice. Mula nang makilala kita, unti-unting nagkakaroon uli ng kulay ang lahat. Pakiramdam ko, regalo ka sa akin ng Diyos." He was so sincere. Kung wala lang sila sa harap ng mga camera, baka naniwala na siya rito nang tuluyan. She focused her mind. They were just acting.

"Regalo ka rin ng Diyos sa akin, Andrew. Even if I don't see you, I know you are beautiful. Your soul is so beautiful. I can feel it."

"Can you be my reason for living?"

She smiled softly. "I can be one of the reasons."

"Cut!" sigaw ng direktor nila. "Perfect! Simply great. All the proper emotions were there. Good job, Jillian and Paul."

Nag-high-five sila ni Enteng. Bihira silang magkamali sa mga eksena. Walang kahit anong reklamo sa kanila ang direktor nila. Everything was sailing smoothly. Baka nga mapaaga ang pagtapos ng buong show.

Hindi niya alam kung ikatutuwa niya iyon o hindi. She wanted to spend more time with Enteng.

Nag-break muna sila. Kumain sila kasama ang mga staff. Nagpasalamat siya nang hainan siya ni Enteng ng pagkain. Ganoon palagi ito. Napakamaalaga nito sa kanya. Halos ibigay na nito ang lahat ng kailangan niya.

"Mukhang hindi lang sina Andrew at Clarice ang nade-develop sa isa't isa. Sina Jillian at Paul na rin yata," tukso sa kanila ng isang fellow actor nila.

"Hay, naku. Hindi lang kayo sanay na nakikita kaming magkasama. Ganito talaga kami. Makukulit," tugon niya.

Inakbayan siya ni Enteng at ginulo ang buhok niya. Natatawang itinulak niya ito palayo ngunit hindi siya nito pinakawalan. Kiniliti pa siya nito.

"I'm eating!" tili niya.

Pinakawalan na siya nito, nakangisi pa rin. "O, sige, lumamon ka na," tudyo nito.

Lumabi siya. "Talagang lalamon ako. Kanina pa ako gutom, eh." Kinuha niya ang plato nito at inilayo niya iyon dito. "Magpakagutom ka. Akin na 'tong pagkain mo."

Nagkulitan pa sila. Sa sobrang pagkaabala nila sa pagkukulitan ay hindi nila napansin na halos nakatingin na sa kanila ang lahat.

"'Sabi ko sa 'yo, eh," bulong ng isang staff sa kapwa nito staff.

"Oo nga. Bagay nga sila. Paullian fan na ako."

"K-KISSING scene?" hindi napigilang bulalas ni Jillian nang marinig ang sinabi ng direktor nila. "Wala po sa usapan 'yan."

Lollipop BoysWhere stories live. Discover now